III

61 2 0
                                    

Ex

"Pearl bibss, wake up sleepy head!"
Sabay yugyog sa akin ng bestfriend ko.

"Uhmm," ungot ko dahil sa sobrang antok.

"Gumising ka na may bisita ka."

"Ano bayan ang aga naman ata," reklamo ko habang tinatakpan ng unan ang mukha ko.

Dahil sa sobrang pangungulit sakin ni Aelyn, pikit matang tumayo ako at tumingin sa alarm clock sa tabi ko. Napairap ako nang makitang 7:35 AM palang! Inis akong bumaba nang hindi nag-abalang mag-ayos o maghilamos man lang.

"Hey!" Bati sa'kin ng bisita ko na nakaupo ngayon sa couch.

"Hey," antok at walang buhay kong sagot habang humihikab pa. "Anong ginagawa mo rito? Ang aga-aga istorbo ka, natutulog ako eh." He chuckled for what I've said.

"You've never changed Pearl, napaka maldita mo parin." I rolled my eyes at him dahil sa sinabi niya.

" Alam mo Ali, everyone told me that I've changed a lot. I already know how to handle my temper but the moment you disturb my sleep, parang gusto ko na lang ata magmaldita maghapon." Hindi n'ya na ako pinatulan at tumawa nalang s'ya nang tumawa na akala mo'y may nakakatawa sa mukha ko. Bwesit sarap bigwasan!

"By the way, how are you? I heard na sobrang sikat mo na and napanood ko pa yung interview mo sa YouTube."

"So?"

"Ako nalang kasi ulit. Tara tayo nalang ulit dalawa," tumatawang sabi niya na ikinalukot ng mukha ko at umarteng nandidiri.

"Eww! Kilabutan ka nga sa mga pinagsasabi mo! Kadiri to!" Sagot ko sa tonong talagang maiinsulto sya, but I know Ali will not take it that way. Abnormal na tao kasi siya, figuratively. And unfortunately one of my exes.

Nagkaroon ako ng insecurities matapos ang pagiging brokenhearted ko kay Pacco. It might look exaggerated for some people, but it's true that I became so down, I feel so ugly for some reasons and because of that, sinagot ko si Ali one of my friend.

Ali is one of my friend and he's also one of my classmate. Since I'm already in grade eight, medyo lumaki narin kahit papaano ang circle of friends ko.

Nagkaroon ako ng ibang kaibigan maliban kay Katie at 'yon ay sila Marae. Marae is originally friends with Ali and my other friends which are Harry, Kelvin, Nikki and Rizy.

Sila ang mga nagtulak saking sagutin si Ali, and just like what other people says: 'nagpadala ako sa sulsol ng barkada.' kahit na alam kong mali at kahit na alam kong wala naman akong gusto kay Ali.

"Will you be my girlfriend?" Tanong nya, actually matagal na rin naman syang nanliligaw eh. Simula palang ay nagpakita na talaga siya ng pagkagusto sakin, hindi ko lang pinapansin noon dahil nga sa pagiging abala ko sa pagkagusto sa iba.

TEENS (COMPLETED)Where stories live. Discover now