Hindi Maitatago ang labis na kasiyahan at kalambingan kala Michelle at Albert kapag sila ay magkasama. Mahal na mahal nila ang isa’t isa.
Isang umaga sa bahay ni michelle.
*Alarm Clock Ringing
Naalimpungatan si Michelle sa pagtunog ng orasan.
“Hmmmm, ano ba.. ingay naman” sabay tingin sa orasan. “FUDGEEEEEEEEEE!!!!!, malalate na ako!!”
Agad agad bumangon si Michelle at Binuksan ang pintuan papuntang sala.
“OOOOOHHHHH!!!!!!!” gulat na pagbigkas ni Michelle.
Si Albert ang kanyang nakita na nakangiti sa kanya. Nahiya ng bahagya si Michelle dahil kakagising lang niya.
“Hon….? Bakit ka nandito?” sambit ni Michelle kay Albert.
“Syempre sinusundo ang antukin kung Girlfriend” sabay ngiti ni Albert sa kanya.
“Tseeeeee, malalate na nga ako eh, kumain ka na ba? Kain ka muna”
“Sige lang, tapos na ako, saka makita lang kita busog na ako.. nadidighay na nga ako BURP!!! Kitams haha”
“Haha, ang aga aga hon ah, oh sya mag aayos lang ako.”
“Sige take your time hon!”
Nang matapos ng maligo ,mag-ayos ng sarili at kumain si michelle agad agad silang umalis papuntang school.
*sa sasakyan.
Kinalabit ni Albert si Michelle.
“Hmmm,hon bakit?” tanong ni michelle na nakatingin kay albert.
“I LOVE YOU”. Matamis na bangit ni Albert.
Namulang bahagya ang pisngi ni Michelle dahil sa sinabi ni Albert.
“
"Hmmm… I LOVE YOU TOO HON!”
Sabay ngiti ng dalawa sa isa’t isa.
“Ooooppsss nandito na pala tayo” sabi ni Michelle
“Oo nga hon, ang bilis no! hindi kasi natin namamalayan ung oras kapag kasama natin mahal natin.” Sabay ngiti nito sa kanya.
“Bumabanat ka pa dyan ah!” sabay ngiti ni Michelle.
Pinark lang ni Albert ang sasakyan sa parking lot ng school saka sila bumaba ng sasakyan.
Mabilis kumalat sa campus ang pagiging magkarelasyon nila Albert at Michelle. Labis naman kinagalit ni Monica ang natuklasan.
“BITCH!!!! Hinahamon talaga ako nyang babaeng yan” galit na galit na sambit ni Monica sa kaibigan na si Beatriz.
“Girl, ano na gagawin mo ngayon? Mukhang naagaw na sayo ni Michelle na yun si Albert.”
“Sisiguraduhin kung pagsisisihan niya ang ginawa niyang pag agaw sa albert ko. Humanda siya!!”
Kinahapunan pumunta si Michelle sa Girls Comfort room. Siya lang ang tao doon. Nag aayos na siya ng sarili sa harap ng salamin ng pumasok si Monica at Beatriz.
“Well, well, well, nandito pala ang dakilang mang aagaw” sambit ni Monica.
“tama ka sis! Magkano kaya binayad sa kanya haha.” Sambit naman ni beatriz.
“Pwede ba, Monica at Beatriz wala ako sa mood makipagtalo sa inyo!” sambit ni Michelle sa dalawa.
“Lahat mo nalang kinuha saakin eh, dakilang mang aagaw ka, siguro lahi ninyo na iyon, MALANDI!!!”
Nairita na si Michelle sa sinabi ni Monica.
“Hoy!!! Huwag na huwag mong idadamay ang Family ko dito. Wala ako sa mood manlait ngayon, kaya please pakibulsa mukha nyo!!!”
“Aba, aba….. mayabang kana ngayon bakit dahil sa nakasungkit ka ng mayaman na majojowa haha nakakatawa ka.” Sambit ni monica
“Wala akong panahon para sa mga taong katulad ninyo!”
“Baka sis, natatakot lang na mapahiya!” sabat pa ni beatriz.
“Tigilan mo ako Beatriz!, teka nga…. Diba laging sumasakit ulo mo? Wala kasing kalaman laman. Lagyan mo naman hindi yung puro kalandian. BYE!!!”
Bago umalis si Michelle lumingon ulit siya sa dalawa.
“Kung naniniwala kayong mayaman mukha nyo! Bakit hindi nyo IBAON!” sabay alis ni Michelle.
Wala si Michelle dapat ipaliwanag sa makikitid na utak ng ibang tao. Ang mahalaga kung ano ang tingin niya sa sarili niya at kung ano tingin ni Albert sa kanya.
“Pssssssst……”
Lumingon si Michelle sa pinang gagalingan ng boses.
Kumakanta si Albert palapit kay Michelle habang may hawak hawak na bulaklak.
“Adik sayo, awit saakin,ilang sawa na saking mga kuwentong marathon. Tungkol sayo at sa ligayang iyong hatid saaking buhay tuloy ang bida sa isipan koy ikaw…..sa umagat sa gabi sa bawat minutong lumilipas hinahanap hanap kita hinahanap hanap kita…….” Medyong walang tonong pagkanta ni Albert.
Alam ni Michelle na hindi naman marunong kumanta si Albert. Ngunit ang kanta niya ay tila nanatili sa kanyang kaisipan.
“Oh, hon, flowers for you!” sabay kiss sa pisngi.
“Nag abala kapa, ang dami mong surprise..”
“Sensya ka na sa kanta ko. Walang practice eh haha”
“Ayos lang yun, mas nainlove nga ako sa ginawa mo eh, haha, alam ko effort mo kumanta. Mas nakakakilig yung taong willing kantahan ka gayung alam niya na hindi sya marunong kumanta.”
“I LOVE YOU HON!”
“I LOVE YOU TOO”
Mahal na mahal nila ang isa’t isa. Hindi man kasing perpekto ng ibang relasyon ngunit ramdamn naman nila sa isa’t isa ang pagiging kuntento