037

969 49 37
                                    

EUPHORIC

"Trick? Papasok ako ah?" sabi ko matapos kumatok ng tatlong beses. This isn't my first time going in here kasi madalas, kapag sinusundo ko si Kuya Trouble, nandito siya kaya nakakapasok ako.

Nakatalukbong siya ng kumot pagpasok ko. Ano bang problema nito?

"Huy, anyare sa'yo? May sakit ka ba?"

I stayed on the side of his bed, standing habang niyuyogyog ko siya. Hindi siya nagpatinag at hindi ako pinansin.

I sighed before speaking. "Balikan na lang kita mamaya, baba muna ako."

"Sige, subukan mong pumunta doon kay Pierce, hinding-hindi na talaga kita papansinin,"

Natigilan ako at inalis ang kumot sa kanya. Masama na ang titig niya sa akin pagkatanggal ko pa lang.

"Ano bang problema mo? Tsaka hindi ka na nagkukuya kay Kuya Pierce?"

Hindi niya na naman ako pinansin kaya hinampas ko na siya ng unan. "Isa, aalis na talaga ako!"

"Edi umalis ka,"

Namuo ang iritasyon ko. "Ah ganon? Okay!"

Malapit na ako sa pintuan nang naramdaman ko 'yung yakap niya. Tinatanggal ko pero kapag binabalik niya, lalo lang hinihigpitan.

"Akala ko ba pinapaalis mo ako? Ba't ka nakayakap sakin?" mataray na tanong ko.

Hinila niya ako paupo sa may edge ng kama niya. Kaya parang nakakandong na ako sa kanya.

"Sorry na, nagseselos lang. . ."

"Tigilan mo 'ko Trick. May Aria ka," sabi ko. Daily reminder ko na 'yung laging pag-iisip na nililigawan niya pa rin si Aria. Na hindi naman talaga ako.

"I don't want to be the third party, or relationship wrecker. Kung hindi lang din naman ako 'yung pipiliin mo, tigilan mo 'yang mga ganyan mo."

"'Wag kang mag-alala, gagawin ko pa rin lahat kung ayaw mong matuloy ang kasal—"

"Fuck, no." pagputol niya sa sinasabi ko.

"There's no Aria, no other fucking man for you, Riri. Ako lang, at ikaw lang din para sakin."

Nilingon niya ang mukha ko tsaka ako hinalikan sa labi. Like the first time he did this, I'm still stunned.

"Hindi ko alam ang magagawa ko kapag napunta ka sa iba,"


~~~
snow:
eut eut eut hAHAHAHAHAHAHAHAHAHHA JOKE LANG PUTA HINDI KO KAYA!1!!2!!

EUPHORIC | jungriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon