Assassins 18

877 27 26
                                    

(Nyx's POV)

"tawagin niyo na nga si Naya para makakain na tayo!"

Biglang sulpot ni ate Selene habang sinasabi yon.

Napakunot noo naman ako sa sinabi niya, kanina lang nagdadamot pa yun ng fries ah! Haha!

Nakaupo na kami sa sala kasi tapos na kami mag-ayos ng tables! Kanina pa nga kami dito e.

"tatawagan ko na nga!"

Biglang sabi ni kuya na nakaupo din kasama namin.

"bakit hindi sumasagot to? Kilig na kilig siguro to ngayon!"

Pinagbabato namin si kuya ng mga table napkin na pino-fold nung iba, yabang eh.

"ang sabihin mo baka umalis na si Naya kasi ayaw niya na sayo!"

Kantiyaw ni Apollo na hindi naman pinansin ni Kuya.

"Hello mura? Aba kilig na kilig ka naman yata dyan? Nasan ka na ba? Kakain na ---------

Biglang natigil si Kuya sa pagsasalita.

"H-hello Naya?"

Tumingin si Kuya sa phone niya habang kunot na kunot ang noo saka niya iyon ni-loud speaker at ibinaba sa table.

Wala naman kaming ibang naririnig kundi ingay na parang sa radyong walang signal.

Anong trip nito si Naya?

Maya maya may nag-pop up na video sa phone ni Kuya, binuksan niya naman yun agad at pinanood.

Makikitang may babaeng lumabas sa isang kotse at lumakad papunta sa elevator. Kotse ni kuya yon! Don't tell me --

Habang nasa tapat ng elevator bigla na lang may sumulpot na mga taong balot na balot ng itim na kasuotan at may humampas sa babaeng nakatayo sa may elevator.

Bumagsak agad siya at dali daling dinala ng mga taong iyon, yung isa ay waring tumingin pa sa camera at may isinenyas pa-kamay na hindi ko maintindihan.

Maya maya natapos na ang video.

"s-si Naya ba yon?"

Nauutal na tanong ni Apollo.

"y-yung kamay niya, sign language ng may mga kapansanan ang ginamit niya!"

Helios said, ibig sabihin ba nito kinidnap si Naya? Baka naman yun yung surprise ni Kuya -- pero ---

maya maya tumunog na naman ang phone ni Kuya, someone texted him saying find Naya.

Bigla na lang tumakbo si Kuya at kami ay nagkatinginan pa dahil sa gulat bago tumakbo.

Is it really true? Nangyari na nga ba talaga yung kinatatakutan namin ni ate Selene? Is Naya really missing?

Si fourth kaya ang dahilan?

(selene's POV)

Hinalughog na namin ang buong condo, naghanap narin kami sa paligid pero wala si Naya walang bakas na lumabas siya ng condo unit niya.

Tinatawagan namin siya pero nakapatay na ang phone niya, and now were checking the CCTV footage.

Sa footage na nakita namin iisa lang ang pangyayari sa naka-record at sa ipinadala kay Eos na video, parehong pareho walang pinagkaiba.

Pano nila napasok ang condominium na ito? At isa pa sino sila? Walang bahid ni fourth at ng venom x o anuman sa lugar, imposibleng pakana ni fourth ito.

Saktong sakto pa na walang bantay ang monitoring room dahil nag-day off ang bantay. Ang mga guard naman sa baba ng mga oras na yon ay ipinatawag ng boss nila para sa meeting.

Underground Society: AssassinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon