(Naya's POV)
Ang aarte ng mga to, buti na lang kinausap sila ni lolo. Ako nga di pa nakaka-move on, joke.
Ewan kung naka-move on na nga ba ako sa nangyari, and the scene on the mall diverted my attention.
Andito lang ako sa second floor namin at tinatanaw ko sila sa baba, narinig ko lahat ng pinaguusapan nila, kanina pa ako dito.
Good thing, lolo explain them what should they do. Sabagay, at first nasaktan ako sa paglalapit ni Eos at Audrey, pero naniwala parin naman ako, everything was just a drama sabi nga nila, ginawa ko lang ang dapat kong gawin dahil alam ko naman na Eos will do his.
Siguro nga, nasaktan lang namin ang damdamin ng mga kasama namin, naiparamdam ko sa kanila ang pakiramdan na naramdaman ko, noong piliin nilang magplano magisa at kumilos na hindi ako kasama.
Pero ngayon ko mas lubusang naiintindihan lahat dahil sa sinabi ni lolo, tama siya, minsan nga may mga plano at desisyon tayong nagagawa na sinasarili lang natin, pero ang resulta ay malaki at para sa lahat.
Bumaba na lang ako at nagkibit balikat, alam ko naman na maya maya lang aalis na sila saka, tatapusin ko pa yung mga ginagawa ko.
Ramdam kong napatigil sila sa mga kagagahan nila ng dumaan ako sa may sala, bakit ba kasi magkatapat ang sala at kusina, tsk.
Si manang ang sumalubong sa akin na nginitian ko lang ng palihim sabay kindat, natawa siya saka niya ko niyakap habang naglalakad kami papasok ng kusina.
Pagpasok ko ay naupo agad ako at ipinaghain naman ako ni manang, siguro tama din si lolo na dapat isipin din namin ang nararamdaman ng mga taong nagaalala samin.
Hindi kasi ako ganun, hindi ko nakasanayan, dati kasi ang nararamdaman lang ng pamilya ko ang mahalaga sakin, minsan nga wala parin akong pake.
"oh? Hindi ba masarap?"
Tanong ni manang na ikinatingin ko sa kanya.
"Nanang naman, kaylan ba hindi naging masarap ang luto mo!"
Napangiti siya saka ako niyakap, saka ako kumain ulit at inubos ang inihain niya.
Pagkatapos kong kumain ay sisipol-sipol pa kong bumalik sa taas, sila naman ay nasa sala parin.
"Apo, mukang masaya ka at busog ah!"
Napahinto ako sa sinabi ni lolo, oo nga! Ginagawa ko yun kapag masaya ako at busog, si lolo talaga lahat napapansin.
"Oh? Sorry na Apo, sige na hindi na kita papansinin!"
Napatingin ulit ako kay lolo, natulala pala ako! Napakamot na lang ako ng ulo.
"Lolo talaga, ang dami daming alam! May gagawin pa po ako!"
Paalam ko saka ako umakyat ulit sa taas.
(Apollo's POV)
"Tingnan niyo si Naya, kahit ang daming nangyari good mood! Kayo lang ang mga mukang pyesta ng patay dyan!"
Natawa kami sa sinabi ni lolo saka nagkatinginan, oo nga good mood siya.
"Pero, ano kayang susunod na plano?"
Napatingin sila lahat sakin.
"Plano na agad iniisip mo, magpahinga na muna tayo!"
Angal ni lolo, nagtawanan kami, tama siya pahinga muna dapat.
"if you want we can camp sa isa sa mga mansion namin, may falls don!"
Yaya ni Nyx na ikinatahimik ng lahat.
![](https://img.wattpad.com/cover/159946079-288-k611245.jpg)
BINABASA MO ANG
Underground Society: Assassins
Mystery / ThrillerWe used to obey the command of the higher. We used to do what the client's want. We used to do missions from the higher. We used to accept missions from our clients. We are living by the organizations rules and demand. We are livi...