VIII

37 1 0
                                    

Kigo

Ilang araw din kaming 'di masyadong naguusap ni Ae magmula noong umuwi kami galing sa coffee shop noong isang araw. At ilang araw naring nangangati ang mga dila kong tanungin siya kung anong problema, pero ayoko naman siyang pangunahan.

Pero nasa pag-iisip ako ng kung ano nga ba ang problema ni Ae nang kumatok siya at pumasok sa room ko.

"B-bibss," nangingilid 'yung luha niya habang papalapit siya sa'kin at nakikita ko kung gaano siya nasasaktan kaya agad ko siyang linapitan at yinakap.

"What's the matter Ae?" Tanong ko sakaniya habang tinatap ang likod niya para i-comfort siya.

"Ikakasal na siya..." Di ko alam pero kumirot ang puso ko sa tono ng boses niya habang sinasabi 'yung mga katagang yun, dahil nararamdaman ko kung gano siya nasasaktan. I don't know what to say para gumaan ang loob nya.

"Je will get married soon, he's engaged now at hindi ko alam kung pano nangyari yun! We're always together, lagi kaming magkasama kasi nga we're best friends at wala naman akong na papansing may girlfriend sya or what!  Tapos days ago malalaman ko nalang na he is fucking engaged!" Patuloy siya sa paghagulgul habang yakap ko sya. Ae loves Jeremy since college at alam ko na 'yung sobrang tagal na pagmamahal na 'yun ay talagang masakit pag 'di nasuklian.

"Noong una alam ko naman na wala talaga akong pag-asa sa kanya pero...pero kasi simula noong umalis ka at naging mas close kami, akala ko meron na eh . Umasa ako dahil sa mga pinapakita at pinaparamdam niya sa'kin akala ko meron eh! Kahit konti. Kahit katiting lang na pag-asa pinaniwalaan ko yun! Umasa ako sa mga pabiro niyang lambing sa'kin at sa malambing niyang pakikitungo sakin. Tapos ngayon ikakasal na s'ya sa iba? Bakit naman ganun?" Hinaplos ko ang buhok niya bago ako magsalita.

"Meron talagang mga bagay na 'di para sa'tin Ae. Kahit mageffort pa tayo o gawin ang lahat para sa bagay na 'di para satin...hindi parin magiging para sa'tin 'yun. Yes, we are all deserving na mahalin pabalik pero kung mapupunta sayo 'yung taong mahal mo pero 'di para sayo...paano naman 'yung taong para sana sa kanya? At mas paano naman ang talagang para sayo?"

I know that she will understand it. Alam kong parang nagsayang lang siya ng halos kalahati ng nagdaang buhay niya para sa taong 'di para sa kanya... Pero ganun talaga, nagmahal lang naman ang kaibigan ko.

"Di mo ba naisip sobra na ang sampung taon Ae, you should love yourself more than anyone else in able for you to see people around you na mas better sa inakala mong the best na. Ae, maraming nagmamahal sayo 'di mo kailangan mamalimos ng pagmamahal sa isang taong walang balak na mahalin ka pabalik."

Kumalas siya sa yakap ko at pinunasan ang luha niya gamit ang mga palad niya saka huminga ng malalim bago nagsalita.

"Siguro nga tama ka Bibss, masyado akong nabulang sa pagmamahal ko sa kanya kaya 'di ko na nakikita yung mga tao sa paligid ko... Siguro nga sobra na 'yung katangahan ko... Pero ... Nagmahal lang naman kasi ako. Ang sakit-sakit. Pakiramdam ko sinagasaan ng 10 Wheeler Truck 'tong puso ko." Umiiyak na saad niya.

"Alam ko..." Mahinang sagot ko.

Ngumiti siya sa'kin at muli akong niyakap ng mabilis... Alam kong pilit ang mga ngiti nya, pero wala akong magagawa sa bagay na'yun bukod sa damayan siya. Dahil alam kong sarili niya lang din ang lubos na makakatulong sakanya para mabura 'yung sakit na nararamdaman niya.

TEENS (COMPLETED)Where stories live. Discover now