Dedicated to: Queenity95
(Nyx's POV)
"Okay lang ba sila? Babae halos lahat sila don?"
Hiyaw ko kila Kuya dahil halos lahat ng lalaki naipon kasama namin at sina Naya halos lahat ng babae kasama niya.
"Shup up! Just Go!"
Hiyaw ni Kuya sakin saka ako itinulak kay ate Selene at si Kuya Styx naman ang gumabay samin ni Ate. Mausok na ang paligid, nilalamon na ng apoy ang mga nakapaligid samin.
"Its the Exit!"
Turo ni Helios sa daan na maliwanag, how come na may forest sa loob ng kweba? Akala ko nakalabas na kami hindi pa pala.
Napalingon kami sa kabilang side kung saan naroroon sila Naya kalalabas lang din nila. Malayo sila pero nakikita ko na nakalabas sila lahat.
"Sugod!"
Dinig kong hiyaw ni Naya, kaya nagtakbuhan na kami at nakipag-laban. Panay naman ang hagis ni Rowell ng bomba.
"Naya? Papunta na kami"
Sky said via spy ear gear, shit! Dadaan sila sa main way.
"N-no Sky! Delikado! Sky? Sky?"
Dinig kong hiyaw din ni Naya sa linya.
"Bilisan natin!"
Hiyaw ni kuya, mas binilisan pa namin ang pagtakbo iniiwasan ang dapat iwasan at pinapatay ang bawat infected na haharang.
"Makakalabas na silang lahat bago pa tayo makarating sa main mansion!"
Cyan said, pano na to?
"Bilisan niyo! Pasasabugin ko ang buong lugar!"
Si white? Nasa line si white!
"G*g* ka ba white? Hindi mo alam kung nasan sila sa baba!"
Hiyaw ni Black. Nasa copter sila, tumingala ako at nakita ko ang copter na aali-aligid sa itaas. Pag-asa!
"Lahat kayo sa kanan, white? Pasabugin mo ang kaliwang bahagi ng isla!"
Sabad ni Naya sa kanila.
"Ano? Sigurado ka ba dyan Naya?"
Hindi makapaniwalang angal ni Black.
"Copy Naya!"
"Bullsh*t!"
Mura ni black, lahat kami tumatakbo na parang walang kapaguran. Nagsimula na silang pasabugin ang kaliwang bahagi ng isla and we cant do anything, ang kaya lang naming gawin ay tumakbo at wag indahin ang lakas ng pagsabog.
"Nakikita ko na ang mansiyon"
Hiyaw ni Apollo, dumidilim na! Tanging liwanag ng lumalagablab na apoy na lang ang tanglaw namin.
"Dumadami sila!"
Dinig kong bulong ni Ate Selene na katabi ko.
"Pasabugin mo ang kanan white!"
"Copy"
Hiyaw ni Naya saka siya sumenyas ng kaliwa, sinuong namin ang naglalagablaban na apoy para makalayo sa kanang bahagi ng isla kung saan magpapasabog si white.
"Bilis nakikita ko na ang mansiyon malapit na tayo!"
Hiyaw ni Apollo, lalo naming binilisan at nang makalabas kami sa kakahuyan saktong dating ng mga 4x4 truck.
BINABASA MO ANG
Underground Society: Assassins
Mistero / ThrillerWe used to obey the command of the higher. We used to do what the client's want. We used to do missions from the higher. We used to accept missions from our clients. We are living by the organizations rules and demand. We are livi...