Natapos na ang unang semester ni Michelle sa unibersidad na kanyang pinapasukan. Nakalagay na rin sa harap ng Dean’s office ang mga pangalan ng nanguna sa klase.
“YES!!!” Sambit naman ni Claire habang tinitingnan ang mga pangalan na nandoon sabay dali daling tumungo kay michelle.
“Oh Claire?? Bakit naman parang excited na excited ang mukha mo dyan? Ikaw ba nanguna sa klase natin?”
“Ano kaba.. wish ko lang, pero kasama rin naman ako sa Top 10 sa class natin.. pero eto na nga.. kaya ako masaya kasi IKAW michelle ang nanguna… CONGRATS Sis!” tuwa nitong bati sa kanya sabay ang yakap sa kanya.
Hindi ni michelle alam kung ano mararamdaman, masaya siya syempre at nanguna siya sa klase pero sa kabilang banda nag aalala rin siya sa mga taong nalamangan niya dahil mukhang hindi nila iyon matanggap. Isa na nga doon si Monica. Si Monica Montana ay isang laking mayaman at kilala rin ang kanyang mga magulang, matalino at maganda rin ito. Maraming lalaki ang nagkakandarapa sa kanya, pero isa lang gusto niya at iyon si ALBERT. Kaya laki nalang ang galit sa kanya nito ng malaman niyang kinukulit siya ni albert at nadagdagan pa ito ng pagiging top nya sa klase.
“Ano ba kasing ginawang kasipsipan yang babaeng yan? Bakit mataas sya sakin.” Nakasimangot si monica na kausap ang mga kaibigan niya.
“Ewan ko ba Monica… lahat nalang ng sayo dati napapasakanya na… hindi kaba natatakot? “Sambit naman ni patricia na isa ring sosyalerang dalaga.
“And WHY? Bakit ako matatakot sa cheap na province girl nayan… kaya ko syang tapatan noh?.. ay hindi .. hindi kami magkalevel… di hamak na mayaman at mas maganda ako sa kanya. May araw rin yang babaeng yan. Oh ..sya girls lets go na… we should chill out for a while ng mawala naman ang badvibes natin.”
“Tama ka Monica ! Lets Go”. Sang ayon naman sa kanya nji beatriz.
Bago umalis sila Monica, tiningnan muna niya si Michelle at Inismiran nya ito.
“Michelle, nakita mo ba yung ginawa sayo ni monica?” Sambit ni Claire na nakita rin ang pangyayari.
“Yup Claire, hayaan na natin siya, huwag nalang patulan, nonsense lang naman eh.”
“Kahit kalian talaga michelle ang bait mo.”
“Haha.. nambola kapa oh sya tara sa canteen libre kita…”
“Ayan ang gusto ko sayo michelle, kanina ko pa yan hinihintay hehe….”
“Haha.. sige lets go..”
Kinakabahan, tuwang tuwa si michelle na umuwi sa bahay nila dahil sa result ng grade niya. Ikwekwento na niya iyon sa tita niya at siguradong matutuwa iyon sa mababalitaan.
Malapit na sa kanila si michelle ng Makita niyang lumabas sa may gate nila si Albert.
“Abe, ang mokong to.. nagustuhan atang bumisita sa bahay, teka nga..” sambit ni michelle sa sarili.
Nilapitan ni michelle si Albert na akmang pasakay na ng kotse nya.
“Pssssst. Hoy Mister!” sigaw nit okay albert.
Nagualat ng bahagya si albert ng Makita si michelle ngunit ngumiti naman ito ng kay tamis sa kanya.
“Hey…. Sa wakas nandito kana rin…Miss sungit kanina pa kita hinihintay ah…san ka bang lupalop ng galling??”
“Aba, mister…. sino ba may sabing hintayin mo ako ng matagal at saka bakit nandito ka naman ??? sa susunod huwag ka na nga pupunta dito”
“Napaka sungit mo talaga, siguro ng mag paulan ng kasungitan sa langit, naliligo ka…” sabay tawa nito.
“Nakakatawa…Present ka rin naman ng magpa ulan ng kayabangan eh.” Bawi nito sa kanya.
Biglang dumating si Benjo.
“Oh, Michelle, nandito kana pala, may problema ba ditto?” sabay tingin kay Albert.
“Ah, wala benjo. By the way sya nga pala si albert.. Albert si benjo.” Pagpapakilalani michelle sa dalawa.
“Benjo nga pala pare, manliligaw ni Michelle” pagpapakilala nito.
Bahagyang nagbago ang mood ni Albert sa narinig pero nakipagkamay parin siya ditto.
“Albert nga pala pare...Ako ang may ari ng kotse nay an” pagmamayabang nito.
Napansin ni michelle na parang hindi na maganda ang patutunguhan ng pagkikita ng dalawang lalaki kaya minabuti na niyang pauwiin itong pareho.
“Oh sya, gumagabi na, mag siuwi na kayo at akoy pagod na rin.”
“Sige, pahinga kana michelle” sambit ni benjo.
“Take care Michelle sleep tight..” banat naman ni albert.
Nakaalis na nga ang dalawang lalaking nangungulit sa kanya. Sigurado siya kay benjo na may gusto ito sa kanya. Pero kay albert?.. malabong Malabo dahil alam niya sa una palang pinagtritripan lang siya nito.
“Oh hija. Bakit ngayon kalang? Pumunta ditto si Albert ah.. may binigay na regalo para sayo.”
Binigay naman ng tita niya ang regalo ni Albert para sa kanya. Nakalagay ito sa hindi kalakihang kahon at may nakasulat sa ibabaw nito.
To: Miss Sungit a.k.a Michelle J
Binuksan ni Michelle ang regalo sa loob ng kwarto niya. Nagulat siya sa nakita niya at napasigaw ito.
“AAAAAAAAAAAhhhhh OOOOHHHHH MMMMYYY” gulat na sambit nito.
Pinagtripan nanaman siya ni Albert, ang laman ng kahon ay napakadaming ipis. Muntik na siyang mapamura sa nakita. Takot siya sa ipis. Akala niya ay ang regalo na iyon ang naisip na gawin ni albert para magkabati sila ngunit lalo lang siyang nainis sa ginawa nito. Alam niya sa panahong iyon kailangan ng matuldukan ang kayabangan ng ALBERT CRUZ na yon.
“Albert , sinasagad mo talaga pasensya ko ah.. pwes humanda ka sa ganti ko.. tiyak hindi mo to magugustuhan.” Galit nag alit na kausap ang sarili.