Chapter 2
Halos patapos na ang semester ng mga panahon na iyon pero hindi parin si Michelle tinitigilan ng pang iinis ni Albert. Isang araw uwian na nila palabas na ulit ng campus siya ng akmang hinarangan ni Albert ang kanyang dinaraan...
ANU nanaman???? alam mo ang kulit kulit mo... iritang sambit nito kay albert.
Michelle.. Hanggang ngayon ba naman ba masungit ka parin sakin.. gusto ko lang naman na makipagkaibigan sayo ah.. napaka unfriendly mo naman...
Haha.. tingin mo ba sa mga ginagawa mong pang iinis sakin magiging magkaibigan tayo? ngek ngek mo... saka pwede ba umalis ka sa dinaraanan ko..
Wow.. miss sungit... maganda nga pangit naman ang ugali wala rin....sabay tawa nito sa kanya.
Well tapos kana ba?? Well kung tapos kana please lang paalisin mo na ako kasi hindi ko kayang titigan ka nakakapang init ng ulo..
hindi mo ako kayang titigan?? well maraming babae na rin nagsasabi saakin yan.. kasi ang gwapo gwapo ko raw....
GWAPO??? HAHA... ang dami na palang bulag ngayon...tawang malakas ni michelle sa kanya.
Well, hindi ba kapansin pansin. Gwapo na ako mayaman pa. san ka pa?? pag naging magsyota tayo magiging sikat ka ,ayaw mo ba noon. Pagmamayabang pa nito kay michelle.
Wow lakas ata ng hangin , sige sabihin nanating may itsura ka at mayaman pero kung ganyan din naman ang ugali YUUUUUUUUUUUUUUUUCK... no thanks busog ako. Feeling mo naman magkakagusto ako sayo? Isa kang Spoiled Bratt na Babaero na walang modo!
ARAAAAAY ko naman.. sakit mo makapagsalita.. sikat ka ba? ikaw lang una nakapagsabi nyan sakin ah.
Ako pa lang ba Well, congrats pala saakin kasi ako lang totoo sa mga nakakasalamuha mo wala kang kwenta. mag aral ka nalang mabuti kasi sayang lang mga ginagastos ng pamilya mo sayo kung puro kalokohan mo ang mga inaatupag mo...So please excuse me Mr. Cruz aalis na po ako.
Naiwang nakatingin sa kanya si albert habang papalayo sya dito. Kumakamot sa siya sa ulo. Mukhang napahiya ito sa sarili at hindi rin makapaniwalang may babaeng makakapagsalita sakanya ng ganon
Sinusubukan talaga ako ng babaeng yun ah..Hmmmm lalo tuloy akong nagiging interesado sa kanya...sabay punta sa kotse niya na nakapark sa malapit sa gate ng campus nila.
Laking Mayaman si Albert. Lahat ng Gusto at ginusto niya ay nakukuha niya, sadyang maloko lang talaga ito sa lahat ng bagay para sa kanya lahat ng mga bagay ay isang malaking laro lamang. Tuwang tuwa siya kapag may napaglalaruan siyang mga babae. Gustong gusto niya na nakikita silang umaasa and in the end umiiyak. Broken family kasi siya, sumama sa ibang lalaki ang mommy niya at iniwan siya noong nag aaral na siya ng highschool. Kaya mula noon nag iba na pananaw niya sa serious relationship kung tawagin ng iba. Kayang kaya niyang paglaruan sila dahil unang una may pera, sikat at higit sa lahat may itsura siya. Kaya ang isang MICHELLE MONTERIAL ay hindi magpapasuko sa kanya makukuha at makukuha niya ito.
