CHAPTER 1 FIRST TIME

357 6 2
                                    

Sa Damirami ng tao sa mundo sadyang may isang tao na nakalaan para sayo. Minsan hindi mo na dapat hanapin dahil ito ang kusang hahanap sayo. Pagkakaroon ng minamahal ang pinakamasarap na pakiramdam kapag naranasan ito ngunit tiyak din na ito ang magdudulot ng sobrang sakit sa puso mo kapag nabigo ka dito…..

Tunghayan ang isang kwento ng isang dalaga na pumasok sa isang magulong buhay kasama ang isang lalaki na walang ibang alam kundi ang manakit ng damdamin ng isang babae. Paano kung ang isang pangyayari ang bumago sa takbo ng pakikitungo nila sa isa’t isa? Mapapanindigan kaya nila ang isang sitwasyon na sa una palang alam na nilang mali. Hanggang saan aabot ang kasinungalingang aabot pa sa kasukdulan…….

Chapter 1

First Time

Unang araw ng pasukan sa isang sikat na unibersidad ng manila. Isang transferee si Michelle sa unibersidad na iyon galing sa unibersidad sa bicol. Namatay kasi ang magulang niya ng magkaroon ng matinding landslide malapit kung saan sila nakatira buti nalamang wala siya ng panahon iyon dahil nasa manila siya dahil mayroon silang educational tour. Magmula noon puro aral nalang ginawa niya, ni hindi na sya nakikitang ngumingiti ng malalapit sa kanya. Kaya kinuha siya ng tita niya sa manila upang doon nalang mag-aral dahil sayang naman ang talino niya kung hihinto nalang ito basta basta. Kung may matalino man siguro siya iyon at hindi rin naman matago ang kanyang kagandahan. Nakakuha siya ng Full scholar sa unibersidad na iyon kaya naman wala siyang binabayarang tuition fee doon…

Dahil bago lang sa pinapasukang school hindi niya alam kung saan ang classroom niya sa araw na iyon. Marami siyang dalang papers dahil isusubmit din niya ang mga requirements sa admin office ng unibersidad. Humanap siya ng pagtatanungan ng hindi maiwasang mabungguan siya ng isang lalaking sa tingin niya ay anak mayaman at sa unang impresyon niya ay may kayabangang taglay……

ARAY!!!..... sambit ni michelle ng mabungo ng lalaki bahagyang napaupo sya sa lakas ng pagkakabungo sa kanya. Natapon ang mga dalang papel ni michelle sa sahig ng hallway

Miss I’m Sorry… Hindi ka kasi tumitingin sa daan eh… sambit ng lalaki sa kanya.

Biglang uminit ang ulo ni michelle sa narinig, tama nga siya na medyo may kayabangan esti masyadong mayabang siya sa isip isip niya.

Mr.??? mukhang nagkakamali ka.. ikaw ang hindi tumitingin sa dinadaanan mo.. tapos tumatakbo ka pa para kang magnanakaw….takbo ng takbo..

Sungit mo naman miss nagsorry na nga ang tao eh… saka hindi ka rin naman tumingin ah.. kung nakatingin ka sana nakaiwas ka… sabay ngiti nito na tipong nang aasar pa.

HUH??? Sabay simangot ni michelle sa lalaki. NEVERMIND.. sabay kuha ng mga papel na nagkalat sa sahig.

Tulungan na kita miss….

Naku wag na MR. kaya ko na. masungit na salita nito sa kanya

Okay sabi mo eh. Sabay lakad papalayo sa kanya.

Bwesit!!! Bulong sa sarili. Kung mamalasin ka nga naman napakayabang…

Biglang may narinig siyang may tumatawag sa kanya sa di kalayuan

MISS SUNGET!!!!

Napatingin siya. At ang lalaking kinaiinisan niyang ang bumungad sa kanya

ALBERT nga pala! Sabay baling patalikod at umalis

What the…. At nagawa pa niyang magpakilala.. WHO CARES?? Patuloy na naiinis sa lalaking nakilala.

Sa dami rami ng una niyang makikilala sa unibersidad na iyon ang lalaking iyon pa. Puno ng kayabangan ang katawan at kung kumilos parang isip bata eh nasa kolehiyo naman na sila.

Matapos malaman ni michelle kung saan ang classroom nila, agad agad siyang pumunta doon. Mukhang magsisimula na ang klase, kaya agad agad na ako pumasok. Buti nalang may nakalaang upuan malapit sa may pinto.

Okay class, kamusta ang bakasyon??? Are all of you satisfied?

Not so Ma’am nakakabitin eh, sambit ng isa nilang kaklasing babae na sa tingin ni michelle ay mayamang sosyalera.

Okay, lahat ba dito datihan na? all of you are classmates before?

Tumaas ng kamay si michelle. No Ma’am.

Okay hija.. May you please introduce yourself to us. Para makilala ka ng mga bagong mong classmates.

Tumayo si michelle at humarap sa mga classmates niya.

Well, Goodmorning classmates, I’m Michelle Monterial 18, years old currently residing at sampaloc, manila. My old school is in the Province of Bicol. That’s for now guys thank you.

Well, kung gusto ninyo si michelle makilalang mabuti kausapin ninyo nalang sya after our class.

At nagsimula na ngang magturo  ang kanilang guro sa mga oras na iyon. Tutok na tutok si michelle sa mga sinasabi ng guro nila. Nakakasagot sa mga tanung si michelle sa mga tinatanung sa kanya ng kanilang guro. Kaya maraming nagsasabi sa mga classmates niya na matalino nga siya.

Biglang may bumato sa kanya ng papel. Aray! Pabulong na sambit niya sa sarili, napatingin siya sa likuran at hinanap kung sino ang bumato sa kanya. May nakita siyang nakangiti sa kanya. Napaisip siya at biglang nanlaki ang mga mata niya.

Ang lalaking nakabungo niya, si albert.. Bigla niya itong inirapan at bumaling sa nagtuturong guro. Nasa isip isip niya, na malas ang first day niya sa school at alam niyang hindi magiging madali ang pag stay niya sa school na iyon dahil nandoon ang lalaking kinaiinisan niya at classmate pa niya ito.

Uwiian na nila at naglalakad na si michelle papuntang labas ng unibersidad ng may humintong sasakyan sa tabi nya.

Miss.. miss…

Napahinto siya sa paglalakad

Biglang huminto si michelle sa paglalakad upang tingnan ang nasasakyan.

Ikaw nanaman??? Pasungit na sabi nito kay Albert.

Napakasungit mo talaga no? sayang maganda ka pa naman at matalino..

Hahaha…nakakatawa.. tapos kana.. bye…

Wait..saan ka ba michelle? Hatid na kita may sasakyan naman ako

Naku, halata naman na may sasakyan ka eh kitang kita ko nga eh, pero no thanks hindi ko kailangan na ihatid mo pa. Umalis na si michelle sa kinatatayuan niya at mabilis siyang sumakay sa jeep na nakaparada sa harapan ng unibersidad.

Sana hindi nalang niya kaklase ang mukong na yun nakakainis talaga pagnaaala ni ya ang una nilang pagkikita at parang hindi niya makakayanan kung araw araw niyang makakasalamuha ang lalaking iyon. Pero kailngan niyang magtiis dahil sayang naman kung papalipat pa sya ng school. Huwag lang sana ulit siyang inisin ng Albert Cruz na iyon kung hindi papatulan na talaga ang lalaking iyon at sisiguraduhin niyang sa gagawin niya mananahimik na ito.........................................

LOVE LIES (Michelle and Albert Story)Where stories live. Discover now