(Wincess's POV)
Tanghali na tulog pa si Naya, nagpuyat siguro siya kagabi. Dito na kami pinatuloy ni tito sa kanila kaya andito kami, di ba nga naghiwa-hiwalay muna kami.
Si Helios lang ang maswerteng nakakadalaw sa kanya, si Helios lang ang may pinaka-matinding paniniwala at katapatan sa kanya, kaya siguro malapit sila ng sobra sa isat isa.
"Kamusta kayo ni Naya, nung mga panahong naisip ni Naya yung plano niya laban kay Audrey?"
Tanong ni Apollo kay Helios, nagkukwentuhan lahat kami dito sa sala nila Naya, katatapos lang namin mag-breakfast.
"Hindi dapat ako ang nagku-kwento pero dahil alam ko namang hindi siya magku-kwento sige, ako na lang -----
Nagkatawanan kami, totoo ang sinabi niya, hindi hilig ni Naya na magkwento o linawin ang isang bagay kahit pa naguguluhan ka.
"Ang totoo niyan, si Tito talaga ang una niyang tinawagan nung pinagtangkaan siyang kidnapin nina Audrey --- she's full of blood, totoo yung nasa footage na hinampas siya, kahit nung makita ko siya kinabahan agad ako, akala ko nga hindi niya kakayanin yung blood lost! Nakakatakot, pero umasa ako na magiging okay siya, ganun din siya nung makaharap natin si First, ganun din ang nakita ko nun, pero naniwala lang ako ---
Bakas ang kalungkutan ni Helios at halatang ayaw niya na iyong pagusapan, halata na napipilitan siyang ikwento lang samin ang lahat, minsan ay napapailing pa nga siya.
----- Kami nila Sky ang una doon hanggang kinausap narin namin ang iba habang nagpapagaling si Naya, its her idea by the way! Nagtiwala lang kami at nakinig sa kanya! Hanggang napagpasyahan niyang i-secure sina Apollo at Nyx from Audrey and Andrei --
Nakatingin lang naman sina Apollo at Nyx kay Helios paglingon ko sa kanila.
---- wala naman sanang balak magtago si Naya sa mask, kaya lang itinatago niya yung sugat niya sa inyo, saka naisip niya rin ang magiging reaksiyon niyo at ang mga lalabas sa bunganga niyo, kaya pinanindigan niya na lang ---
Patuloy niyang kwento.
"Kaya pala, somewhat i feel its Naya! Kaya pala!"
Sabay na sabi nung dalawa na seryosong seryoso.
---- Hindi naman niya intensyon, na masaktan tayo, na maglihim, na magtago at sarilihin lahat, kaya lang, may napapasok tayong kalaban na kaylangang paalisin kaya niya ginawa yon! At isa pa, you know Naya she's territorial! Ayaw niyang naaagaw ng iba ang kanya lang! ----
Matalim na tiningnan ni Helios si Eos na matalim ding nakatingin sa kanya.
---- yun lang ang kaya kong ikwento, hindi ko rin naman alam ang totoo niyang nararamdaman at plano! Basta, my trust, respect and loyalty only belongs to Naya, kahit anong mangyari maniniwala at magtitiwala lang ako sa kanya na hindi kayang gawin ng iba!"
Talagang loyal nga siya kay Naya.
"Ikaw? Anong pumasok sa maliit mong utak at nagawa mo yun?"
Nanguuyam na tanong ni Apollo, Anger and disgust are visible on his eyes. Parang hindi si Apollo, e siya pa naman ang number 1 shipper nina Naya at Eos.
"Guys? Lets just dont judge so Easily, matagal na tayong magkakakilala, what happens was just a misunderstanding! If Helios was faithful and loyal to Naya, kung siya naniniwala kay Naya ganon din ako kay Eos, alam ko ang totoo kaya pakiusap naman"
Mahinahong paliwanag ni Styx, sa totoo lang naiipit kami sa sitwasyon. Halos lahat kami walang alam na may kani-kanilang plano sila Naya at Eos.
"Kaya nga namin siya tinatanong Styx, baka sakaling maintindihan namin ang punto ng damuho mong pinsan! Patas lang ang labanan dito, wala kaming pinapanigan, dahil pare-pareho niyo lang kaming naging biktima, pare-pareho niyo lang kaming ginawang tanga! Sana na-inform naman kami na patangahan pala ang labanan dito, edi sana ginawa namin lahat ng makakaya namin!"
