25

22 0 0
                                    

Jasmine's Pov

Habang papaalis ng opisina niya pakiramdam ko nagsisikip lahat ng ugat ng puso ko

Ang bawat isang himaymay ng laman ko ay nanginginig habang inaalala ko ang boses ng pagsamo niya

Paano?

Paano ko sasabihin sa kanya na gusto ko siyang makasama pero natatakot ako na piliin niya ko dahil lang sa tawag ng katawan na pareho naming hindi mapigilan

Paano ko sasabihin na maaring hindi ako maging sapata sa kanya

Paano ko sasabihin na maraming babae ang kayang pumalit sa pwesto ko sa puso niya

Paano ko sasabihing alam ko ang pinagdaanan niya sa mga kuya ko nang hindi niya ako kinamumuhian dahil wala akong nagawa para sa kanya

My heart is full of fears

Takot akong mawala siya kaya pinakawalan ko na

Takot akong sabihin niyang wala akong nagawa para sa kanya

Takot ako na sa tuwing makikita ko siya bibigay ang tuhod ko at magiging makasarili para kunin siya ulit

Mahal ko siya

Mahal na mahal pero bakit ang daming nasa gitna

Bat ang daming iniisip at emosyon na dapat wala naman

Bakit ang daming nangyari na hindi inaasahan

Napasandal ako sa pintuan nang makaabot ako sa roof top

I wanna be with him

Pero ang labo labo na nang lahat

He's engaged, he deserves the best

And im not that lalo pa sa takbo ng estado ng utak ng mga kuya ko

Dun pa lang hindi na ako para sa kanya

Bat ba ganon ang tadhana kung sinong gusto mo siya pa yata ang hindi para sayo

I can feel my tears slowly running down towards my cheeks

Yep this freaking hurt

Ganito pala magmahal , ganito pala pagbinigay mo lahat sa isang tao

Ganito pala ang sitwasyon ng mga sinasabi nilang pinagtagpo pero hindi itinadhana

I cant help but muffle my screams as im crying

Bakit ang sakit sakit magmahal?

Hindi niya namalayan nakaupo na siya ng tuluyang habang umiiyak

She never cried this hard before and she fel her heart being crushed into a million pieces

''Bruha.....''

Isang boses ang narinig niya at nakita niya si arianne sa likuran niya

''Ari....'' Hindi na niya napigilang mapahagulhol

Tumakbo naman ito at yumakap sa kanya

Simula pa noon wala nang nakakaita sa mga iyak niya at hagulhol kundi ito at ang kanyang ina

Alam kasi niya na kapag sa mga kuya niya siya umiyak kahit na maliit na bagay lang ay magiging malaking isyu mahal niya ang mga kapatid niya pero alam niya kung gaano ka o.a ang reaction ng mga ito pagdating sa kanya

Hinahaplos nito ang likod niya kagaya ng dati sa tuwing inaalo siya nito

''Tahan na..'' wika nito at lalong nadurog ang puso niya

My Writer My LoverWhere stories live. Discover now