CHAPTER 7 IS THIS FOR REAL?

121 2 1
                                    

CHAPTER 7

IS THIS FOR REAL?

Hindi pa rin makapaniwala si Michelle sa nalaman tungkol kay Albert. Sa tuwing aayain siya nito napapangiti at napapatawa siya kapag nakikita ito dahil pumapasok sa utak niya na ang mayabang na gwapong ito ay isa palang bading. Isang araw inaya ni Albert si Michelle pumunta sa Birthday party ni Gerald. Hindi na siya gaanong masungit dito dahil alam na niya ang kanya secreto.

“Himala ata, hindi ka saakin nakikipagtalo ngayon?” nagtatakang tanong ni albert sa kanya.

“Ayaw mo ata eh, edi balik nalang tayo.” Sagot naman ni michelle.

“Ah..eh.. hindi naman, nakakapagtaka lang parati mo kasi ako sinusungitan”

“Well, syempre tao lang ako pabago bago ng mood… malapit na ba tayo Albert?”

“Kind of Michelle, sa kabilang kanto na yung venue ng Birthday ni Bro.”

Gustong matawa ni michelle sa narinig.

Bro?? baka naman babe or sweetheart ang tawagan nila saisip isip nito.

“Matagal na kayo ni Gerald?”

“Huh?? Matagal na kami??”

“Ay.. mali.. matagal naba kayong magkaibigan?” palusot na tanong ni michelle.

“Ahhhh…OO naman since childhood magkaibigan na kami, bakit mo natanong, bakit mo tinatanong? Gusto mo ba sya?”

“Ahhh , hindi noh! Magalit ka pa saakin! Esti baka kung ano pa isipin mo”

“Haha .. youre so funny michelle… by the way dito na pala tayo.. parking lang tayo.”

“Okay Albert.”

Nasa isang sikat na Club sila pumunta. Halatang halata na mayaman rin si Gerald. Maraming mayayamang pamilya ang pumunta sa kaarawan niya. Pagpasok na pagpasok palang nila sa loob sinalubong na agad sila ni Gerald.

“hey bro! I’m happy na nakarating kayo” masayang sabi ni Gerald sabay yakap kay albert.

Gustong gusto ni michelle tumawa ng malakas ngunit naisip niya nabaka siya mahalata ng dalawa. Umupo sila sa isang center table kung saan nakaupo si Gerald. Pinagmamasdan niya ang dalawa, agad agad pumapasok ang sinabi ni niel sa kanya. Mukhang mapapanatag na siya dahil nalaman niya na wala naman talagang nararamdaman sakanya si Albert, ginagawa lang niya ito upang pagtakpan ang kanyang pagkatao.

“Hey albert, Punta lang ako sa comfort room”

“Tara, samahan na kita!”

“No need, malapit lang naman eh”

“Ok pero balik ka agad ah”

“Ok!”

Hinanap ni Michelle kung saan ang CR ng club na iyon. Buti nalang madali itong mahanap. Pumasok siya dito. Maraming magagandang babae ang nag mamake up sa harap ng salamin ng C.R na iyon. Nang Matapos na si Michelle sa ginagawa niya roon, babalik na dapat siya sa pwesto nila ni Albert ng harangan siya ni Monica at ang kanyang mga kaibigan.

“Well, well, well… friends who’s looked here, ang cheap na babaeng ito.” Panglalait ni Monica kay michelle.

Tumawa naman ang kaibigan ni Monica”

“Pwede ba monica, wala akong panahon makipag away sinama lang ako ni Albert.”

“I see, Social Climber?? Owww mas maganda pagtagalog OPORTUNISTA!!!!”

“Perfect!!!” sambit naman ni beatriz.

“Hindi ako oportunista! So please ayaw ko ng away”

LOVE LIES (Michelle and Albert Story)Where stories live. Discover now