Dedicated to: legendaryfocus05
(Naya's POV)
"Sinasabi ko na nga ba!"
Tawa lang ako ng tawa kay Apollo habang sermon siya ng sermon sakin, andito kami sa rooftop ng bago kong condo unit at nagna-night swimming.
"Ito na ang pagkain at inumin!"
Bayley said saka nila inilapag ni Paris ang dala nila.
"Alam mo Apollo wag ka ng magreklamo! Nag-e-enjoy ka din naman e!"
Pagawat naman ni Bayley kay Apollo habang natatawa ito.
"Alam mo Bayley! Hindi dapat nagdadamot sa blessings, kaya ako nagagalit kay insan kasi madaya siya kung nagkataon kayong tatlo lang ang nagsasaya! Buti na lang talaga sumama ako!"
Reklamo ni Apollo habang nilalantakan na ang pagkain, lumapit na ko matapos kong hinaan ng konti ang tugtog.
"Kung gusto mo paaalisin na kita ngayon!"
Tumawa lang sina Paris at Bayley.
"Joke lang naman insan, syempre jinojoki-joki lang kita! Acting lang yon!"
Tatawa tawang sabi ni Apollo sabay masahe sa mga balikat ko.
"Hahahahahahahahahaha!"
Tawa nina Bayley, tuwang tuwa naman tong dalawang to.
"Chhhheeeee!"
Pangaasar ko kay Apollo.
"Pero Naya? Sana kapag magyayaya ka ulit sa ganto sama mo ulit ako ah!"
Natawa ako sa sinabi ni Paris, ayos din to e. Samantalang si Nyx at Wincess kapag kasama ko parang si Apollo yun, angal ng angal at kung sino sino pang gustong isama.
"Hi guys!"
Napalingon kami kay Apollo na kumakaway-kaway sa cellphone niya. Sira ulo talaga to!
"Ipaalala niyo sakin na next time hindi na natin isasama si Apollo!"
I said saka ako naupo at nagsimula ng kumain.
"Insan naman ----
Ibinigay ni Apollo ang cellphone niya sa dalawa at siya naman ay yumakap lang sa braso ko.
"--------- joke yun di ba insan?"
Naka-puppy eyes pang sabi ni Apollo.
"Muka ba kong nagbibiro?"
Hiyaw ko kay Apollo. Napabitaw naman siya sakin sabay takbo sa dalawa na biglang napalingon samin na gulat na gulat, bigla naman silang tumawa pagkatapos.
Bahala nga sila dyan.
(Wincess's POV)
Laging ginagawa yan ni Naya kapag hindi siya makapag-isip ng maayos, siguro nahihirapan siyang makisama sa maraming tao kapag nalilito siya kaya hanggat maaari konti lang ang isinasama niya.
Ayaw niya ng maraming tao at the same time ayaw niya ng walang kasama, ganyan lang siya kapag gusto niyang magisip.
"Hayaan mo na muna siya Apollo, okay lang naman samin na magsaya siya! Hayaan mo siyang magisip! Ganyan lang siya kapag naguguluhan!"
Sabad ko sa kanila, nagrereklamo kasi si Apollo na gusto niya andon kaming lahat. Ngumiti ako nung natahimik siya, nabaling lahat ang tingin nila sakin.
![](https://img.wattpad.com/cover/159946079-288-k611245.jpg)
BINABASA MO ANG
Underground Society: Assassins
Mistério / SuspenseWe used to obey the command of the higher. We used to do what the client's want. We used to do missions from the higher. We used to accept missions from our clients. We are living by the organizations rules and demand. We are livi...