063

855 38 16
                                    

EUPHORIC

"Ano ba?! Kahapon pa ako nandito ah, bakit ayaw niyo akong papasukin?!" sigaw ni Aria.

'Yun ang eksenang naabutan namin ni Kuya Pierce pagkadating ko sa hospital. Mukhang pinipigilan siya ni Thorn pumasok sa kwarto ni Trick.

"Aria, again, hindi naman ako 'yung may ayaw na makita ka. Binilin sa akin ni Trick na 'wag kang hayaan na pumasok."

"No, I don't believe you!" sabi niya. Nang umabot kami sa kanila, agad na natahimik si Aria nang makita si Kuya Pierce.

"I'll go in—"

"Thorn already told you that Trick doesn't want to see you, right? Anong hindi mo maintindihan doon?" pagpuputol ni Kuya Pierce.

"A-anong pake m-mo?! Hindi naman i-ikaw 'yung g-gusto ko makita eh!"

Pumikit ng mariin si Kuya at hinila si Aria papalayo sa amin. Nagulat ako kasi ngayon ko lang sila nakitang mag-usap— more like mag-away.

"Buti naman at wala nang maingay, kanina pa 'yon eh," sabi ni Thorn. "Pasok ka na sa loob, kaya lang tulog pa eh. Bili lang ako pagkain."

Trick was really sleeping when I came in. Out of boredom, I played with his hair. Hindi ko maiwasang ngumiti nang maalala ko 'yung dati. 'Yung okay pa kami.

His hand suddenly grabbed mine, kaya napatigil ako. Shit, nahuli pa.

Hinayaan ko lang 'yung kamay niya, pero nagsalita na ako. "May kailangan ka ba? Pwede ko pa i-text si Thorn bago siya bumalik dito."

Nanatili siyang nakapikit habang hawak pa rin ang kamay kong nakababa na.

"Nga pala. . . nandito si Aria kanina, gustong pumasok, ba't sabi ni Thorn binilin mo daw na 'wag siyang payagan?"

"Ayoko sa mga naninira." sagot niya.

"Grabe ka naman sa girlfriend mo," pabiro kong sabi sa kanya.

"Bakit? Grabe ba ako sa'yo?"

"Alam mo kung wala ka lang mga sugat o pasa, hinampas na kita." sabi ko kaya tumawa siya. "Let's not talk about her, nababad trip ako."

~~~
snow:
enlo heheheheh sabaw ud para lang matapos ko na 'toooo c:

'pag ba ginawan ko ng story sila aria tsaka pierce susupport niyo¿? HAHAHAHAHA tkl ( tanong ku lang )

EUPHORIC | jungriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon