CHAPTER 13 PAANO KITA IIBIGIN

74 1 0
                                    

Mabilis dumaan ang panahon, 5th year na sila Michelle at Albert. Stay strong parin ang relationship nilang dalawa may kunting tampuhan pero naaayos din naman, normal na iyon sa isang relasyon. Candidate for Suma Cum laude si Michelle sa Batch niya, hindi naman kasi maitatago ang natatanging talino ni Michelle.

“Celebrate ba tayo?” tanong ni Albert kay Michelle.

“Para saan?”

“Kunwari ka pa Hon! Kalat na kalat na sa buong Campus na ang Gf ni CAMPUS HEARTHROB ay candidate for Suma Cum Laude this coming graduation.” Pagmamalaki pa ni Albert.

“Ayan ah.. may kayabangan nanaman na kasama… hmmmm sige sige… celebrate tayo..” ngiting banggit ni michelle.

“So paano? Restaurant tayo?” tanong ni Albert.

“Hindi… gastos lang yan pwede naman magcelebrate ng hindi kailngan gumastos ng malaki.. ako na bahala..”

“So, tara na? kunin ko lang sasakyan..”

“Huwag na pwede naman natin lakarin eh” sambit ni Michelle.

“Sige Hon kaw masusunod..” ngiting sabi ni Albert sabay hawak sa kamay ni Michelle.

Walang Idea si Albert kung saan sila pupunta ni Michelle. Bakas kay Michelle ang labis na kasiyahan habang hawak hawak ang kamay ni Albert.

“Oh, ayan hon nandito na tayo!” pagmamalaking sambit ni Michelle.

“Dito???” taking sambit ni Albert.

“Maka dito kanaman wagas…. Ako nag aya so wag kang maarte… dito kaming mga ordinaryong tao kumakain pag nagugutom kami”

Maraming tindahan ng street foods ang pinuntahan ng magkasintahan. Hindi sanay si Albert na kumain sa mga ganoong lugar kasi nasanay siyang sa mamahaling lugar siya kumakain.

“Treat ko to okay kaya huwag kanga no dyan!” paalala ni Michelle kay albert.

“Seryoso ka Hon? Dito talaga?” sabay kamot ng ulo ni Albert.

“Huwag kang maarte.. kung mahal mo ako dapat mahalin mo rin kung ang buhay ko…nagkakaintindihan ba tao”

“Opo..!! wala na po ako sinabi!”

“Pumili kana Hon ! ano ba gusto mo Adidas, dinuguan… laman.. or gusto mo pugo.. kwekkwek.. naku masarap ito…. Saka may buko juice….pili na..” akit ni Michelle kay Albert.

“Safe baya? Baka naman may….” Natigilan si Albert.

“Anong sinasabi mo….?pakiulit…..”

“Hehe.. wala hon sabi ko kahit ano okay lang…” sabay kamot ulit sa ulo.

Nang matapos ng maluto ang mga binili ni Michelle umupo sila sa may upuan malapit sa binilhan nila.

“Hon, sure akong magugustuhan mo ….the best street foods in the Philippines dito” pagmamalaki ni Michelle.

“Mukhang suking suki ka na dito ah!”

Sinimulan na ni Albert tikman ang pinagmamalaki ni michelle na pagkain. Sa una parang nag aalangan pa siyang kainin ito dahil sa hindi talaga siya kumakain ng ganoong uri ng pagkain. Hindi nagtagal nasarapan na siya kaya naman naubos niya ang binili nila ni Michelle. Busog na busog ang dalawang magkasintahan na pabalik na ng unibersidad.

“Hon, minsan balik ulit tayo, hanep sarap ng tuhog tuhog….”

“Sige lang hon, pagnagkatime ulit tayo” sambit ni Michelle.

Kinagabihan sa Bahay ni Albert. Kadadating lang ni Albert ng salubungin siya ng kanyang daddy.

“Son! I have a surprise on you.. “ pagmamalaki pa ng daddy niya.

What??? Ano nanaman ito daddy?” tanong ni Albert.

“Looks who’s here” sambit ng daddy nya sabay turo sa second floor.

May babaeng sumilip at agad agad bumaba at umakap sa kanya.

“ALBERT!!!! Who are you” sabay yakap sa kanya.

CE..CEEEEEELINEEE?????”

“Yes.. ako nga to!” sabay ngiti sa kanya.

Si Celine ang kababata ni Albert na minahal niya. Highschool si Albert ng magpunta sa ibang bansa si Celine upang doon mag aral. Labis ang lungkot ni Albert sa pag alis ni  Celine dahil nasanay siya na siya parati ang nakikita, nakakasama at nakakausap. Matanda ng dalawang taon si Celine sa kanya.

Nag usap ng seryoso si Celine at Albert sa sala kung saan sila lang ang tao.

“So Albert.. hmmm kamusta ka na.. matagal tagal na rin ng huli tayong nagka usap personal.”

“Hmmm.. wala naman nagbago ayos parin ako.. tulad ng dati habulin parin ng chicks hahah”

“Oo, katulad ka parin ng dati may pagkamahangin.”sabay tawa .

“Na miss ko yang tawa mo nayan celine.” Biglang seryosong sambit ni Albert.

“Nahiya naman ako.. haha…. Miss you too albert. Alam kong madami ng nagbago since then….”

“Siguro nga… lahat naman nagbabago eh.. yun nga lang nakadepende parin iyon sayo kung sa paanong paraan gusto mong baguhin sarili mo.”

“Hmmmmm… siguro nga tama ka albert.”

“Maiba ako sino boyfriend mo ngayon?”

“Hmmmm. Wala!”

“Bakit naman huwag mong sabihin tinupad mo parin yung pangako mong babalikan mo ako” pabirong sabi ni Albert.

“OO” seryosong sambit ni Celine

“Anong sabi mo?” gulat na sambit ni Albert.

“JOKE!!!! Haha teka gabi na pala uwi na muna ako”

“hahatid na kita!”

“Kaya ko na sarili ko Albert. Thanks .”

Pilit na kinukubli ni Celine ang Nararamdaman niya kay Albert. Tinupad niya ang pangako niya kay Albert na babalikan niya ito at sa pagbabalik niya mamahalin niya ito.  Pero paano niya ito iibigin kung ang puso ng taong minahal niya at minahal siya ay tilang bulang naglaho na. Makakayanan pa kaya niya ang sakit na dulot nito o ipaglalabanan niya ang alam niyang siya ang nauna dito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 06, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LOVE LIES (Michelle and Albert Story)Where stories live. Discover now