VI

52 2 1
                                    

Highschool Reunion

Nagising ako ng may makarinig nang tawanan. Hindi ko alam na may bisita pala kami. Nang imulat ko ang mga mata ko nakita ko sa harap ko si Aelyn at ang babaeng kausap nya na pamilyar ang mukha. Napakusot ako ng mata at napaayos ng higa nang makilala kung sino ito at mapagtantong sa sofa pala ako ngayon nakahiga!

"Oh," sabay silang napalingon sakin.

"Oh Pearl, mabuti naman at gising ka na." Sabi ni Aelyn habang lihim akong pinanlalakihan ng mata.

"Bat di mo ko ginising?" Nakabusangot na tanong ko sakaniya.

"Aba! Hoy babaeng antukin kanina pa kita ginigising diyan kaya lang tulog mantika ka, kaya sumuko na ako sa paggising sayo. Atsaka baka bigwasan mo pa ako noh. By the way may bisita tayo," huminto sya sa pagsasalita saka bumaling sa kausap kanina.

"Of course, sino ang di makakaalala sa kanya isa siya sa pinakasuccessful sa batch natin at dating journalist at theatre actress ng school. "

Namula naman ako ng maalala yung mga panahon na'yun at sa pagpuri nya sa kung anong narating ko ngayon.

"By the way I know I look familiar to you, my name is Charlotte Quilino former President ng school council, nice to meet you again Madrigal," nakangiting bati at pagpapakilala niya sa'kin.

"Oh kaya pala pamilyar ka sakin. Nice meeting you too," nakangiting bati ko rin sakaniya.

"Ahhmm.. Kaya nga pala ako nag punta dito para imbitahan kayo for our reunion. Sobrang tagal na since grumaduate tayo ng College, so we decided na magkaroon ng reunion dahil mukhang successful naman ang lahat." Pagpapaliwanag niya na tinango-tanguan ko naman.

Tama sya. It's been 6 years already, gusto kong pumunta pero natatakot ako...natatakot akong makita siya ulit.

"So uhmm.. Aasahan ko kayo ah?"

"Suuuure! We're coming." Excited na tugon ni Aelyn kay Charlotte.

"That's good," ngumiti ito samin at nag-thumbs up.

Nagkwentuhan pa sila ni Aelyn, habang ako ay nakikinig lang hanggang sa magpaalam na ito at may pupuntahan pa raw.

"Biiiiiibss! I'm so excited omooo! I miss our old friends!" Nginitian ko lang sya at di na sumagot, "bat ang tamlay mo?"

"Nothing. Gutom lang ako," pagsisinungaling ko.

"Liar!" Inirapan niya ako kaya natawa ako sa itsura nya.

"Kung ang iniisip mo ay 'yung ex mo wag mo na masyadong problemahin 'yun. It's been six years! Six years na kayong wala Pearl, for sure nakamove-on na'yun atsaka, wala na akong balita roon simula nung maghiwalay kayo. Nanghihinayang din naman ako sa relasyon nyo. Ilang taon naging kayo at alam kong kahit papano ay may konti pa s'yang puwang diyan sa puso mo, pero Pearl tama na. Di kita sinisisi sa nangyari pero nasaktan mo rin naman siya at desisyon mo ang lahat ng ito kaya, kung ayaw mong sampalin kita ay maging masaya ka nalang para sa inyong dalawa. Kung magkita man kayo ede magkita, kung hindi ede hindi. Don't stress yourself too much." Seryoso siya sa mga sinasabi niya at nararamdaman ko 'yun.

Nagpapasalamat ako dahil kahit isip-bata 'tong best friend ko minsan, 'pag mga ganitong usapan matured naman siya at maasahan.

"Thank you for not leaving me Ae."

TEENS (COMPLETED)Where stories live. Discover now