Here's the update.... Enjoy!
~~~~~ 0o0 ~~~~~
Chapter 12: Untold feelings.
Makalipas ang isang buwan...
Sabrina's POV
Whoo! Konting tiis na lang at ako'y makakauwi na ng Pilipinas.
Sa wakas isang buwan na lang ang hihintayin ko...
Miss ko na sila mama't papa at si Seychelle...
Ano kayang nangyayari sa kanila ngayon?
In the Philippines...
Seychelle's POV
Hello, namiss nyo ba ko? ^_^
Andito ako sa house nila Ronald ngayon hinihintay ko siya kasi may gagawin daw kaming surprise para sa pag- uwi ni ate Sabrina next month.
Grabe lang! Mas excited pa siya sa amin nila mama.
"Uy, ano bang surprise ang gagawin natin para kay Ate Sab?" inip kong sabi kay Ronald
"Basta, pagdating na lang natin sa place mamaya saka ko ipapaliwanag sayo. Magtiwala ka lang. ^_^" ayan na naman siya masyadong malihim.
Lagi na lang siyang full of surprises...
Kaya nagtagal kami ng halos tatlong buwan eh, lagi niya kong dinadala sa mga kakaibang lugar.
Papunta na kami sa lugar daw ng pagdadausan ng surprise namin para kay ate Sab.
Teka, parang papunta itong Araneta Coliseum ah...
Eh bakit naman kaya kami pupunta dito? Sinong may concert ngayon dito?
"Tara na, pasok na tayo sa loob at baka dumami pa ang tao." sabi niya.
"Teka, bakit tayo andito? Dito ba yung sinasabi mong surprise venue para sa ate ko?" sunud- sunod kong tanong.
"Ahh.. Oo, pero hindi pa ngayon yun kaya manunuod muna tayo ng concert, pati may kakausapin tayo pagkatapos ng concert na ito kaya hintayin mo na lang." paliwanag niya sken.
"Ah, okay. Pero isa pang tanong sino bang may concert ngayon dito at ang dami- daming tao?" tanong ko ulit.
Napakaraming tao ngayon dito mukhang napakasikat ng may concert ngayon dito.
"Ah, yun ba. Tanda mo ba yung idol na idol ni ate Sab nuon? Ang Super Junior? Sila kasi ang magcconcert dito ngayon eh. ^__^" ngiting sabi niya sakin sabay pasok na namin sa loob.
Wow! Kaya pala eh...
Ngayon lang ako nakapasok dito, talaga palang napakalaki nitong araneta akala ko dahil lang yun sa camera eh.
At sa loob mas nangibabaw ang mga hiyawan ng mga tao sa paghihintay sa kani- kanilang mga idolo sa Super Junior.
Tama! Super Junior nga daw ang magkconcert ngayon kaya no choice ako kundi pagtiyagaan ang mga korean songs nila.
At nagsimula na nga ang concert nakita ko na ang kinahihiligan ni ate Sab noon, gwapo pa din at magaling pa ring sumayaw pero parang may iba na sa kanya ngayon.
Tatlong oras ding nagtagal ang concert kaya wala akong choice kundi panuorin lang sila...
Whoo! Sa wakas natapos na rin..
BINABASA MO ANG
My Idol Became My Prince Charming Compilation [Finished]
RomanceThis is my first and my dream story!! Please look forward for my piece!!! Thanks and Godbless!! ^_^