Chapter 4:Past

501 19 0
                                    

Nagising ako dahil sa  liwanag ng araw sa mukha ko,kinusot kusot ko muna mga mata ko at umunat, tumingin ako sa kama pero wala akong nakitang tao,wala na si Kyan...baka umalis na..
Bumangon ako at tumingin sa wall clock ko...6:45 a.m,,,,pumasok muna ko sa cr at nag hilamos at mouth wash pagktapos ay nag palit ng damit pan jogging,suot sando, short,at rubber na sapatos...
Tingin sa salamin..
"Gwapo mo talaga Julian"- puri ko sa sarili ko
"Cute nalang pala,para medyo humble Tayo"- ako ulit..at lumabas na sa kwarto....
.na abotan ko sila mama at papa na nag aalmusal sa kusina,kaya tinanong ko si mama kung naka uwi na ba si Kyan...kanina pa daw mga 4 sabi ni mama,pinag almusal muna Ni mama bago umalis...
Aga namn umalis..may lakad siguro..
"Halika ka muna dito anak,mag almusal ka muna.."- mama
"Mag babaon lang po ako ng isang tinapay ma,mag Jo jogging po kasi ako at mag je-gym"- sabi ko at kumuha ng tinapay
"Ingat ka anak"- mama , ngumiti lang ako at umalis na...pagkalabas ko ng bahay ay nag umpisa na akong mag jogging...
Perfect outfit
Blue sando
Black short
At saptos na puti.
Plus headphone on my head...
Kaya ang mga babae na nag jo jogging palingon lingon sakin...
Hindi sa nag mamayabang ha pero..gwapo namn talaga ako.. inside and outside...
Hehehe,marami narin ang nag Sabi niyan sakin.. totoo nman Kasi..pero syempre remain humble...
Gwapo si papa maganda si mama, alangan namn sa mama at papa niyo ako mag mana diba?? Syempre sa kanila...
Jogging jogging lang ako habang kumakain ng isang tinapay at nakikinig sa music...
.
.
.
.
.
"Kyan POV"

Maaga palang noong umalis ako kina Julian,kasi baka magalit na sila Lola at mama...pero pinag almusal muna ako ni tita bago pinaalis...
Napag usapan namin ni tita ang tungkol sa relasyon namin ni Julain,(relasyon talaga?😂)
akala talaga daw ni tita kami noon...
Pero lagi ko naman sinasabi kay tita na bespren lang kami ni Julian...
Kaya nang tumagal eh naniwala na din siya samin..pinag titripan lang daw niya si Julain kapag magkasama kami..kasi cute daw tingnan si Julian kapag tinutukso...
Totoo namang cute ng bespren ko, magiging bespren ko ba yun kung hindi cute tulad ko,hehehe😂

BTW I am Kyan Terens Cleford , I'm 18 years old, Senior high school student StEm b in Caibiran Academy...I am cute,at syempre pogi hindi yun maipag kakaila kanino man..😂😂 joke lang po...
(Thanks nga pala otor Jhanz😊 dahil nakapag pov agad ako)

Nasa bahay ako ngayon katatapos ko lang maligo,mabuti at hindi ako pinagalitan ni mama kanina pag uwi ko, nag text rin naman ako kay mama na kina Julian ako matutulog kaya hindi talaga si mama magagalit..Alam namn ni mama kung sino si Julian at anu ko yun...
Matapos Kong magbihis ay lumabas na ako sa kwarto at nag tungo sa sala...ako nalang mag isa  ngayon dito bahay Kasi busy sila mama at papa Pati na si lola sa mga business nila... Maaga palang umaalis na sila..
Kaya laging tahimik Ang bahay..
Binuksan ko ang tv at nag simulang manood...

Ringgggg*
Ringgggg*
Ringgggg*

Tunog na cp ko,naka patung sa lamesa kinuha ko at nakitang si mama pala Ang tumatawag Kaya sinagot ko agad..
"Hello ma"- Sabi ko sa linya ko
"Anak,?"-mama
"Po ma?"- ako
"Anak pumunta ka ngayon sa airport, dahil darating ang pinsan mo ngayon,ikaw nalang Ang mag sundo sa kaniya dahil busy kami Ng papa mo ok?"- mahabang Sabi ni mama
"Ok po ma masusunod po"- Sabi ko namn
"Ok cge gamitin mo Yung kotse NG papa mo,bye"- mama
"Bye ma"- ako at binaba na Ni mama ang Tawag...

"Hayst"- bulong ko sa hangin,darating na naman ang pinsan ko,sana'y hindi na pasaway tulad ng dati..pinatay ko na ang tv at nag ayus ng sarili...
Kinuha nag susi NG kotse sa lalagyan Ni papa at nag drive na patungo sa airport...

*Airport*

"Anu ba naman Yan,seryoso?,dito tayo  nagpunta?"- Tanong ni Julain sakin..
Kanina pa yan tanong ng tanong Kung saan kami mag pupunta ,kung Anu gagawin namin Doon,uuwi  ba agad kami..o anu pang mga katanungan,Hindi ko siya pinansin..panay oo at Hindi at smile lang ang mga sagot ko sa mga tanong niya sakin..

Perfect Destiny(ONGOING/ UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon