034

970 47 26
                                    

EUPHORIC

Luckily the bell rang. Walang isip-isip at nagmadali akong lumabas. Sa pagmamadali ko, hindi ko napansin na slippery pala ang nilalakaran ko kaya nadulas ako.

Pero joke lang, hindi lang pala ako 'yung bumagsak. Trick too, because I think he's behind me before I slipped.

Mas malakas ang impact kay Trick, lalo na sa right arm niya kasi 'yon ang ginamit niya para hindi ako tuluyan bumagsak sa sahig.

"Trick! Hala ka, sorry!" nagpapanic na sabi ko. Tinulungan siyang makatayo nila Thorn. "Dalhin ka namin sa clinic, Trick."

"Ayoko kayo, gusto ko si Riri," sabi ni Trick kaya napalo ko 'yung braso niyang injured. Sumigaw siya sa sakit.

"Ay, iba!" at nakuha pang mang asar ni Thorn.

Sinamahan ko naman maglakad si Trick papuntang clinic. Nakaalalay lang ako sa kanya.

"'Labas tayo after class, mag-uusap na tayo ng seryosohan,"

"Eh! Uwi muna ako, tsaka hindi ako magpapasundo sa'yo. Lagi mo 'kong pinapaasa eh."

Tahimik siya nang makarating kami ng clinic. Nasalubong pa namin 'yung nurse na nagmamadali.

"I'm sorry I need to go, babalik din ako! May na-sprain kasi sa may field, kailangan ako doon." she said. Tumango naman ako bilang sagot.

"Hmm, cold compress nilalagay dyan 'diba?" pagtatanong ko. Patayo na ako nang hinawakan niya ang kamay ko.

"Riri, galit ka pa rin ba sakin?"

"Huh? Ba't ako magagalit sa'yo?"

"Iniisip ko kasi. . . na baka galit o naiisip mo pa rin 'yung kung paano kita trinato dati, gusto ko ulit magsorry."

"Ano ka ba, Trick! Okay na 'yun, seryoso." sabi ko at nginitian siya. Hinila niya pa ako papalapit.

"Ang lapit m-mo naman," nautal na sabi ko.

"Eh kung tatanungin kita kung sino mas gusto mo kasama ngayon, si Kuya Pierce o ako?"

Hala, ba't nagtatanong 'to ng ganito?

He pulled me real closer, natatakot ako baka matamaan ko ang injury niya. Sinubukan kong umatras ng konti but he didn't budge.

"Riri. ." he said before pulling me, for a kiss.

EUPHORIC | jungriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon