Napakabilis lang lumipas ang mga araw, 2nd semester na ibig sabihin tapos na rin ang pagpapanggap nila ni Albert at Michelle bilang magkarelasyon sa unibersidad na pinapasukan nila.
Naging iwas na sila Albert at Michelle sa isa’t-isa mula noong pagkauwi nila mula sa Club balai Isabel Batangas. Masakit para kay Michelle ang desisyon niya lalo pa’t alam niya sa sarili niya na mahal na niya si Albert ngunit pinipigilan siya ng maraming katanungan isa na doon ang “ Paano kung hindi siya matanggap ng pamilya niya dahil isa lang siyang ordinaryong tao.
Magkasamang naglalakad si Michelle at Claire sa may hallway malapit sa canteen ng makita ni Claire si Albert na may kasamang babae at tila masayang nag uusap. Alam ni Claire ang kwento tungkol sa kaibigan niya at kay Albert dahil bukas naman si Michelle sa kaibigan.
“Friend si Albert!” sambit ni Claire.
Napatingin si Michelle sa tinuturo ni Claire. Unang reaksyon ni Michelle ay masaya dahil ilang lingo rin silang hindi nagkikita ni Albert sa school dahil nag sembreak pero napawi ito ng kunting kalungkutan sa kanya ng mapagtanto niya na hindi napala sila katulad ng dati.
Napansin ni Claire ang pagbago ng mood ni Michelle.
“Oh bakit friend, ? Bakit malungkot ka?” tanong ni Claire sa kaibigan.
“Wala ito friend, nasanay lang ako na sa tuwing pumapasok ako dito sa school hindi nawawala yan si Albert sa tabi ko.”
“Hmmm, bakit ba kasi hindi mo subukan na tanggapin pagmamahal niya?”
“Mahirap Claire, mahirap hindi dahil sa hindi ko siya mahal kundi mahirap dahil iba ang mundo niya kumpara sa mundo ko.”
“Alam mo friend, siguradong alam naman ni Albert yang mga bagay na yan from the start eh, kaya nga ang iniisip mong ibang mundo mo ay pinipilit niyang yakapin at papasukin sa mundo niya. Ikaw lang naman ang takot eh.”
“Natatakot lang akong masaktan.” Sambit ni Michelle sa kaibigan habang nakatingin sa hindi kalayuan kung saan nandoon si Albert at isang magandang babae na ngayon lang niya nakita.
“Lahat naman natatakot magmahal eh, sino ba gustong masaktan, pero part ng pagmamahal iyon Michelle. Kung ayaw mo lang rin naman makadanas ng sakit dahil sa pag-ibig eh mas magandang huwag kanalang magmahal.” Payo ni Claire sa kaibigan.
“Ewan ko ba friend, sadyang nasanay lang ako na all this time pawing pagkukunwari lang ang lahat ng saamin ni Albert. Hindi ko inakalang mahuhulog ako sa mokong iyon.”
“Mukhang transferee yung kasama ni Albert ah”
“Oo nga, ngayon ko lang kasi siya nakita. Ang saya nila noh?” may pagka awkward na sambit ni Michelle.
“Friend, Mahal mo pa ba siya?” tanong ulit ni Claire.
“Hmmm, OO, mahal na mahal.” Malungkot na sagot niya sa kaibigan.
“Bakit hindi mo ipaglaban?”
“Nakikita mo naman Claire eh, masaya na siya, guguluhin ko pa ba?”
“Hindi naman natin alam kung kaano ano ni Albert yung babaeng yun eh,”
Biglang may dumaan na estudyante na may pinapatugtog na kanta. Biglang tumulo luha ni Michelle.
*music play
I feel so free its like a fantasy having you next to me suddenly its magic…. One look, one touch words just don’t say enough when you fall in love suddenly, sundenly its magic….
