Start
Nasa kalagitnaan kami ng pagkaklase ng isa sa major subject naming may terror na teacher. Nang may maisipan itong kung ano at biglang nagpaseating arrangement and napunta ako sa second row at dahil absent ang kasunod kong chair ay naging bakante ito. Magsisimula na sana ang lesson ng biglang may magsalita sa likod, si Kigo.
"Ma'am malabo po ang mata ko pwede po bang sa unahan nalang ako?" Magalang niyang sabi pero what? Malabo ang mata nya eh noong nakaraang araw lang ay nagpapayabangan sila ni Luie at sinabi nyang 20/20 ang vision nya at mas malinaw pa raw sa relasyon ni Luie at ng girlfriend nito.
Naglibot ang mata ng Professor namin at saktong huminto ito sa bakanteng upuan sa tabi ko.
"Okay, Mr. Salvacion doon ka nalang sa upuan katabi ni Ms. Madrigal since absent naman si Mercado ay magpalit nalang kayo ng seat."
"Thanks you Ma'am!"
"Tuwang-tuwa ka pre ah." Mahinang sabi ni Luie na halos narinig rin naman ng buong klase. First time ba nitong si Kigo makaupo sa harap? Psh.
Araw-araw ay lagi akong naiinis sa presensya ng katabi ko. Lagi silang nag-uusap ni Luie na nasa likod ng pasigaw, dahil sa magkalayo sila sa isa't isa. Pwede naman siyang pumunta doon sa pwesto ni Luie kung gusto nya talaga na kausapin ito bakit kailangan pang sumigaw? Kaya isang araw ay 'di na ako nakatiis at sigawan siya.
"Ano ba naman yan Kigo! Araw-araw nalang nagsisigawan kayo ni Luie. Why not go beside him at saka kayo mag-usap? My gosh! Parang nagkakalamat na ang eardrums ko sa araw-araw na pagsisigawan nyo!" Alam kong pulang-pula na ako sa inis pero 'di ko na talaga napigilan. I couldn't read my books properly every vacant time dahil nadidistract ako sa kanilang mga bunganga!
At ang mas nakakainis pa ay tinatawanan niya lang ako pagnaiinis ako na para bang kaligayahan niyang asarin ako.
"You know what? Ang cute mo pag nagagalit o naiinis," tawa siya ng tawa na mas lalong kinainit ng ulo ko.
Tumayo ako at naisipang lumabas nalang sana ng room dahil 'di naman ako mananalo sa pakikipag-asaran sakaniya pero narinig ko pa syia bago ako tuluyang makalabas ng room.
YOU ARE READING
TEENS (COMPLETED)
Ficção AdolescenteJoshiana Pearl Madrigal, a successful lady and one of the famous Civil Engineer and this is the story of her teenage life. ⭐⭐⭐⭐⭐⭐ Photo not mine (Crdts to the rightful owner) Source: Pinterest.