13:I Love You

291 17 1
                                    

Kyan's Pov

Matagal-tagal na simula noong huli kong nakasama si Julian, I miss him I really miss him. Pero kailangan kong mag ingat para sa ikabubuti ng lahat, kailangan kong umiwas para sa kalagayan niya, and it's really breaking my heart knowing that the one you love was in love to someone little by little.

Bakit ba kasi kailangan niyang mag balik, bakit kailangan niyang mangulo, ok lang sana kung ako lang pero dina damay niya si Julian, dinamay ni Prince si Julian sa kasalanang nagawa ko sa kaniya, sa kasalanang ako lang dapat ang mag babayad, hindi lang si Julian ang dinamay niya pati narin pamilya niya at hindi ko papayagan yun. Matagal tagal ko ng hindi pina pansin si Julian dahil yun kay Prince, dahil sa isang kasunduan...

Flashback:
Gabi na ng matapos ang practice namin para sa ms and mr Academy, dumaan muna ako sa locker ko para iwan ang mga ibang gamit ko, palabas na sana ako ng building ng harangin ako ng isang pamilyar na tao,
"How are you?"-  si Prince, titig na titig siya sa mga mata ko ganun din ako ng walang kare a reaksyon ang muka, hindi ko siya pinansin nilagpasan ko lang siya
" I miss you, I miss you so much" tugon niya natigil lang ako saglit at tiningnan siya sa mga mata niya, gaya ng dati ganun parin ng mga mata niya hindi nag sisinungaling, alam ko yun dahil bespren ko siya at halos sabay na kaming lumaki
"Bakit kapa nag balik?"- tanong ko sa kaniya habang naka tingin sa mga mata niya pero ngiti lang ang naging tugon niya, ngiting hindi ko pa nakita kailan man mula sa kaniya,
" Sabi ko naman sayo diba, dadalhin din ako ng tadhana sa harap mo, para pag bayarin sa mga utang mo sakin," sabi niya
"I'm back Kyan my love"- dugtong niya sabay ngiti
"Prince!".... 
" di mo na ako mapipigilan," pag-putol niya sa sasabihin ko
"di mo na ako madadaan sa mga paawa effect mo, you deserve to be hurt too, you deserve what I'd feel too"- sabi niya sa seryosong muka
" Sorry di ko sinasadja yun, walang may gustong mangyari yun Princes"- saad ko sa kaniya ng mahinhin
"Hahaha, kalokohan, Kita ko kung paano mo binaril si mama, kitang kita ng dalawang mata ko Kyan,"-  Sabi ni Prince na seryoso parin ang muka, naalala ko na naman ang nangyari noong araw na yun, parang bumabalik ako sa araw na yun, na nginginig ang katawan ko ngayon, takot ba ako dahil nandito si Prince o bumabalik yung trauma ko dati,
"Umalis ako Kyan kasi ayaw kong saktan ka dahil mahal kita, umalis ako at pilit ko nalang kinalimutan ang nangyari, pero bumabalik lahat ng yun sakin, bumamalik lahat ng sakit at pangyayari noon,"- saad ni Prince sa basag na boses alam kong umiiyak siya di ko lang masyadong nakikita kasi hindi na sisilawan ang muka niya ng ilaw, gusto ko siyang yakapin pero na duduwag ako,
" I warn you,kung ayaw mong madamay ang taong mahal mo layuan mo siya,"- tugon nito
"Bakit pati siya?"- tanong ko sa kaniya,  hindi ko na alam kung anu na ang mararamdaman ko ngayon  bakit siya nagka ganito
"Dahil gusto ko, isapa alam kong mahalaga siya sayo kaya gagawin ko lahat mag dusa kalang, wag kang gagawa ng kalokohan kung ayaw mong may masaktang iba"-  pang babanta niya sakin at umalis na ito na iwan naman akong naka tunganga sa kawalan, matagal muna bako nag sink in sa utak ko lahat ng sinabi niya bago ako tuluyang lumabas.
End of flashback