“Bakit friend? Bakit ka umiiyak?” tanong ni Claire sa kaibigan
“Wala ito friend, yung music kasi kanina naalala ko yung surprise ni Albert saakin. “
“Diba masarap magkaroon ng theme song para sa mahal mo, hindi nakakasawang pakinggan, pero dahil sa desisyon mo, and dating kantang nagbibigay buhay sayo ay syang kantang unti unting dumudurog sa puso mo..”
Matagal tagal nag-isip si Michelle kung kakausapin niya si Albert. Nagpalipat sa ibang section si Albert. Hinintay ni Michelle na mag uwian sila Albert. Gusto niyang humingi ng sorry sa kanya dahil alam niyang nasaktan niya ito ng lubos.
Nakita na niyang naglalakad si Albert kaya minabuti niyang lapitan ito.l
“Pssssst, Albert!”
Napalingon si Albert at bahagyang nagulat.
“Pwede ba tayo mag-usap Albert?”
“hmmm, sige pero huwag sanang matagal kasi may lakad ako eh” walang emosyon ang namamayani kay albert sa mga oras naiyon.
“Sige, sige ayos lang …gusto ko sanang….ahmmm gusto ko sanang magsorry sayo”
“Para saan naman Michelle?”
“Dahil nasaktan kita sa desisyon ko”
“Yun lang ba? Wala iyon, isipin mo nalang hindi ako nasaktan at isipin mo nalang wala na saakin iyon.”
“Alam kung hindi totoo iyan! Alam kung nasaktan ka. Alam kung galit ka saakin”
“Haisssst, Alam mo naman pala eh, bakit mo pa pinagdidiinan, Hindi mo rin naman maiintindihan na kahit mahal na mahal kita hindi mo rin ako maiintindihan kasi baluktot mga dahilan mo. Minahal kita na alam ko lahat ng kakulangan mo! Hindi mo ba naisip iyon, na kahit sobra sobra na ang mayroon saakin, ikaw parin ang gusto kung makasama pero wala eh, mahirap ipaintindi sa taong mahal ko ang mga bagay na iyon dahil on the first place nakaset na agad ang mind mo na hindi tayo bagay!”
Nagulat si Michelle sa naging reaksyon ni Albert. Tumulo luha niya.
“Albert I’m sorry, mahal naman kita eh pero natatakot talaga ako, natatakot ako na hindi ako matanggap ng mga nakapaligid sayo.”
“Bakit Michelle? Sila ba sasagutin mo? Diba ako? So bakit mo pinapalala ang mga bagay bagay, ito lang Michelle if Natatakot kang masaktan, mas natatakot ako.”
“I’m sorry Albert Tama na siguro ngayon na hanggang salita nalang kita mamahalin masyadong magulo pa pag iisip ko.
“Ang hirap pumasok sa puso mo Michelle, para akong nag aantay ng paparahing jeep sa istasyon ng tren, pointless tong usapan natin michelle, sige bye na may lakad pa kami ni tricia” sabay talikod ni albert kay michelle akmang aalis na.
“Sana maging masaya ka sa kanya Albert, sana hindi ka niya saktan katulad ng ginawa ko.”
Tumawa si Albert.
"Kahit naman masaktan ako ayos lang basta SINUBUKAN KO, sinabi ko dati na kahit anong mangyari ipaglalaban kita na kahit anong mangyari di ko hahayaang mawala ka pero naisip ko na nakakapagod din palamang ipaglaban yung taong walang ginawa kundi ang pakawalan ka.”
Naiwang mag-isa si Michelle, umiiyak.
“Sorry Albert dahil kahit mahal kita hindi ko parin magawang labanan takot kung ipagpatuloy tong nararamdaman ko.” Sambit ni Michelle sa sarili.
Maraming mga bagay bagay ang napag-isip ni Michelle at nabigyang linaw sa kanya. Nagsisisi siya na pinakawalan niya ang isang taong handang magmahal sa kanya ng lubos. Handa na siyang ipaglaban ang taong itinitibok ng kanyang puso at iyon ay si ALBERT CRUZ.
Mas masarap magmahal kung alam mong pinaglaban mo para makuha ito.