056

848 41 2
                                    

EUPHORIC

"Weh si Ri, may hinahanap, kanina palinga-linga," epal na sabi ni Hiraeth.

"Gaga, wala ah."

"Pierce, hoy! Tara nga dito." tawag niya kay Kuya. Napapaisip talaga ako kung  ba't si Hiraeth pinakaclose ko.

"Aalis na lang ako, hindi mo pa rin ako tinatawag na kuya, alalahanin mo naman na mas matanda pa rin ako!"

"Okay, Lolo Pierce—"

"Umuwi ka na, Hiraeth Algea!" iritang sabi ni Kuya Pierce kaya humagalpak si Hiraeth sa tawa.

"Ri, kung ako sa'yo kay Serenity ka na lang dumikit, mahahawa ka sa babaeng 'yan eh,"

"'Wag, magiging bitter din 'yan sige ka."

"So Lolo, nasaan ba 'yung magaling mong kapatid? Hinahanap ni Ri eh, kanina pa."

"Hoy, hindi ah!" tanggi ko. Slight lang.

"Ewan ko nga rin doon eh, basta alam ko lang may pumuntang babae dito kanina, Madelline yata pangalan? Saglit lang naman siya, pero pagkatapos 'non, umalis agad si Trick, hindi nagsabi. ."

Nagtaka ako. Ba't pumunta si Madelline dito?

"Hindi alam nila Thorn?" tanong ko. Umiling si Kuya at may tumawag sa kanya, kaya umalis muna siya.

Umalis ako para hanapin si Thorn, medyo nag-aalala pa rin naman ako kay Trick.

"Thorn!" tawag ko. At ang magaling na lalaki, may kaakbayan pang babae. Tsk tsk.

"Uy, Ri! Bakit?" tanong niya. Iniwan niya muna ang babae at nakita ko pang umirap sakin. Nako, 'wag ako ang irapan mo.

"Si Trick? Alam mo kung nasaan?" tanong ko.

"Uhh. . . huling usap namin sabi niya pupunta daw siya kina Aria. . . hindi ko alam kung ano. . kung natuloy ganun. . ."

Ah, kaya naman pala wala dito. I thought bitterly.

"Ah, sige salamat na lang." huling sabi ko bago siya iniwan.

EUPHORIC | jungriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon