CHAPTER 11 STAY WITH ME

91 3 0
                                    

Ilang linggo na rin ang nakakalipas simula ng magkrus ang landas nila Michelle at Albert sa Unibersidad na pinapasukan nila. Hindi alam ni Michelle kung iniiwasan ba na makita ni Albert siya. Maging sa bahay nila halatang halata pa rin ang pagkabalisa ni Michelle kaya naman ang tita niya ay hindi maiwasang magtanong.

“Hija, may problema ka ba? Halata ko kasi nitong nakalipas na araw balisang balisa ka parang may gumugulo sa iyong isipan.” Pagtatanong ng tiyahin kay michelle.

“Ewan ko ba tita, ang weird ng feeling!”

“Sabihin mo saakin hija ang gumugulo sa isipan mo, baka matulungan kita.”

Mabait ang tita ni Michelle parang pangalawang  ina na niya ito, kaya naman lahat ng mga gumugulo sa isipan niya sinasabi niya dito.

“Kasi po,may taong nagkakagusto saakin ang nasaktan ko so iniiwasan na niya ako ngayon, nasanay po kasi akong kasama siya.”

“Hija siya ba yung kasama mo dito dati, si Albert?”

“Opo, siya nga po, dati kasi balewala lang siya para saakin na okay lang kung sinusungitan ko siya at nasasaktan, pero ngayon hindi ko alam nararamdaman ko”

“Mahal mo na ba  hija?”

“Tita, Mahal na mahal ko na po siya akala ko kasi hindi ako mahuhulog sa taong iyon pero wala na po ako nagawa at alam kung mahal niya ako.”

“sa paanong paraan mo siya nasaktan?

“kasi po hindi ko tinanggap yung pag-ibig niya sa kadahilanan na natatakot akong pasukin ang mundo niya, napakayaman niya, hindi kami bagay.”

“Hija kapag tunay na nagmamahal ang isang tao hinding hindi mo iisipin  kung ano ang mundo niya dahil sa unang una palang mundo na ninyo iyon dalawa.”

“Ano po gagawin ko, mahal ko siya”

“Ano bang dapat gawin? Dapat ikaw magtanong sa sarili mo yan, alam mo naman ang dapat gawin eh sadyang natatakot kalang, labanan mo ang takot na iyan. Mas maganda kasing lumaban ka para sa pag-ibig kaysa sa walang ginawa tapos iiyakan mo lang.”

“Pero baka hindi niya ako tanggapin”

“Alisin mo yang pero pero mo.. subukan mo muna bago ka magsalita ng tapos.”

“Sana nga tanggapin pa niya ako.”

“Ang tunay na pagmamahal napapagod rin yan pero hindi ibig sabihin kailngan ng humanap ng iba… napapagod syempre pero pagnakapagpahinga na ulit ipagpapatuloy niyang mahalin ang taong gusto niya.”

Gumaan ang nararamdaman ni Michelle pagkatapos niyang makausap ang tita niya. Tama nga sila kailangan na niyang labanan ang takot na mahalin si Albert.

Araw araw si Michelle naghihintay na makita si Albert ngunit ni isang albert ay wala siyang nakita. Ngunit hindi parin siya nawawalan ng lakas ng loob kaya naman patuloy parin siya sa paghihintay hanggang sa isang araw, gabi na ay nasa school pa rin si Michelle biglang lumakas ang ulan. Kunti nalang rin ang tao sa mga oras na iyon.

“Naku! Paano ito wala pa naman akong dalang payong.” Pag-aalala ni Michelle.

Biglang may sumitsit sa kanya. Napalingon naman siya.

“Hey Miss Intellegent, miss sexy, miss hot”

“Oh, akala ko kung sino, Jaggy bakit nandito ka pa”

“Kasi naghahanap ako ng right timing para maka usap ka”

“Huh? Para saan?”

Si Jaggy ay isang estudyante rin sa unibersidad na iyon. Mabisyo ito at napapamalitang may pagkabastos ito.

LOVE LIES (Michelle and Albert Story)Where stories live. Discover now