Assassins 33

486 17 0
                                    

(Naya's POV)

- DAY 1 -

(Wincess's POV)

Hinati na kami ni Naya sa dalawang grupo, at kung makukumbinsi niya si Alfredo hahatiin parin sila sa dalawa para isama sa amin.

May pinagagawa narin si Naya sa amin habang wala pa sila, dapat naming gamiting mabuti ang nalalabing tatlong araw bago ang itinakdang araw na naaayon sa patterns ni fourth.

Kasama ko si Apollo sa team, magaling siya sa computers katulad ni Ate Selene, at si Dad ay napunta naman kay Ate Selene.

Ilalagay kami sa Mall, at sila Ate ay ilalagay sa Amusement park.

Sana mapapayag nila Naya si Alfredo, para masolusyonan na namin ang manpower problems.

(Naya's POV)

Malakas ang kutob kong hindi siya papayag, si lolo at ang lolo lang ng mokong na si Eos ang nagpipilit na papayag yun.

"Lolo? Sure ba kayo na papayag sila?"

Pang-ilang beses ng tanong ni Eos, halatang hindi din siya mapakali, pareho kami ng nararamdaman.

Ni hindi nga ine-entertain ni Alfredo ang tawag nila, napatingin ako sa labas ng tumigil na ang kotse.

Sa wakas, makakaalis na ko sa tabi ni Eos. Bumaba agad ako dahil walang sabi-sabing bumaba si Lolo, nilapitan ko agad siya katulad ng ginawa ni Eos sa lolo niya.

"Sabihin mo sa amo mong si Alfredo, andito ang mga gwapo niyang tropa!"

Gusto kong matawa sa sinabi ni Lolo, lalo na ng kumunot ang noo nung bantay na nakaharap namin.

"Tell Mr. Alfredo, that Mr. Myren and Mr. Mcgriff are here!"

Hindi ako sigurado kung kakilala nila sina lolo, mukang tagilid kami dito.

Hindi pa nagtatagal na wala ang bantay, maya maya ay may dumating at nararamdaman kong si Alfredo na iyon.

"Alfredo my friend!"

Salubong ng lolo ni Eos kay Alfredo pero walang ekspresyon ang muka niya.

"Hindi mo man lang kami papapasukin? Napaka-bastos mo talaga, hindi ka na nga gwapo, tsk!"

Sabad naman ni lolo, hay nako parang gusto kong pektusan talaga to si lolo.

"Wala na si Alfredo na kaibigan niyo, simula ng iwan niyo kami noon! Nabuwag narin ang samahan na meron tayo!"

Sagot ni Alfredo sa kanila.

"Sinong may sabing buwag na tayo? Nagiimbento ka na naman!"

Nangaasar na sagot ni lolo.

"Makakaalis na kayo!"

Sagot lang ni Alfredo.

"Hindi kami aalis, may kaylangan ka samin at kaylangan karin namin!"

Sagot ng lolo ni Eos.

"Enough, that stupid friendship is over!"

Hiyaw ni Alfredo na parang umalingawngaw sa buong lugar, nakarinig pa ko ng mga ibon na nag-ingay at nag-alisan.

Natahimik naman sina lolo habang kitang kitang seryoso si Alfredo.

"the venom x will invade your organization soon, just call us if you need help!"

Lolo said saka siya tumalikod.

"No one will ever need your help again Myren, ikaw ang unang nangiwan samin! Hinding hindi ka na namin kailangan!"

Sagot ni Alfredo na tinawanan lang ni lolo.

"Hindi ikaw ang nawalan ng apo, ng asawa, hindi ikaw ang napahamak ang apo para magsalita ng ganyan Alfredo, tandaan mo! May pamilya ka din!"

Sagot ni lolo saka pumasok sa sasakyan.

Tiningnan ko si Alfredo.