Sagot muli ni Apollo na ikinatahimik lalo namin, ano ba naman yan.
"Ang hirap naman kasi sa inyo kapag kay Naya nagagawa niyong magtiwala kapag, sa akin hindi, wala naman akong intensyong masama ah! If she executed a drama for her to succeed, ganun din naman ako, nagpanggap akong bulag sa harap ni Audrey para lang malaman ko kung san niya dinala ang inaakala kong dinukot niya ----
Inis na paliwanag ni Eos, kaya ayokong magsalita, ayokong magmukang may pinapanigan sa kanila, kung tutuusin kasi tama si Apollo, biktima nila kami pare-pareho.
---- hindi ko lang masabi dahil masiyadong magiging scripted kapag nalaman niyo ang totoo, mas kapani-paniwala ag pangyayari kung natural lang! Hindi ko naman gagawin yun kung hindi ganon ang ginawa ni Naya, kung isinama niya ko sa plano hindi ganun ang gagawin ko -----
Kitang kita ang sama ng loob at lungkot ni Eos.
---- at gagawin ko lang yung ginawa ko kung sinabi niyang gawin ko yun, kaya lang akala ko dinukot talaga siya, kaya ko ginawa yon! Gusto ko siyang makita, gusto ko siyang makuha, halos mamatay ako kapag naiisip kong ang dami kong nasasayang na oras sa pagpapanggap malaman ko lang kung nasan siya ---
Tumungo si Eos, mukang nagpipigil ng luha.
--- halos mabaliw ako alam niyo ba yun? Sabagay, wala naman kayong ibang kayang gawin kundi pagdudahan ako! Oo alam ko, Lahat tayo umaasa sa mga plano ni Naya, pero hindi naman ibig sabihin non bawal na kong gumawa ng sarili kong plano di ba? Hindi ako uupo lang at hahayaan siyang tuluyang mawala!"
Pagkatapos nun walang nagsalita, hanggang sa bumuntunghininga si tito at niyakap nila kami nila Tita, lahat ng Elders yumakap samin.
"Alam niyo mga anak, hindi dapat natin pinagdududahan ang isat isa! Lalo na ngayon, nasa mahirap tayong sitwasyon! Minsan, hindi maiiwasan! Kaylangan talagang gawin ang mga bagay na ginawa nina Eos at Naya para sa ikabubuti ng lahat, at tayo? Iintindi tayo, walang tanong iintindihin natin sila palagi, Kagaya ni Styx kay Eos at kagaya ni Helios kay Naya! -----
Mahinahong sabi ng lolo nila Naya sa amin.
-----Tama din si Eos, minsan hindi porke kay Naya tayo umaasa ng gagawin ay hindi na tayo gagawa ng plano kapag wala siya, pano nga kung totoong wala siya, pano na tayo? Walang direksyon ganon ba? Pagsubok narin satin ang nangyaring pagkawala ni Naya, pagsubok kung kaya ba natin na wala siya ----
Lahat kami nakikinig lang sa kanya.
---- Tama din si Helios, we should remain faithful and loyal to each and everyone of us tulad ng ginagawa niya, we should trust each other dahil alam natin na hindi tayo pababayaan ng mga kasama natin, dapat palagi natin silang intindihin at pagkatiwalaan kahit hindi natin sila maintindihan, like Naya! Alam natin na mahirap siyang intindihin ---
Napatingin ako kay Dad and he just smile at me.
--- pero kung magtitiwala tayo hindi na tayo mahihirapan, kaysa kwestyunin at magalit tayo sa kasamahan natin, bakit hindi na lang natin iparamdam sa kanila na may kasangga sila at hindi natin sila pababayaan, iparamdam nalang natin sa kanila na kahit anong gawin nila maiintindihan natin, ha? Hindi dapat tayo magaway-away, kayo talagang mga kabataan!"
Dinig kong nagtawanan sila kahit ang iba ay umiiyak, tama si lolo, dapat maging matatag kami, hindi dapat kami ngayon nagaaway away, marami pa kaming kakalabanin at kakaharapin.
Aaminin ko nakakatampo, pero ngayon mas magaan na ang loob ko.

BINABASA MO ANG
Underground Society: Assassins
Mystère / ThrillerWe used to obey the command of the higher. We used to do what the client's want. We used to do missions from the higher. We used to accept missions from our clients. We are living by the organizations rules and demand. We are livi...