Nag ring na ang bell kaya lumabas na ako, kanina pa talaga lutang ang utak ko buti nalang hindi iyon na papansin ng guro namin, namiss ko na ding antayin si Julian sa labas ng room nila, hindi ko alam pero nag seselos ako pag nakikita ko si Mike at Julian, alam kong gusto ni Julian si Mike sana lang hindi saktan ni Mike si Julian dAhil pag nangyari yun ako papatay sa mokong na yun kahit tropa ko pa yun, kalalabas lang nila Julian sa classroom nila kaya nag tago muna ako sa gilid ng building para hindi nila ako makita kasama niya si Sophia at Mike, pati narin si Chelou at Roselyn, aalis na pala sila bukas si Roselyn at Chelou babalik na sila sa state si chelou babalik dun kasi nagka problema sa company ng tito niya at emergency daw sabi ni Roselyn, si Roselyn naman tapos na ang binigay ni tita na bakasyon kaya balik na namn siya ...
Naka sunod lang ako sa kanila pero di masyadong malapit kasi baka mahuli nila ako, ayaw ko nang kulitin ako ni Julian kaya di na ako nag papakita sa kaniya, ayaw kong madamay siya sa kasalanang ako hindi niya ginawa.
Nakita kong pumasok sila Julian sa cafeteria kaya umalis na ako, sa labas nalang ako kumain para iwas sa problema kasi pag nakita ako ni Julian problema yun makulit yun at hindi yun titigil hanggat hindi ako nag sasalita.
Nasa canteen ako ngayon sa harap ng campus namin maraming studyante ang kumakain dito lalo na pag puno na ang cafeteria, umurder na ako ng pagkain at pagkatapos ay humanap ng upuan at nag hintay sa order ko ng makita ko si Richelle na may kausap na isang lalaki, nag ka tampuhan kami ni Richelle noong gabi nang foundation day namin, hindi ko alam nag selos pala siya samin ni Julian sabi niya mukang gusto ko daw si Julian lagi ko daw bukang bibig si Julian at noong gabing iyon sin ag napansin niya raw na lagi akong naka tingin kay Julian. Pauwi na kami ng sabihin niya sakin lahat ng yun, nasasaktan daw siya, sinabi ko naman sa kaniyang gagawin ko ang lahat wag lang siya mag selos pinaliwanag ko din sa kaniya na bespren lang ang turingan namin ni Julian pero ayaw niyang maniwala, ramdam daw niyang mahal ko si Julian at hindi ko naman maikakaila iyon, pero sinabi ko parin sa kaniya na talagang mag kaibigan lang kami ni Julian na wala kaming relasyon. Pero hindi siya nakinig, sinabi niya sakin na hanapin ko daw muna ang sarili ko, itanong ko daw muna ang puso ko kung anu ang gusto at kung sino ang mahal ko bago daw ako mag patuloy sinabi ko lang sa kaniya na siya ang mahal ko pero talagang nag matigas siya, sunod niyang sinabi ay "she need space", una hindi ko matangap yun pero nirespeto ko ang disisyon niyag iyon.

Dumating na ang order ko tumayo muna ako para puntahan si Richelle at yayaing kumain,
" Lab, kumain kana?"- tanong ko kay Richelle ng makarating ako sa table nila, pero tinitigan lang niya ako, pagkatapos ay tumayo yung lalaking kasama niya at humarap sakin...

"Pre, girlfriend ko yang nilalandi mo, may problema kaba?"- tanong nito sakin na hindi ko matangi na gwapo ito kupara sakin.
" babe, umupo ka kaibigan ko siya"- pakiusap ni Richelle sa lalaki
"Kyan umalis kana, nakita mong may ka date ako please tigilan mo na ako,wag mo na akong kukulitin"- tugon nito at umalis na din ako doon di na ako kumain di narin ako pumasok nag punta ako sa isang lugar na ako lang ang nakaka alam, lugar kung saan pwede kong ilabas lahat ng nararamdaman ko ngayon lahat ng bigat na nararamdaman ko.

Bakit sobrang sakit, ganun pala talaga yun no sobrang sakit makita na yung taong mahal mo may mahal ng iba, bakit kailangan tayong ipagpalit, bakit kailangan pa natin masakat pag nag mamahal.

Naka upo ako ngayon sa ilalim ng puno at patuloy na tumutulo ang mga luha dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon..

Mag gagabi na pero wala parin akong ganang umuwi, wala paring lakas ang katawan ko para tumayo, naka higa na ako at naka tingin sa kalawakan, sobrang sarap sa pakiramdam makita kung ganu kaganda ang araw na malapit ng lumubog kasabay nito ang unti unting pag labas ng mga bituwin.

Nasa ganun akong pusisyon ng bigla akong may narinig na kaluskos ng mga dahon at damo,kaya bumangon ako at napalingon ,gulat akong napatayo ng may nakita akong lalaki sa harap ko ngayon.

" buti nalang di ko parin na kakalimutan ang lugar na ito" sabi nito at unti unting lumapit sakin
"Anu problema mo ha, loko ka ba, bakit di moko pina pansin nitong mga nagdaang araw, kala mo ba di kita na mimiss, bwisit ka, anung klase kang bespren ha, sumagot ka wag kang tutunganga"- sermon nito sakin...

Bakit bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa puso ko, bakit biglang sumaya ang puso ko ngayon, namimiss ko na tong bespren kung ito. Gusto ko siyang yakapin at sabihin kung ganun ko siya na miss..

" sorry"- wala akong lakas na gawin yun sa kaniya pero ang saya ko ngayon dahil sa kaniya, bumalik na ako sa pag upo at tumingin sa kalawakan sabay ngiti

"Bakit di moko sinama dito, Hoy Kyan kausapin moko, wag kang ngingiti ngiti jan para kang baliw" - sabi nito sabay upo sa tabi ko
" salamat Yan dahil nandito ka para sakin, kahit ang gago ko" sabi ko sa kaniya at ngumiti ng napaka lapad, bigla nalang niya akong yinakap at niplos ang likod ko
"Abnormal ka pero bespren parin kita, pero sana naman sa susunod na may problema ka sabihin mo sakin, namiss kita"- sabi ni Julian at pagkatapos ay bumitaw na siya sa pakayakap sakin

" sorry na, hehehe" tanging nasabi ko at kinurot ang pisngi nito dahil sa ka kyutan
"Aray, bwisit ka"
"Hehehe"
"Wag ka nga tawa ng tawa jan para kang baliw, umuwi na tayo" sabi ni julian at akmang tatayu na siya ay bigla kong hinawakan ang kamay nito at hinala pabalik sa pag upo
"Salamat ng sobra Yan, salamat kasi hanggang ngayon nanjan ka parin para sakin, kahit minsan sinusungitan kita, salamat Yan sana hindi ka mag bago salamat bespren" saad ko habang naka titig sa mga mata niya, ang kyut ni Julian sobrang na aattrac ako sa kaniya,

Bigla niyang hinawakan ang pisngi ko at timitig sa mga mata ko, sobrang sarap sa pakiramdam, hindi ko mapaliwanag kung anu tong na raramdaman ko pero ang saya ko sa tuwing nakikita ko siya, lalo na pag kasama ko siya

"Hindi kita iiwan hindi ako mag babago,lagi lang akong nasatabi mo, pag kailangan moko nandito lang ako, wala akong balak iwan ang isang tao na mahalaga sakin" sabi nito na nagpagalaw ng nga paro-paro sa mga teyan ko kung meron man pero yung ang naramdaman ko
" I Love You Kyan, at di yun mag babago kilanman"- natulala nalang ako at nag pabalik balik ang mga huli niyang sinabi... Sobrang saya ko tanging saya nalang ang naramdaman ko ngayon, sayang sa kaniya ko lang naramdaman

Mahal ako ni Julian, I love You too Julian.....

______________________________________
Itutuloy....

please vote and leave comments po
Alabyo all❤

Baka matagal-tagal muna bago makapag update si author, pero sana mag antay po kayo, sana hindu kayo tulad NIyA na sumusuko agad, hahaah joke lang...

So ayan na...kunting tiis lang mga bebe labs, mahal ko kayo...

Kailangan pa itong e edit, kaya sorry po sa mga errors sa simula palang..
Hope you support this story unlit the end
Maraming salamat po sa into❤

Perfect Destiny(ONGOING/ UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon