Reunion
Matapos ang ilang paghahanda ay dumating na nga ang reunion day namin at sa mga nagdaang araw na nakakasalamuha ko si Kigo ay maayos na ang naging pakikitungo n'ya sa'kin simula nang hinatid n'ya ako noon nakaraan.
"Bibss, what do you think? Maganda ba?" Suot ni Ae ang isang royal blue na dress na medyo wavy yung palda.
"You look great," nakangiti kong puri sa kanya.
"I know right!" Kumindat pa sya sakin
"Bibss you should get dress na din, go mag-ayos ka na." Tinulak-tulak pa nya ako kaya wala na rin akong nagawa kundi umakyat ng kwarto ko at maligo saka magsuot ng dress. It's color black and sleeveless with matching butas pa sa dalawang tagiliran at katulad ng kay Ae wavy din 'yung palda nito."Ow. Em. Geeeeeeeee! You look so stunning and hot. Kinabog mo naman kami," she pouted her lips na ikinailing ko nalang.
"Wag mo kong bolahin," sabi ko habang inaayusan ang sarili ko.
"Hindi kaya kita binobola, duhh... Maganda ka naman talaga eh. By the way, alam mo ba nito lang din pala bumalik ng Pilipinas si Kigo noh?" Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. Umalis pala s'ya ng bansa? Sabagay kaya siguro wala kaming balita sakan'ya simula noong umalis ako.
"Sabi ni Luie noong iwan mo raw si Kigo noon natigil na rin siya sa pagbabanda at pumuntang Spain para mag-aral ng business. Tapos alam mo ba, siya na ngayon ang may hawak ng company ng Tito niya dahil wala naman daw iyong anak at 'yun din daw ang nag-offered kay Kigo na mag-aral ng business."
Ang dami ko na nga talagang hindi alam kay Kigo, pakiramdam ko'y ibang tao na siya...
"Tapos halos kasabayan mo lang din daw 'yun umuwi. Kahit nga raw si Luie na bestfriend niya wala rin masyadong alam sakanya simula nang umalis siya. Pero aminin, mas gwumapo na siya diba at saka successful na rin siya ngayon."
Totoo, naging successful siya at nasasaktan ako na wala ako noong mga panahong inaabot niya ang kung anong meron siya ngayon. Pero wala akong karapatang magtampo o makaramdam ng hinayang dahil ako ang nang-iwan..
Hindi ko ikwenento kay Aelyn 'yung nangyaring paghatid ni Kigo sa'kin noong nakaraang araw nang malasing siya. Di ko rin sinabi sa kanya na may balak akong umamin kay Kigo ngayong gabi na may nararamdaman pa ako sa kanya. Alam kung suntok sa buwan iyong gagawin ko pero gusto kong sumugal... Kahit sa huling pagkakataon nalang.
Sumakay na kami ng kotse ni Ae at saktong pagkarating namin ay nagsisimula na ang party.
Umupo na kami sa malapit na table na nakita namin ni Ae.
"I didn't expect na magiging ganito kaganda yung kalalabasan ng pagpaplano natin noh. Superb!"
Noong inayos itong venue kahapon ay si Ae lang ang nakapunta, dahil nagkaroon ako ng rush meeting sa isang client namin at dahil wala si Kuya Reu, anak ni Tita Wella ay ako ang pumunta at kumausap and I'm glad to say na natuwa sila sa nangyaring pag-uusap.
"I found a love... for me
Darling just dive right here
And follow my lead.
Well I found a girl, beautiful and sweet...
I never new you were that someone waiting for me.."Biglang may tumugtog sa stage at lumakas ang kabog ng dibdib ko makikila kung sino ang kumakanta, si Kigo. Kasama si Luie na naggigitara at yung tatlong lalaki na 'di ko kilala, I never saw them before.
"Kyaaaah! Ang galing parin talaga nila tumugtog. Go Hosiana's!"
Napalingon agad ako kay Ae matapos marinig ang pangalan ng banda..

YOU ARE READING
TEENS (COMPLETED)
Teen FictionJoshiana Pearl Madrigal, a successful lady and one of the famous Civil Engineer and this is the story of her teenage life. ⭐⭐⭐⭐⭐⭐ Photo not mine (Crdts to the rightful owner) Source: Pinterest.