061

856 40 35
                                    

EUPHORIC

Nandito pa rin kami sa labas ng room ni Trick. Sa magkabilang upuan kami naghihintay ni Aria. Puro pang iirap lang naman nakukuha ko kaya hindi ko na siya tinitignan.

Bumukas ang pinto at lumabas si Thorn doon. Agad na nagbida-bida si Aria at tumayo. Kaasar.

"How's Trick? Pwede na ba pumasok?" tanong niya. Nanatili akong nakaupo at nakinig na lang.

"Trick's fine. . may cast lang siya sa braso niya at kailangan niya ng saklay para maglakad,"

"Oh my God!" react ni Aria. Sus, hindi pa naman patay si Trick. Nabalian lang ng buto. I mentally rolled my eyes.

"I want to see him." sabi ni Aria. "Uhh. . you can visit him later, Aria. . sabi niya sakin papasukin ko daw si Ri eh,"

Nagulat ako sa narinig ko. "Ha? Ako? Bakit?"

"Utang na loob Ri pumasok ka na, masasapak na ako ni Trick eh," sabi niya at hinila ako pa-tayo.

"Hindi ka masasapak 'non, 'wag ka mag-alala," sabi ko pero binatukan niya lang ako.

Nakita ko pang inirapan ako ni Aria bago ako nakapasok sa loob. Tss, irap irap hindi naman ikaw 'yung hinahanap.

"Riri!" sabi ni Trick nang makita ako. Ngumiti ako ng tipid bago naupo sa upuan na katabi ng kama niya.

"Swerte mo at break natin sa school ah, wala kang mamimiss na lessons." sabi ko.

"Bakit ba nagdrive ka pa kagabi? Naaksidente ka tuloy," sabi ko. "Swerte mo rin hindi ka pa natuluyan."

Nanatili siyang nakatitig sakin. Nailang ako kaya nagsalita ulit ako. "Gusto mo ba ng pagkain? Or drinks? Bibili ako teka,"

"Ikaw lang gusto ko,"

Ako naman 'yung hindi nakapagsalita. Pero nakabawi rin. "Ah, bakit mo pala ako pinapunta dito?"

"Gusto kong mag explain. . . doon sa ginawa ko na panggagago sa'yo,"

"Okay na 'yun. I heard sinabi ni Madelline sa'yo 'yung totoo? But it doesn't mean na kailangan mo rin ako balikan." sabi ko.

"No, Riri. Kahit hindi ko pa alam 'yung totoo, babalik at babalik ako sa'yo."

EUPHORIC | jungriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon