Meet Again
Lumipas ang mga araw na 'di ko man lang naramdaman siguro, dahil wala akong ginawa sa mga araw na'yun kundi ang matulog at magkulong sa loob ng condo at syempre bumisita rin ako kanila Mommy.
"Pearl, I'm glad you're here," bakas ang tuwa sa mukha ng mga taong nasa harap ko dito sa isang sikat na coffeshop. I'm with my old classmates and schoolmates, Ae is also here with us.
"I have nothing to do naman eh. Boring na boring na ako this past few days so, I decided to go here since Ae will come too," ngumiti ako sa kanila matapos kong magsalita.
"Then that's great! Since bored ka naman and walang magawa you can help us to plan our upcoming reunion. If that's okay with you Ms. Engineer." Nakita ko ang pagningning ng mata nya dahil sa excitement. If I am not mistaken siya si Sadi and ang cute lang dahil, Sadi ang nickname nya pero napakamasayahin nya at maligalig noong college and sa napapansin ko mukhang hanggang ngayon ata.
"Sure, why not?" I heard them yelled a bit because of excitement.
"So what's the plan ba? Are we going to start from a scratch or you already have a plan na?" Tanong ni Aelyn na napansin kong kanina pang tahimik simula ng dumating kami dito at ngayon lang ata ulit nagsalita. There's something off with her and i noticed it since kaninang umaga. Di ako nagtatanong dahil alam kong kung gusto niya pag-usapan 'yung bumabagabag sakaniya ay nagsabi na siya agad sakin and besides, kilala ko siya pagtinanong ko siya she will just deny it and sasabihin niyang wala para 'di na ako mag-alala.
"Actually meron na tayong plan irerevise nalang natin and idadagdag naman natin yung mga pwede nating idagdag, na siyang pag-uusapan natin ngayon." Charlotte said na parang sinasabi na 'di naman namin kailangang mag-alala and we can just chill.
"Owkay...then where is it? Para masimulan na natin," tanong naman ni Stacey our former Vice President of Student Council. By the way, we're eight here--Me, Ae, Charlotte, Sadi, Stacy, Luie (Former Treasurer), Karen (Former Secretary) and Kevin (Former Auditor and Karen's Husband).
"Uhmm.. actually wala sakin ang plan na kay---" Naputol ang sasabihin ni Charlotte ng may biglang nagsalita banda sa likod ko.
"Hey Guys! Sorry I'm late alam nyo naman..." I know him... I really am. Hinding-hindi ko malilimutan ang boses na 'yun. Nagsitayuan ang mga balahibo ko nang marinig ko ang tawa niya...
It's been a long time... It's been six year...
I can't breathe. Pakiramdam ko'y tutulo ang mga luha ko kung kukurap ako't kikilos.
"Kigo!" Sabay-sabay nilang bati sa lalaking nasa likod ko at kararating lang. 'Di ako makakilos. Parang naestatwa ako sa pwesto ko.
"Yes of course naiintindihan naman namin, take a seat para makapagstart na tayo," sabi ni Luie habang tumatawa tawa.
Umupo siya sa bakanteng upuan sa harap ko kaya nang mapatingin siya sa harap nya ay nakita niya ako. Napansin ko ang saglit na pagkagulat sa mga mata nya pero, mabilis din iyon nawala at bumalik sa pagiging normal, isang segundo lang tumagal ang mga mata nya sa'kin pero pakiramdam ko'y napakatagal na noon...
Napainom ako ng coffe na nasa hatap ko at nakalimutan kong mainit pala iyon kaya agad napaso ang dila ko..
"O-ouch!" Napaikda ako dahil sa katangahan ko.
"Pearl are you alright?" Agad na lumapit si Luie sa tabi ko at kumuha ng tissue para punasan ang labi kong napaso, "bakit mo naman ininom 'yung kape ng ganun akala mo ba ice coffe yan?" Bakas ang pang-aasar sa tono nya kaya tinignan ko sya ng masama na ikinatawa naman nya. Luie is also one of my friend kaya comfortable naman kami sa isa't isa.

YOU ARE READING
TEENS (COMPLETED)
Teen FictionJoshiana Pearl Madrigal, a successful lady and one of the famous Civil Engineer and this is the story of her teenage life. ⭐⭐⭐⭐⭐⭐ Photo not mine (Crdts to the rightful owner) Source: Pinterest.