Pag mahal mo pahalagahan mo, baka mag sisi ka pag wala na siya sa piling mo- jhanz
Chapter 16: First Date
Prince's Pov
Papasok na ako sa classroom ng makita ko si Kyan kasama si Julian, agad na uminit bigla ang ulo ko dahil sa kanila. Ayaw talagang sumunod sakin ang isang to, hehehe di natatakot tingnan nalang natin. Pagkausap ko da hangin ng makita kong hinalikan ni Kyan si Julian na nag palabas ng kilig sa muka nila pariho at biglang tumakbo si Kyan palayo habang kinikilig.
Kaya dali-dali akong umalis at nag short cut para mas mauna ako kay Kyan. Inabangan ko siya sa may likod ng medyo madilim na classroom na di na masyadong gina gamit. Nang makalapit na siya sakin bigla kong hinila ang kamay niya pa pasok sa loob, dahil sa malakas ako nahila ko siya ng maayos at bigla kong tinutukan ng baril na laging nasa bag ko.
"Prince!" Gulat niyang sigaw ng makita ang muka ko at hawak kong baril. Ngumiti muna ako bago ko siya sinagot.
"Kyan Terence, hehehe mukang hindi ka na tatakot ah, di ka madala dala sa isang paki usap lang" naka ngising sabi ko sa kaniya, kita ko naman ang takot sa mga mata niya pero mukang matatag parin siya."Prince, look! I'm sorry okay, di na muling lalapit kay Julian, basta wag---
" shut up!" Pag putol ko sa kaniya
"Wala akong paki, hahaha isa pa wala na akong paki alam kung lumalit kapa sa kaniya, hahaha isang kalabit lang naman yang mga mahal mo eh" patuloy ko pa at kinuha ko ang cellphone ko at pinakita ko sa kaniya ang wallpaper ko, na mas nagpa laki sa mga mata niya."Si Mi--mike at IKAW?"
Kyan's Pov
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang larawan sa cellphone ni Prince na nasa harap ko ngayon habang tinututukan ako ng baril.
"Si Mi--mkie at IKAW?" na ibulalas ko nalang dahil sa gulat, ngumiti lang si Prince ,yung ngiting nakaka asar."Wag kang gagawa ng kahit anong kalukohan" banta niya sakin at ipinakita pa niya sakin ang baril na hawak niya at hinipan ang labasan ng bala nito.
"Di mo na kilala ang bagong ako, di mo alam kung anu na ang mga kaya kong gawin" naka ngiti nitong banta sakin pagkatapos ay isiniksik na niya ang baril niya sa may likuran sa loob ng pantalon niya at umalis na, habang ako naiwang naka tulala at pilit na iniisip lahat ng mga sinabi niya sakin.Lutang akong pumasok sa classroom, hindi ko rin na intindihan ang lecture namin. Tila ba na wala ako sa natura kong isipan. Ng dahil sa picture nila Prince at Mike.
Bakit naka halik si Mike kay Prince sa litratung yun. Tama siya hindi ko na nga talaga kilala ang Prince ngayon.
Pero ang problema ngayon kung anu ang balak ni Mike kay Julian, o ano ang balak ni Prince sa kanila.Ahhhhhhh shitt. Bakit kailangan ni Prince mangdamay ng ibag tao.
Hindi ko alam kung anu ang gagawin ko, alam kung walang kapatawaran ang nagawa ko sa kaniya. Pagkatapos ng buong mag hapon ay umuwi nalang ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko pagkatapos nang pangyayari iyon.Julian's Pov
Pagkatapos ng klase namin ay niyaya ako ni Mike na mag punta sa Mall, sinabi ko sa kaniya na mag papa alam muna ako kina mama kaya ang nangyari, ito kasama ko siya ngayon I mean hinatid niya ako sa bahay para narin daw makilala siya nila mama at mag paalam sa kanila.
"Oy anak najan kana pala ang aga mo naman" bungad ni mama ng makita ako sa sala
"Oh may bisita ka pala anak" si mama ng makita niya si Mike , nag mano naman si Mike kay mama.. Aba batang to duma da moves
"Ang galang mo naman iho," puri ni mama kay Mike, ngumiti naman si bilang sagot kay mama
"Honey yung anak mo may bisita lika ka dito" tawag ni mama kay papa kaya ilang segundo palang nasa harap na namin si papa.
![](https://img.wattpad.com/cover/166683449-288-k516145.jpg)
BINABASA MO ANG
Perfect Destiny(ONGOING/ UNEDITED)
HumorSubaybayan Ang kwento ng isang lalaki na umaasa sa perfect destiny...magiging maganda Kaya ang kanyang Tadhana?? Ang kwentong ito ay isang kalokohan para ibang hindi tangap ang LGBT community, pero napaka malaking aral ito para doon sa mga bukas ang...