CHAPTER 9 SUDDENLY IT'S MAGIC

79 1 0
                                    

Masaya ang umaga ni Michelle dahil alam niyang makakauwi na rin siya sa kanila. This is her last day sa rest house nila Albert. Katulad parin ng dati pagbaba ni Michelle mula sa kwarto may nakahanda na agad na pagkain para sa kanya.

“Manang! Nasan po si Albert?” pagtatanong nito sa katulong na naghahanda ng kakainin niya.

“Ah, si Sir Albert Ma’am, maaga po siya umalis eh mukhang nagmamadali”

“Ganoon ba manang, salamat po…”

Kumakain na si Michelle ng may mapansin siyang maliit na envelop sa kanyang harapan. Kinuha niya ito at binuksan.

“Miss Sunget,

            Kumain ka na diyan, may aasikasuhin lang ako sandali…..punta ka sa resort mga around 6pm paalam lang tayo sa mga crew dito. May damit diyan na nakabox suotin mo sana iyon maraming salamat. See you later.

Albert J

Agad agad ni Michelle hinanap ang box na sinasabi niya. Agad rin naman niya itong nakita at binuksan.

Napakagandang Red Dress ang kanyang nakita, halatang halata na may pagkamahal ito at nakuha ni Albert ang favorite color niya.

“Ang mokong iyon…. Ano nanaman kaya ang binabalak noon… hmmmmm….” Sabi ni michelle sa sarili.

Mabilis dumaan ang mga oras…. Malapit na mag 6pm kaya naman nag bihis na siya at nag kunting ayos ng sarili. Maganda si michelle kahit simple lang ang ayos at hindi rin maitatago ang natatangi niyang kaseksihan.

Lumabas na si michelle ng bahay para pumunta sa resort kung saan nandoon si Albert. May mga bata siyang nakita na nakaharang sa dadaanan niya. Laking gulat niya ng tumalikod ang mga bata at makita niya ang letrang nakalagay sa bawat batang nandoon…

“I’M-S-o-r-r-y….. M-A-H-A-L K-I-T-A” nakalagay sa likod ng mga bata.

May Ngiting naidulot iyon sa mga labi ni Michelle. Sinundan pa ng pagpapalipad ng mga white ballons na may design na I LOVE YOU MICHELLE.

Hindi na niya alam kung anong mangyayari sa pagpunta niya sa resort. Nang makarating na siya sa resort, inalalayan siya ng isang crew para ipunta kung saan nandoon si Albert. Nakita agad ni Michelle si Albert na nakatayo sa di kalayuan maganda ang kasuotan.. ang ayos ng paligid ay napakaganda… alam na niya na this was a DATE…. Habang naglalakad siya papunta kay Albert. May bumukas na mga ibat ibang kulay ng ilaw at may tugtog na pinatugtog… Lalong lumakas tibok ng puso niya….

*music play

            I feel so free its like a fantasy having you next to me suddenly its magic…. One look, one touch words just don’t say enough when you fall in love suddenly, sundenly its magic….

Hindi ni Michelle namalayang nasaharapan na niya si Albert. Nadala siya sa kanta, ngayon palang may gumawa sa kanya ng ganito.

“Oh?? Hindi mo ba nagustuhan?” tanong ni Albert.

“Ikaw! Mokong ka! Kung ano ano ginagawa mo…..”

“Diba sabi ko sayo, marami akong gustong gawin kasama ka…. Isa na ito sa mga yon…”

“Well, ngayon mo lang ako napahanga sa mga gimik mo ….haha” sabay ngiti ni michelle.

“Thanks God… Finally ngumiti ka rin….sana napatawad mo na ako…”

“Kulit mo rin no… OO napatawad na kita.”

“Ayos! Hahaha.. So Let’s eat, we should celebrate.”

“Hmmm, for what?”

“Kasi finally, pinatawad mo na ako” sabay ngiti.

“Sus…. Alright, if you say so.”

Pagkatapos nilang kumain biglang tumayo si Albert at inayang makipagsayaw kay michelle.

“May I Have This Dance, Miss Michelle?”

Hindi namalayan ni michelle kung bakit napapayag siya agad sa pag aaya ni Albert.

*music play

            I feel so free its like a fantasy having you next to me suddenly its magic…. One look, one touch words just don’t say enough when you fall in love suddenly, sundenly its magic….

“Michelle, Alam mo naman sigurong Gusto kita….May pag asa ba ako sayo?”

“HUH???, kahit kalian napakabilis mo pa rin Albert.” Umiiwas sa mga titig ni Albert.

“Gusto mo rin ba ako michelle?”

“Tumigil ka nga albert, nonsense lang mga pinag uusapan natin”

“Bakit hindi mo ako tinititigan sa mata, sabihin mong ayaw mo sakin ,na hindi mo ako gusto na nakatitig sa mga mata ko”

Para tumigil na si Albert ng kakasalita, tumingin na si Michelle sa mga nito kahit naaasiwa siya pag nagtatama mga mata nila…..

“Ayan albert nakatingin na ako sayo”

*music still playing

“Sabihin mo saakin na wala akong pag asa na.. hindi mo ako gusto”

“Wala…….” Biglang natigilan si michelle ng tila pinasok ng mga titig ni Albert ang kanyang isipan at puso. Hindi na siya makaiwas sa mga titig na iyon. Hindi niya namamalayang unti-unting lumalapit ang mga labi ni Albert sa labi niya…. Isa pa sa mga wierdong ngyari sakanya ay pumikit pa siya.

Ang mga halik na iyon ang kauna unahang binigay niya iyon na walang halong pagtanggi. Napakainit ng mga binibitiwang halik ni Albert sa kanya puno ng pagmamahal. Pagkatapos ng halik na iyon ay tila bumalik si Michelle sa dati.

“Albert, hmmm mali to! Tara na we should go.”

“Pero michelle…”

“Huwag na nating ipilit Albert…. In fact maraming babae diyan na mas bagay sayo.. please iuwi muna ako….” Sabay alis sa ni michelle.

Tinupad ni Albert ang pangako niya na iuuwi na niya si Michelle. Bakas kay Albert ang labis na kalungkutan. Nakapagpaliwanag naman ng maayos si Michelle sa tita niya kaya hindi siya nito na pagalitan. Iwas sa isa’t isa sila Michelle at Albert. Alam na ni Michelle sa sarili niya na may gusto na rin siya kay Albert pero sa tuwing naiisip niya ang mundo ni Albert, nanliliit siya hindi niya kayang pumasok sa isang mundong hindi niya alam kung makakataggal siya dito.

LOVE LIES (Michelle and Albert Story)Where stories live. Discover now