057

973 44 22
                                    

EUPHORIC

Konti na lang ang natira sa bahay nila Kuya Pierce. Ihahatid kami ni Thorn sa bahay kaya hinihintay na lang namin siya.

Tumulong ako sa paglilinis tapos si Hiraeth, ayon nakahiga na sa couch. Paano, nalasing eh.

Nakatalikod ako sa may kusina nang may narinig akong footsteps. Inakala kong si Thorn 'yon kaya nagsalita ako.

"Ano, okay na? Alis na tayo?" walang sumagot sa akin kaya humarap ako. Nagulat ako nang makita si Trick doon.

Naghugas lang ako ng kamay bago umalis. Wala naman akong balak magtagal, lalo na nandito siya.

"Excuse me," sabi ko dahil nakaharang siya sa dadaanan ko. Hindi siya umalis kaya nagpumilit ako dumaan. Dahil malapit ako sa kanya, naamoy ko ang alak sa kanya.

"Uminom ka?" hindi ko napigilang hindi itanong. "Advice lang, if you want to live a little longer, 'wag mong araw-arawin 'yung pag-inom."

"Bakit ko gugustuhin mabuhay ng matagal kung hindi naman kita kasama?"

'Wag kang tanga, self.

"Ako 'tong kaharap mo ah, Euphoric 'to, hindi si Aria." I said bitterly.

Hindi siya sumagot pero hindi pa rin siya umaalis sa pwesto niya. Nagsisimula na rin akong mapikon.

"Aalis na 'ko, naghihintay sakin sila Pristine sa bahay. Umalis ka dyan." sabi ko. Tinulak ko siya at nakadaan naman ako, pero hindi pa ako nakakahakbang ulit nahila niya ako paloob sa kusina.

"Hoy!" angal ko. Nakapulupot ang braso niya sa bewang ko at nakaharap ako sa kanya. Tinutulak ko siya at pinapalo pero parang wala lang sa kanya.

"Trick, 'wag mo naman ako paglaruan. Hindi ko naman kayo inaano ni Aria 'diba?" nanghihinang sabi ko.

"Kailan ba kita pinaglaruan, Euphoric?"

"Lagi, Trick. Lagi." sagot ko. Yumuko ako pero inangat niya ang mukha ko.

"No, Riri. Hindi kita pinaglaruan at paglalaruan,"

"I'm sorry for the words I said, wala akong idadahilan kundi hindi ko sinasadyang sabihin 'yon."

"Okay lang, Trick. No need to make excuses. I just h-hope we could act normally, f-friends ganun," I stuttered as I met his eyes.

"Fuck, no. You know I can never be only friends with you."

"I'll take you back, no matter what happens." he said as he kissed me.

EUPHORIC | jungriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon