2.1

200 1 0
                                    

Alas singko na nang hapon nang mapansin niyang kanina pa hindi mapakali ang kasama niya

''arianne ok ka lang ba?'' wika niya saka niya pinaikot ang upuan niya para harapin ang katrabaho niya sa work station nito

'' ipapasa ko na kasi ito kay sir grey ei, alam mo naman yun pag nagcritic hindi lang critic ei as in talagang wasak pati puso ko'' wika nito habang kagat kagat na nito ang hinlalaking daliri nito naging mannerisms na nito tuwing magpapasa ito ng story nito sa editor nito, 

ang pinakamarahas pinakamasungit at pinakagago nilang editor(pero pwede na ding pinakamasarap)bulong ng isip niya na agad niyang winaksi.

Siya at si Arianne ay parehas na writer ng isang pamosong novel publications sa bansa, matapos niyang grumaduate ng college ay pinasok niya ang pagsusulat kahit pa labag yun sa kalooban ng mga magulang niya.

Si Arianne naman na kababata niya noon ay ganon din ang ginawa nagkataon na matapos ang ilang taong paghihiwalay dahil sa ibang lugar sila pareho nagkolehiyo ay nagkita sila at parehas na natanggap sa nasabing kompanya at pangalawang taon na nila ngayon, 

pero sa tinagal tagal nang dalawang taon hindi pa rin niya maintindihan kung anong sapak ang meron ang editor ng kaibigan at kung tratuhin ang mga kwento nito ay parang basura kahit na wala naman siyang nakikitang mali sa mga yun.

Mabuti na lang talaga at hindi siya napunta sa editor na yun

Pero aminin mo jass yummy si sir grey,gwapo,matalino,at malaki ang ahmmm

Agad niyang nahampas ang ulo dahil sa kung ano anong naiisip niya ngayon, kumuha na lang siya ng tissue at binigay iyon sa kaibigan

''Tol punasan mo na yang daliri mo mamaya mabasa pa yang ipapasa mo mas mapagalitan ka pa'' wika niya rito saka siya muling bumaling sa station niya at kinuha ang yakult doon

''oh pampatanggal nerbyos'' sabay abot niya sa kaibigan ng inumin na yun agad naman itong ngumiwi ng makita kung anong binigay niya

''seryoso jasmine? Yakult? Kung alak sana to e di naging pangtanggal nerbyos na'' wika nito pero ininom pa rin naman nito

''hindi daw pero tinungga mo naman tsaka hapon pa lang Arianne inom na?? Buti sana kung matutulungan ka non na paamuhin yung leon mong editor'' wika niya sa kaibigan bago umayos ng upo sa station niya

Mabuti na lang mabait ang editor niya si maam luz isa ito sa mga magigiliw na editor ng kompanya nila at halos lahat ng writer na under dito ay tinuturing nitong sarili nitong anak

Agad namang napahiga ang kaibigan niya sa station nito saka umatungal

''jasmine 2 years na tayo dito pero magkaibang magkaiba na tayo ng agwat wahhhhh'' hagulgol nito

Napakamot na lang siya ng ulo, ito na maglilitanya nanaman ang kaibigan

''sabay tayong pumasok pero ikaw nakaapat na libro ka na, sikat ka na nga ei at halos lahat yun magrereprint nanaman pero ako kahit isa wala! puro section write ups lang at writing sa site, hindi gawain ng writer dapat yun dapat sa creative department yun'' litanya nito na halos memorize na rin niya sa isip

Hindi naman niya naiisip na sikat siya o kung ilang libro na ang naiprinta na sa ilalim ng pen name niya nagpapasalamat na lang siya dahil binibigyan talaga siya ng laya ng editor niya sa lahat ng desisyon at plot na gagawin niya, lagi itong may tiwala ,hindi kagaya ng editor ng kaibigan niya laging naghihinala, laging galit ,laging masama ang loob.. teka hindi kaya pinaglihi yun sa sama ng loob?

Jass ang gwapo namang pinaglihi sa sama ng loob yun

Bulong ulit ng isang parte ng utak niya na ikinakunot ang noo niya

My Writer My LoverWhere stories live. Discover now