071

813 37 7
                                    

EUPHORIC

Kumatok ako sa gate nila at nagulat ako nang bukas pala 'yon. Hindi naman nag-iiwan sila Tita na bukas ang gate ah?

Sumalubong sa akin si Thorn doon na may hawak na pink rose. Nagtaka ako. "Ba't ka nandito? Akala ko may emergency?"

"Naniwala ka agad?" sabi niya at natawa. Inabot niya sakin 'yung bulaklak at tinuro ang glass door, nakita ko si Kuya Trouble.

"Luh, ano ginagawa mo dito?" tanong ko. Nasa bibig niya 'yung bulaklak.

"Yuck Kuya, ibibigay mo 'yan sakin? Kadiri, galing na sa bibig mo." asar ko kaya binatukan ako.

"Dati ako lang may baby sa'yo eh, ngayon baby ka na ng iba. ." sabi niya. Hindi ko alam pero naging emotional ako sa sinabi ni Kuya.

"Oh ba't ka umiiyak? Laki-laki mo na, iyakin ka pa rin." sabi niya kaya natawa ako habang umiiyak.

Niyakap ako ni Kuya habang pinapatahan ako. "Ako lang pwedeng magpaiyak sa'yo ah? Sabihan mo ako kapag pinaiyak ka ulit ni Trick, ako na magpapaiyak doon sa susunod."

"Love you Kuya!" sabi ko bago pumunta ng garden. At doon ko nakita si Trick, nakaabang na may hawak din na bulaklak.

EUPHORIC | jungriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon