Chance?
Isang oras na kami dito sa coffe shop at marami-rami na rin ang mga naplano namin for our upcoming reunion. Isang oras ko naring katabi si Kigo na 'di man lang ako nililingon o binibigyan ng tingin...
'kamusta ka na? Ano nang balita sayo? Mahal mo pa ba ako?' Hindi ko maiwasang mapangisi at mailing sa huling tanong na gusto kong itanong sa kan'ya. Mga tanong na nasa utak ko lang at di maisatinig.
Malabong mahalin pa n'ya ako, matapos ko siyang iwan at matapos ng mga naiparamdam ko sakanya.
Natapos ang meeting at nagkaayaang pumunta sa bar at dahil medyo stress ako ay sumama ako pati narin si Ae.
Pagkapasok na pagkapasok sa bar ay dumeretsyo kami agad ni Ae sa harap ng bartender at agad umorder ng alak...
"Meron ba kayong alak na para sa brokenhearted?" Wala sa sariling tanong ni Ae sa bartender na napakamot naman ng ulo bago siya timplahan ng alak at iabot ito sakanya. Inisang lagok naman ito ni Ae at umorder pa ulit. Gusto ko rin uminom pero pano kami makakauwi ni Ae mamaya siguro ay tatawagan ko nalang mamaya 'yung pinsan ko para masundo kami ni Ae kung sakaling malasing kami pareho.
"Give me a drink for someone who wants to forget." Hindi ko na rin alam kung ano bang pinagsasabi ko or kung may alak ba talaga na para sa taong gustong makalimot. Linapag ng barterner 'yung alak sa harap ko at agad ko naman itong tinungga.
Ilang linggo na kaming 'di nag-uusap ni Kigo at gabi-gabi rin akong umiiyak. Mahal ko siya pero mahal ko rin ang pangarap ko at kung talagang mahal niya ako maiintindihan niya ang desisyon ko...
Ipokrita... Napaka Ipokrita ko. Gusto ko siyang intindihin ako pero hindi ko nagawa ang bagay na'yun para sakan'ya noong panahong humihingi siya ng pagsuporta para sa pangarap niya.
Dumating ang araw ng graduation ko at walang dumating na Kigo para i-congratulate ako. Bukas na ang flight ko at nag-iimpake na ako ng mga gamit ko ng biglang may kumatok sa kwarto ko.
"Bukas 'yan mom, patapos na po ako sa pag-iimpake ko---" Bumukas ang pinto at linuwa no'n si Kigo. Mukha siyang wasted sa pag-inom at maitim din at malaki ang mga eyebags niya. Halatang ilang araw na siyang walang maayos na tulog at pahinga.
"Kigo? Anong ginagawa mo rito?" Gulat at litong tanong ko.
Nagulat ako nang lumapit siya sa'kin at lumuhod sa harap ko habang nakayakap sa bewang ko.
"P-Pearl, don't leave me please... Gagawin ko ang lahat ng gusto mo. Mag-aaral ako ulit at pag-iigihin ko na. Please, parang awa mo na wag mo akong iwanan... Mahal na mahal kita." Umiiyak niyang sabi na nakapagtulo rin ng mga luha ko...
![](https://img.wattpad.com/cover/166355056-288-k790995.jpg)
YOU ARE READING
TEENS (COMPLETED)
Teen FictionJoshiana Pearl Madrigal, a successful lady and one of the famous Civil Engineer and this is the story of her teenage life. ⭐⭐⭐⭐⭐⭐ Photo not mine (Crdts to the rightful owner) Source: Pinterest.