Assassins 37

733 27 7
                                    

(Wincess's POV)

"Nakakapagtaka ang pananahimik ni Fourth, ni wala siyang hakbang na ginagawa! Ilang araw na ang nakalilipas, lampas na sa target date sana niya ang araw ngayon!"

Napaisip kami sa sinabi ni ate Selene. Tama siya, lampas na nga sa araw ang pananahimik ni Fourth, hindi kaya nagpapalamig din siya?

Siguro naiisip niya rin na predictable na masiyado ang pattern niya, wait?

"pang ilang araw na ngayon? Mula nung ika-apat na araw na inaasahan nating susugod siya?"

Tanong ko na ikinalingon nila sa akin, lahat sila ay parang napaisip.

"pangalawang araw, makalipas ang dapat ay target date!"

Sagot ni ate Selene sa akin, napatango lang ako.

"i was thinking, what if Fourth attack on the 8th day? I mean, two locations ang meron tayo --

Biglang nanlaki ang mga mata nila na parang nakukuha na ang ibig kong sabihin.

"Very good observations ---

Napalingon kami sa biglang nagsalita, its Naya! Okay na ba siya?

"Bakit andito ka na?"

Sabay sabay naming tanong, wala namang reaksiyon ang muka niya.

---- now at last! Aside from these assassins and Helios, someone now truely understand what i wanted to say!"

Pagpapatuloy niya saka naupo  sa center seat, sa harap ng mahabang mesa na kinauupuan namin.

Lahat naman nagkatinginan lang, naupo na ulit kami dahil sinenyasan kami ni ate Selene.

"Anong ginagawa niyo habang wala ako?"

Tanong ni Naya, nakaka-kaba naman siya ang seryoso niya, pero parang ang aliwalas ng muka niya.

"Syempre, ang nakakaboring na preparations!"

Bored na sagot ni Apollo at Nyx, nagkatinginan pa silang dalawa dahil pareho sila ng sinabi at sabay pa.

Tinaasan lang naman sila ni Naya ng kilay, sabay ngisi. Siguro iniisip niya kung totoo ba ang sinasabi nung dalawa.

"Wala lang ako, but that doesnt mean na hindi ako updated sa lahat ng kilos niyo!"

Natawa ako, sinasabi ko na nga ba. Napatingin sila sakin pero umiwas lang ako ng tingin, yari kayo ngayon.

"Kilos na!"

Utos ni Naya saka siya tumayo at lumabas ng hall, ako naman ay nagmamadaling sumunod sa kanya.

"sigurado ka, okay ka na?"

Nilingon niya ko habang sabay kaming naglalakad.

"mananahimik lang ako at makakapag-pahinga ng maayos kapag nasiguro ko na, na maayos ang lahat!"

Sagot niya na tanging ngiti lang ang naisagot ko, thats Naya! Sanay na kami sa kanya, sanay kami na kahit anong lagay niya hindi niya parin pinababayaan ang lahat.

(Naya's POV)

Itinigil ko muna ang ginagawa kong pag-monitor sa mga CCTV namin at bumuntunghininga.

Nakakabagot pala talaga ang ganito, At the same time nakakakaba.

Hindi ko naman pala sila masisisi, weird! Ngayon lang ako nainip sa ganitong sitwasyon, usually im worried.

Tumayo na ko sa kinauupuan ko at sinenyasan ang isang tauhan ni sky na maupo sa kinauupuan ko.

Underground Society: AssassinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon