19 Silence

443 14 10
                                    

Chapter 19: Silence

Hindi ko alam kung anu ang mararamdaman ko, ng makita ko ang matandang ambassador kanina sa school nasa harap ko ngayon.

"Mano po tito" si Kyan lumapit kay papa't nag mano, ganun din sa matanda. Tumingin ai Kyan sakin pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ko, kaya bumalik ako sa katinuan saka nakapag react.

"Pa?, sino po siya?" Tanong ko kay papa dahil nais kong malaman kung totoo ba ang narinig ko.

"Siya ang lolo mo, siya ang ama ko" tugon ni papa, at tama nga totoo nga ang sinabi niya kanina.

Pero wala akong maintindihan, eh dati rati ayaw na ayaw ni papa pag usapan yung lolo at lola ko, lagi lang kay mama ang pinag uusapan namin at minsan nag babakasyon din kami sa lolo ko na ama ni mama, pero kay papa wala.

Naalala ko pa noong bata pa ako, tuwing family days namin sa school yung mga ka klase ko dala nila ang lolo't lola nila. Ako wala, kasi malayo ang bayan ng ama't ina ni mama. At gaya nga ng sabi ko ayaw ni papa pag usapan yung tungkol sa ama niya.

Then suddenly, may isang matandang ambassador na mag papakita at ipapa kilala ni papa sakin na lolo, Hirap naman paniwalaan.

"Apo" tugon ng matanda at yumakap pa sakin. Hinayaan ko lang siya, hindi ko parin kasi ma intindihan masyado eh.

"Dad," tawag ni papa sa matanda at bumitaw naman ito sakin at lumingon kay papa.

"Dad siya si Julian ang anak ko" pag papakilala ni papa sakin sa matanda na lolo ko (kuno)

"Nak siya ang lolo Manuel mo, alam ko na hindi mo ngayon na iintindihan ang lahat, ipapaliwanag ko sayo mamaya" tugon naman ni papa sakin.

Tapos dumating naman si mamang may dalang juice at cookies na sa wari koy ka be bake palang niya.

Nag mano muna ako kay mama nang ma-ilagay niya ang dala niya saka umalis at nag tungo sa kwarto, akmang isasarado ko na sana ang pinto ng pumasok rin si Kyan na nakalimutan kong kasama ko pala.

"Jul, are you ok?" Tanong ni Kyan sakin ng ma isarado niya ang pinto.

Tumingin ako sa kaniya, at nakita ko sa mga mata niya ang pag aala.

Tumulo na naman ang mga luha ko, nag halo halo na kasi ang emosyon ko. Alam din ni Kyan ang tungol sa lolo ko na ama ni papa, kasi dati nag kukwento ako sa kaniya.

Naiingit kasi ako dati sa kaniya na may lolo't lola siya, habang ako hindi ko alam at hindi ko kilala.

Naramdaman ko nalang ang yakap ni Kyan sakin, at hinayaan niya akong umiiyak.

"Yan, nandito lang ako hindi kita iiwan sanay wag mong kakalimutan yan" pabulong na sabi ni Kyan sakin.

Bakit ba naman ako na sasaktan ng sobra ngayon eh boyfriend lang naman yun madami pa naman yan.

Pero hindi eh, iba pag mahal mo masasaktan at masasaktan ka talaga pag nakita mo siyang may kahalikang iba.

"Kyan, dapat ko na ba siyang hiwalayan?" Tanong ko nalamang kay Kyan

"Yan tandaan mo, ikaw ang nag mamahal, ikaw lang ang makapag didisisyon para sa sarili mo" sabi niya

"Kahit sinong tao ang mag bigay ng disisyon para sayo, yung disisyon mo parin ang mananaig, dahil ikaw ang nakaka alam kung anu ang dapat mong gawin, at alam mo kung anu ang mag papaligaya sayo" sabi pa niya sakin at yumakap namn ako ng napaka higpit sa kaniya.

"Salamat bespren" sabi ko sa kaniya.

Nasa ganung posisyon kami ng biglang may kumatok sa pinto. Kumawala si Kyan sa yakap ko at nag tungo sa pinto.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 12, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Perfect Destiny(ONGOING/ UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon