(Keydee's POV)
"kinakabahan ka ba?"
Tanong ko kay Xien habang naghahanda na kami ng mga armas namin na dadalhin, Asassins meeting was not your typical meeting na naka-tuxedo pa or gowns. Our meeting will be pagandahan ng mga armas at pagandahan ng assassin suit.
"for myself no! But for everyone on our team and for the philippines yes! What if i failed! What will happen?"
May iniabot ako sa kanyang kwintas na may pendant na di kalakihang krus. Napatingin siya sakin, i show her na kapag pinindot ang ruby na nasa gitna ng krus na pendant ay may lalabas na maliit na knife.
"i know that it wont help a lot but if you need it! Use it! That knife has a poison that can kill in just 5 seconds!"
Isinuot ko yun sa kanya.
"but its yours! Bigay ng mama mo yan!"
Hindi makapaniwalang sabi niya.
"My mom tells me that i should give that to someone that i wanted to protect for the rest of my life and that is you Xien! Its only you so keep it and be safe for me!"
She hug me and i just did the same, niyakap ko lang siya para mapagaan ang nararamdaman niya.
"basta whatever happens! Follow our plan okay?"
Tumango lang siya, nanatili pa kaming ganon sa ilan pang minuto bago kami bumitaw sa isat isa nung pumasok ang iba pa naming kasamahan. Kaming walong assassin lamang ang naririto ngayon, bihis narin sila tulad namin.
"Basta, follow our plan okay?"
Tumango lang sila, bakas ang pangamba at takot sa mga mata nila na hindi ko karaniwang nakikita sa mga assassin na katulad namin.
Pero dahil iba ang sitwasyon, naiintindihan ko kung bakit may pangamba sila sa dibdib.
"isipin niyo na lang this was our life changing mission, yung as in malaking malaki talaga ang halaga! So live okay? Lets finish our mission! Understand?"
Napangiti sila saka sabay sabay na nagsabi ng
"Consider this Mission as accomplished!"
I just smile at them saka kami sabay sabay na lumabas sa kwarto na yon.
(Selene's POV)
Napatayo kaming mga nasa sala ng makita naming pababa na sila Keydee at ang pito na tila handang handa na sa laban na papasukin nila.
Nakakaramdam ba sila ng kaba? Parang hindi naman, yung mga mata nila tila naka-asassin mode on! Gusto kong mamangha, Asassins are far different from us Killers, sila yung talagang bigatin na mamamatay tao and their missions are far different from us.
"Magiingat parin kayo, your safety is more important here!"
Paalala ko sa kanila pag tigil nila sa harapan namin, bahagya nilang itinungo ang ulo nila sa akin.
"Do whats with our plan okay? Do your best! Be careful!"
Paalala din ni tito! Nagtanguan lang sila bago tuluyang nagpaalam at lumakad, this time ill be their monitoring back up.
"okay team! Lets move!"
I said, pagkalabas nila saka kami nagpunta sa kanya kanyang station.
Lord, kayo na po ang bahala sa aming lahat.
(Apollo's POV)
Naka-ready na si Maine at ang grupo nila Sky! Mauuna na sila Keydee sa kanila sa venue ng meeting.
Kami naman ni Nyx ay maiiwan dito at babantayan kami nina Black and white, sila din ang magmo-monitor sa mga kasama naming lalabas.
"kinakabahan ako!"
Biglang bulong ni Nyx sakin habang pinanonood namin sila na maghanda sa isang tabi. Feelingera ang gaga, siya pa ang kinakabahan ngayon e hindi naman siya kasama sa laban.
"Gusto kong sumama, baka andon si Naya!"
Napalingon ako sa kanya bigla na hindi pala sakin nakatingin, nakatitig lang pala siya sa mga kasamahan naming papaalis.
"How come? E kinidnap nga siya?"
This time she look at me.
"ikaw alam mo nakakabwisit ka! You know the Twisted Minded Naya right? What if she did something impossible again tonight? Wala na naman tayo sa eksena ganon? My gad Apollo! Are you really her cousin? Bakit mas mukang kilala ko pa siya sayo?"
Medyo nasoplak ako ng gaga today! Bakit today e hindi naman araw, gabi na? Ewan basta may point si Nyx ngayon. Kinakabahan ako sa point niya na yan, kasi baka mamaya kung twisted minded nga si Naya baka pairalin niya rin ang pagiging Clumsy minded niya.
(Maine's POV)
"Are you ready?"
I saw my teammates nod, i look for Nyx and Apollo but they're not here. I guess knowing Nyx, she maybe wanted to do something again.
"Black? White? Your job"
Napangisi lang ang dalawa, sabay saludo na parang sundalo.
"Copy Boss!"
I look at my team and walk leading them to our car, malayo layo pa ang target venue namin.
(Styx's POV)
The last time we attended such meeting like this, Eos was with Venus and Naya burst in Anger. Ngayon kaya na kasama ni Eos si Audrey, lalabas kaya siya at kukunin ang boyfriend niya sa babaeng to?
Ginawa pa akong alalay ng mga to! Kung hindi ko lamang kaylangang pangalagaan ang kaligtasan ni Eos? Hindi ako sasama dito no! Si Naya na ang hahayaan kong sumama kay Eos.
Hindi tumanggi si Eos nung yayain siya ni Audrey sa meeting na ito, and besides its still part of our plan.
Pagdating namin sa venue at pagparada pa lang namin ng sasakyan marami ng nakaabang sa amin, marami ding sumalubong ng bumaba kami ng sasakyan.
Iisang sasakyan lang ang ginamit namin ni Eos at Audrey, habang si Andrei ay kasama ng papa nila sa ibang sasakyan.
Hindi na kataka-taka na aabangan at babantayan sila ng ganito katinding security dahil narin sa posisyon nila sa lipunang ito. We dont know, na ang dating kababata namin ay nakakaangat na ang estado dito sa underground society.
Pagpasok namin sa malaki at engrandeng pinto ng mansion ay nagtayuan ang lahat upang salubungin at magbigay galang sa pamilya ng pinaka-mahusay sa lahat ng assassin sa assassination ground.
Nasa likod ako ni Eos at Audrey na sabay na naglalakad, sa unahan nila ay sabay na naglalakad ang tatay niya at ang kapatid niya.
Pinalilibutan naman kami ng napakaraming assassin na halos parang wala na akong ibang makita kundi pula na lang. Lahat ng tao dito naka-itim, at sila lang ang naka-pula. Talagang malalaman mo na agad kung sino ang hari sa mundong ito sa kulay pa lamang na makikita mo ngayon dito.
Nakarating na agad kami sa platform at pinaupo kami ni Eos na magkatabi sa kanan ni Audrey sa kaliwa niya ang ama na pinagigitnaan nila ni Andrei at sa kaliwa ni Andrei ay ang kanilang ina.
Naupo ang lahat at natahimik, i automatically search for my teams. Malamang andito narin sila at pakalat-kalat.
Maraming assassins ang naririto, ito na ba lahat ng mga assassins dito sa pilipinas? Sabagay, kung buhay pa lahat ng assassins na nakakasagupa namin na mga namatay edi malamang mas marami pa yan. Swerte narin namin na kokonti na sila, dahil pag nagkataon! Malamang, marami kaming makakasagupa ngayong araw.

BINABASA MO ANG
Underground Society: Assassins
Misteri / ThrillerWe used to obey the command of the higher. We used to do what the client's want. We used to do missions from the higher. We used to accept missions from our clients. We are living by the organizations rules and demand. We are livi...