"Apo niya po ako, alam kong kilala niyo ako! Alam ko rin na may anak at Apo narin kayo, kapag po ba nangyari sa kanila ang nangyari sakin, ano pong gagawin niyo? Iiwan niyo po ba sila para piliin ang organization? O yung kabaligtaran? Pagisipan niyo pong mabuti, alam po nating lahat kung gaano ka-delikado ang venom x!"

I said, nginitian lang ako ng lolo ni Eos na parang sinasabing okay lang yan bago kami pumasok sa kotse, this time si Eos na ang nag-drive.

Tahimik kami hanggang makauwi, nagkunwari din akong tulog habang nasa likod ako at katabi si lolo, pero buong byahe talagang hindi sila nagsalita.

Bumaba agad ako pagkagising sakin ni lolo na akala nga ay tulog ako.

Sinalubong agad kami nina mom and dad saka nung iba naming kasamahan, ngumiti si mom at dad sakin pero bakas sa mata nila ang pagaalala, alam nila na hindi kami nagtagumpay, malamang naiisip nilang kung tagumpay kami, kasama namin si Alfredo ngayon.

Iniwan ko lang sila at nagpaakyat na lang ng inumin kay Manang, ayoko muna ng kausap.

Pagpasok ko sa kwarto hindi ko na napigilang maiyak, naiiyak ako dahil may nasirang pagkakaibigan dahil sakin.

Dahil sa pagkakakidnap sakin napilitan si lolo na iwan ang pangarap niya at ang mga kaibigan niya, dahil sakin nawala ang lahat sa kanya.

Kung naging malakas lang ako noon, hindi sana ako na-kidnap, wala sanang dahilan si lolo para iwan ang lahat, para iwan ang totoo niyang buhay.

Napatayo ako ng may kumatok, pinilit kong tumigil at pinunasan ang luha ko bago ko buksan ang pinto, si Manang dala ang paborito kong juice at ang tubig.

Pumasok si Manang saka niya inilapag sa coffe table ang inumin, naupo lang naman ako sa sofa, lumabas agad si manang at isinara ang pinto.

Nanatili lang akong nakaupo sa sofa habang nakatitig sa inumin, day one pa lang di ba? What if sumugod sila at hindi sundin ang four days interval?

Napahawak ako sa ulo ko, mahihirapan kaming mapasok ang amusement park, malamang ipagbabawal ni Alfredo na makapasok kami don.

Ininom ko ang tubig saka ko tinanggal ang jacket ko at bumaba, pagbaba ko nakita ko sila sa sala, mukang pinakakalma nila si Eos at ang lolo nito, pero si lolo wala siya, tinanaw ko ang kwarto ni lolo na nasa itaas, ang lolo ko nasaktan ko siya.

Humarap ako sa kanila na nasa sala.

"Kaylangan ko po ang tulong niyo ----

Nakatingin lang ako ng patagilid sa lolo ni Eos, habang nakatingin lang din siya sakin.

------ pakiusap!"

Umiwas na ko ng tingin saka lumakad palabas ng bahay.

(Nyx's POV)

Ang mga mata ni Naya habang nakatingin siya kay lolo ng patagilid, habang ang katawan niya ay nakaharap sa may main door.

Ang mga mata niya punong puno ng lungkot at sakit, kitang kita ko na gustong gusto niya ng umiyak.

Ramdam na ramdam kong sobra siyang nasaktan, sa anumang nangyari sa pakikipagusap nila kay Alfredo.

Tumayo na si Lolo pagkaalis ni Naya, kaya naman napatingin kami sa kanya.

Lumabas siya at sumunod, pero hindi kami kumilos. Hindi namin sinubok na sumama, dahil alam namin na hindi din kami makakatulong.

Hindi din namin mapapagaan ang nararamdaman ni Naya.

Walang nagsasalita, walang kumikibo, lahat kami tahimik, clueless sa lahat ng nangyayari at the same time ay nagaalala para sa magiging sitwasyon naming lahat.

This is the first time that i defeat dahil may taong hindi nakiisa sa amin. Im sure what Naya feels are more than this.

Underground Society: AssassinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon