Assassins 10

1.2K 54 16
                                    

Dedicated to: bhenggylicious




(Nyx's POV)

Naipon muli kami para sa mahalagang bagay na nais sabihin ni Naya, this past few days ay madalas lang kaming magmanman sa paligid para masubaybayan ang di inaasahang pag-atake ni Fourth habang busy sina Naya sa task na gagawin nila.

"We have 2 days left before the said event, siguro naman sa dami natin ay marami na tayong maibabawas sa kanila?"

Sabi ni Naya na ang huli ay may tonong patanong.

"What if gumawa na lang tayo ng paraan para mapalapit lahat sila satin ng sabay sabay kaysa isa isa pa natin silang patayin, sayang ang oras!"

Kuya suggested and asusual Naya just look at him like nothing.

"And what do you think? Hindi ko naisip yan? Hassle yon Eos! Baka makahalata pa sila fourth kapag ganon ang ginawa natin, minamanmanan tayo nung mga yon! This is our only chance na mabawasan kahit papano ang victims nila!"

And asusual na-soplak na naman ang kuya ko! Hahaha! Kasi naman kuya! Gamitin mo ang utak mo, dapat nga magpa-impress ka kay Naya e, kaysa lulutang-lutang ka dyan dapat paibigin mo lalo siya sayo! Baliw ka din eh!

Napa-ayos ako ng upo ng mapansin kong lahat sila nakatingin sakin. Napa-ismid ako at napawi agad ang ngiti sa labi ko, langya baka isipin nila na nababaliw narin ako.

"this is the only quiet and safe way na naisip ko para mabawasan natin sila kahit papano, the willing may find their partner now!"

Hinila ko agad si Ate Selene, lumapit din naman agad samin si Frion.

Nagkanya-kanyang team naman nadin ang iba, binubuo din sila ng tatlong myembro, isang magmo-monitor via computer at dalawang susugod sa location.

"Romaine? Julienne And Paris?"

Tanong ni Naya sa tatlo, nagtanguan naman sila.

Nagbigay si Naya ng maliit na papel sa kanila listahan siguro ng target.

"You may start making plans!"

Umalis na sila, yung ibang buo na ang grupo binigyan narin ni Naya even us.

"Xien? Si Apollo na lang at si Fredric ang ka-team mo! Helena go with Xavien and Simon! Bayley, Keydee and Dealan? Bayley dun ka na sa team ni Joshua at Cielo, ako na lang ang sasama kay keydee at Dealan!"

Maayos na nahati ang grupo pero marami paring naiwan.

"Ang iba? Stand by! Kapag kaylangan ng back up kayo ang pupunta!"

Nakita ko si Kuya na kasama sa mga backup together with Helios. Malungkot siya, marahil dahil mas pinili ni Naya ang team ni Keydee. Naya wanted to finish this na wala munang halong kung ano ano and kuya just wanted to love and protect her na alam kong sa paningin ni Naya ay sagabal.

Hindi ko sila masisi, pareho silang may punto.

"Intindihin mo na lang sila, lahat tayo miss na ang tandem nila pero tama si Naya! Trabaho muna Nyx!"

Napalingon ako kay Frion, saka kay Ate Selene. Ngumiti lang ako ng simple saka tumango bago mag-focus sa ginagawa namin.

(Wincess's POV)

I ended up to be the third member of team Eos and Helios. Habang busy pa ang iba pinauna na ni Naya ang iba at kami kami na lang ang andito.

"Mauna ka na Keydee!"

Underground Society: AssassinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon