X

28 2 0
                                    

Leave

"Bibss... Let's go, bilisan mo na riyan baka naghihintay na sila kanina pa." Pagmamadaling anyaya sakin ni Ae.

"Eto na, eto na..." Nagmamadaling sagot ko rin naman habang nagsusuklay ng buhok. Matapos namin mag-ayos ay kaagad kaming umalis para pumunta sa coffeeshop na pinuntahan namin last time.

Nang makarating kami ay kompleto na sila at agad na umupo si Ae kaya wala akong choice kundi umupo na rin sa bakanteng upuan, sa tabi ni Kigo. Nagdadalawang-isip pa ako noong una kung uupo ba ako, pero nakita kong nakatingin silang lahat sa'kin kaya agad akong umupo.

Nagsimula na ang meeting at pagpaplano at 'di ko maiwasang matuod sa kinauupuan ko, dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa ngayon... Kung dati ay malaya akong tabihan s'ya at lambingin siya, ngayon ay hindi na at ... Kasalanan ko iyon dahil nasaktan ko s'ya.

Naging maayos ang relasyon namin ni Kito kung dati ay 'di pa man ganun kalalim ang nararamdaman ko sakan'ya. Ngayon ay nasa ilalim na ako at nalulunod sa sarili kong pagmamahal para sakan'ya.

I don't know why, but since the day na naging kami masyado na rin nagiging corny ang pag-iisip ko. Dahil siguro ito sa pagmamahal na nararamdaman ko ngayon na kahit kaila'y 'di ko naramdaman sa mga nauna kong naging relasyon.

But then...

Nakalimutan kong 'di nga naman pala palaging masaya ang isang relasyon... I forgot that I'm living in reality. I forgot that we're not some kind of fictitious character from some random romance novel.

"Happy 2'nd anniversary, Love..." Bati niya sa'kin.

Yeah, it's our 2'nd anniversary at mag fo-fourth year na kami unti nalang at malapit na kaming grumaduate. Pero may kakaiba sakan'ya nitong mga nakaraang araw, tahimik s'ya at kung minsan ay 'di pa siya pumapasok...

"Love, may problema ba?" I asked him matapos namin kumain sa isang restaurant to celebrate our anniversary.

"Gusto ko nang tumigil... Sa pag-aaral." Seryoso niyang sagot na para bang sobrang tagal niya na 'yung pinagisipan at ngayon ay sigurado na siya sa gusto n'yang gawin.

"Pero...pano na 'yung pag-aaral mo? Malapit na tayong makapagtapos Kigo, unting tiis nalang saka ano naman ang gagawin mo paghuminto ka? " Naguguluhan kong tanong sakan'ya.

Mahalaga ang pag-aaral para sa'kin kaya 'di ako sang-ayon sa gusto niya at saka bakit? Bakit siya hihinto? Wala akong makitang magandang dahilan.

TEENS (COMPLETED)Where stories live. Discover now