Dumating ang daddy ni Albert sa hospital kung saan sya dinala. Saktong kakapasok rin ni Michelle sa kwarto ni Albert. Biglang pumasok ang daddy ni Albert. Bakas ditto ang pag aalala sa anak. Saktong sa panahong iyon na gising na si Albert.
“Good Afternoon sir” kinakabahang bati ni Michelle.
“Oh dad.. bakit nandito ka? Sambit naman ni Albert sabay tingin kay michelle.
Ang mga mata ni Albert ay tila may paglalaroong nasa isip.
“Dinadalaw ka… Ano ba son nangyari?? Ayos kalang ba? May gumawa ba sayo nito?” pag uusisa ng daddy niya ditto.
“Siya DAD” turo kay michelle ni albert.
Bumilis ang tibok ng puso ni Michelle sa narinig at nakita. Ito na yata ang katapusan ng pag aaral niya at may posibilidad na makulong pa siya.
“Sino siya?” sabay tingin ng daddy niya kay michelle.
“Siya ba ang dahilan kung bakit ka naaksidente?”
Bigla si michelle nagpaliwanag.
“Sir, ganito po kasi yan…”
Naputol ang pag sasalita ni Michelle ng umeksena sa usapan si Albert.
“Hindi sya dad may gawa saakin nito.. Siya Dad Girlfriend ko na pakikilala ko sayo.”
Hindi alam ni michelle kung anu ang kanyang sasabihin gusto man niyang kontrahin si albert at sabihin ang totoong ngyari natatakot parin siya.
“Oh hija, mabuti at finally na meet na rin kita, manang mana talaga saakin ang aking anak magaling pumili.” Sabay yakap nito sa kanya.
Pilit ngumiti at nagpanggap si michelle sa harap ng daddy ni albert. Mahaba haba rin ang pag uusap nila bago umalis ang daddy ni Albert. Naiwan silang dalawa sa kwarto.
“Pakipaliwanag nga ang sinabi mo sa daddy mo na GIRLFRIEND mo ako.” Masungit na sabi nito.
“KABAYARAN MO YAN SAKIN”. Sambit nito
“Para saan? Para sa ginawa ko sayo? Aaminin ko naman dapat eh..”
“Bakit hindi mo inamin, ayon nay an choosy ka pa di ka naman yummy.. medyo lang…” sabay ngiti nito.
“Aaminin ko naman eh, sadya lang ayaw ko makulong o tumigil sa pag aaral dahil na kick out ako.”
“Edi tapos ang usapan, magpapanggap kalang naman girlfriend ko eh, hayaan mo hanggang ngayong sem lang.”
“Kapal mo rin ano, feeling mo lahat makukuha mo.. pwes ibahin mo ako…”
“Kaya nga mas gusto kita michelle eh, dahil iba ka.. ibang iba….”
Tumitig si Albert sa mga mata ni Michelle. Noon lang ni michelle nakita ang ganoong ka sincere na mata kay albert. Pero binalewala agad niya ito at binaling ang tingin sa iba.
“Ok. Payag na ako. Pero pagkatapos nun magkalimutan na tayo ah.”
“Okey miss sungit.. deal”
“Oh sige alis na ako. Ok ka naman na eh.. Im sorry ulit.”
“Sige ingat ka Baby ko” sambit pa ni albert
“Corny mo… walang tao kaya huwag kang feeler…”
“Sungit…” sabay ngiti..
Hindi alam ni michelle kung tama ban a pumayag siya sa kasunduan ni Albert na maging girlfriend nito. Pero kailangan niyang kayanin para sa pag aaral niya. Isa lang ang itatanim niya sa sarili na lahat ng ito isang malaking kasinungalingan… no love just lies….