Biglang may kumatok sa kwarto kung saan nandoon si Michelle. Mabilis siyang pumunta sa may kama at inayos ang nakatakip sa katawan niya.
*TOK TOK
“Come in !” sambit ni michelle.
Kinakabahan siya kung sino papasok sa pintuang iyon. Nagalala siya dahil nakahubot hubad parin siya.
Isang Katulong ang pumasok sa pintuang iyon.
“Hay.. buti nalang” sambit ni michelle sa sarili.
“Miss… Ito na po ang mga damit ninyo, pasensya na po at natagalan. Nilabhan ko pa po kasi ito.”
“Ayos lang po iyon, pasensya na rin po sa abala matanong ko lang saang lugar ito? At sino nagdala saakin dito.?”
Ngumiti lang ang katulong.
“Miss mabuti pa po magbihis at pagkatapos bumaba po kayo sa may sala ng makita po ninyo kung sino nagdala sainyo dito.”
“Aaaa. Ganoon ba? Hmmmm, ok sige bihis lang ako then bababa na rin ako.”
“Sige po Ma’am.”
Natapos na si Michelle magbihis ng kanyang damit at bababa na rin siya mula sa kwarto papunta sa taong nagdala sa kanya sa hindi niyang alam na lugar.
Nadatnan ni Michelle na may pinupulot sa sulok ang taong nagdala sakanya roon at lalaki papala iyon.
“Sir…. Excuse me… I’m michelle ahmmmm gusto ko lang po magpasalamat sa pagpapatuloy ninyo sa bahay nyo saakin… pasensya na po kung naabala ko kayo.”
Biglang tumayo ang lalaking pinasasalamatan niya. Laking gulat niya sa kanyang nalaman.
“Ayos lang iyon michelle… By the way I’m Sorry.”
“OOhhhh my…… ALBERT?????????” gulat na gulat na salita ni michelle.
“Ooppsss… bakit ganyan reaksyon mo? Para kang nakakita ng multo…”
“Gosh… ano ginawa mo saakin???.. bakit mo ako dinala sa lugar na ito?”
“Gusto ko makapag-usap tayo… marami akong gustong gawin kasama ka….gusto ko mapatawad mo ako…”
“Pwes.. tinanong mo ba ako kung gusto ko ang mga gusto mo? Well it’s a BIG NO!! pwede ba albert ibalik mo na ako sa bahay naming.. siguradong hinahanahap na ako ng tita ko.”
“Pinagpaalam na kita…”sabay ngiti ni Albert.
“Anong sinabi mo?”
“Sabi ko pinagpaalam na kita sa tita mo… sabi ko kasama ka sa outing”
“hindi kalang pala Blackmailer.. Kidnapper Karin pala.. wala ka talagang kwenta.”
“Oh..easy lang michelle… pwede bang kahit for once hindi tayo magtalo??
“Sa ginawa mo saaking pagdala dito akala mo ikatutuwa ko pa to? Nakakainis ka!”
“Hirap kasi sayo michelle ayaw mong makinig muna saakin… Gusto kita.”
“Albert, eto lang.. Hindi lahat ng gusto mo makukuha mo….”
“Well michelle.. I’m not give up on you.” Sabay lapit sa mukha niya at ngiti.
Mabilis na umiwas si michelle ng tingin sa kanya at umiba ng pwesto para makaiwas kay albert.
“Michelle, as you can see may food ng hinanda si manang diyan.. kumain kana lang.. punta muna ako sa beach namin if you like puntahan mo nalang ako doon… see yah” sabay kindat sa kanya.