068

849 38 16
                                    

Patrick Zayn Siegn
active 3 hours ago

Euphoric Astraea:
uuuy good morning!
nakatulog na ako kagabi eh

Euphoric Astraea:
active 3 hours ago?
ba't ka nagpuyat¿?

Euphoric Astraea:
anw paalis na 'ko hehe
iniwan ako nila pristine T__T
delivered.

•  •  •
EUPHORIC

Tinanggal ko na sa pagka-plug 'yung mga dapat tanggalin bago ako lumabas. Kagaya ng mga bilin sakin ni Pristine, ginawa ko na lahat 'yon.

Nakayuko ako habang papalabas ng gate at tumalikod para derechong i-lock 'yon. Pagkaharap ko, bumungad sa akin si Trick.

Si Trick?!

"B-ba't ka nandito?" tanong ko agad sa kanya. Umagang-umaga nanggugulat!

"Wala bang good morning muna dyan?" natatawa niyang sabi. "I already did! Sa chat," sabi ko.

"Bakit ka nga nandito?" tanong ko at lumapit sa kanya. "Batiin mo muna ako ng good morning, 'yung malambing tapos may kasamang hug tsaka kiss."

Kaya kami nasasabihan na malande ni Serenity eh.

"Daming arte naman," sabi ko. Sumimangot siya kaya tinawanan ko siya.

"Goooood morniiiiing Trick!" sabi ko sa pinakamalambing na paraan na kaya ko at tumalon ng konti bago siya niyakap. He held my hips as he whispered on my ear.

"Nasaan 'yung kiss?"

Nahihiya akong gawin 'yon so I kissed him on his cheeks quickly. Lumayo rin ako agad sa kanya at pumasok sa kotse niya.

Umikot naman siya papunta sa driver's seat at nakita kong nakabusangot siya.

"Drive na, Trick!" sabi ko habang nagpipigil ng tawa. "Tss, mamaya yari ka sakin." bulong niya.

EUPHORIC | jungriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon