Assassins 3

1.5K 46 11
                                    

Dedicated to: aymdyaki




(Nyx's POV)

Kabaliwan ba to? Kagagawan ba to ni fourth? Nasisiraan na ba siya ng bait?

Biglang naipon ang lahat sa mansion namin dahil sa insidenteng ini-report nila Apollo kanina. Binalitaan kami ni Wincess ukol dito at dahil doon ay naipon muli ang lahat. Naghiwa-hiwalay kasi kami dahil nagkaroon kami ng kanya kanyang misyon.

"We still need to make sure na clear na ang buong lugar!"

Wincess said sa spy gear niya kitang kita namin siya dito sa malaking monitor sa conference room.

"Do we need to help you there?"

"Hindi na dad, baka nakamasid lang si fourth sa paligid delikado kung makikita niya tayo na magkakasama, kaya na namin to!"

"Okay honey!"

Kitang kita sa footage ang pagpasok nila sa bawat palapag ng condominium na iyon.

Sumenyas si Naya kay Apollo na sinasabing dumeretso sila, ginawa naman nila ang sinabi ni Naya. Dumeretso sina Apollo at ang mga kasama niya at tumapat sila sa mga pinto.

Sumenyas si Naya saka nagbilang at sabay sabay nilang binuksan ang pinto, may mga naglabasan namang zombies sa bawat pinto at pinaulanan agad nila yon ng bala.

Nauna naman na si wincess sa may hagdan kasunod niya ang ibang kapulisan.

"Fire"

Sigaw ni wincess saka nila pinagbabaril ang bulto ng mga zombie sa may hagdan paakyat ng susunod na palapag. Dali dali namang sumaklolo sila Naya at tinulungan sila, ng maubos nila ang mga dumarating ay si Naya naman ang naunang umakyat at sumilip sa pasilyo.

Pinagbabaril niya ang mga nakitang zombies saka muling sumenyas sa mga kasama nila. Sina wincess naman ay muling dumeretso sa hagdan.

Paulit-ulit na ganon ang ginawa nila, matagal pero siguradong walang masiyadong masasaktan.

"Room 24th clear!

Sabi ni Naya sa ear gear. Hinihingal na sila, kung pwede lang sana kaming lumabas.


(Naya's POV)

Bawat palapag ay padami ng padami ang infected. Hindi ko inaasahan to dahil dapat ay pabawas na sila.

"Wala na tayong Bala!"

Tumigil kami sa ika 24th floor ng building para mag-refill ng bala at magdagdag ng tauhan.

"Papalapit sila naririnig ko!"

Sabi ko pagkarinig ko sa ingay na ginagawa ng mga zombie, napatayo ang mga  kasama ko at humanda para sa pagdating ng mga kalaban.

Wala pa ang ibang tauhan at konti na lang ang mga bala namin.

"Papalapit sila sa inyo Naya! Marami sila, lahat ng infected pababa na! Umatras kayo!"

Hiyaw ni ate Selene sa earpiece, shit!

"Run!"

Hiyaw ko saka nagtakbuhan ang mga kasamahan namin. Andyan na sila.

"Aabangan namin kayo dito sa 20th floor!"

Biglang sabi ni sky sa earpiece, dumating na siya. Biglang lalong lumakas ang ingay na ginagawa ng mga zombies indikasyon na malapit na malapit na sila.

"Ang bibilis nila!"

Natatarantang sabi ni ate selene. Bullshit!

Mabilis kong inakay ang isang pulis na biglang nadapa dahil natapid sa mga patay nang zombie, saka muling tumakbo.

Underground Society: AssassinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon