Hindi ako makahinga
Hindi ako makagalaw
Makita ko pa lang ang mukha ng kuya ko
alam ko ng may kapupuntahan nanaman ang lahat ng nakita nito
''ano-ahmm-a ku-'' wika niya na hindi natuloy ng nagsalita ito agad
''you have 15 seconds to get the hell out of this room man,kung hindi ka lalabas makikita mo ang nanay namin na principal, tatay namin na nominated as next chief justice at ang mga kapatid namin na kagaya kong abogado they can easily torn you to pieces, if you still treasure your life dude susundin mo ang payo ko'' wika nito sa lalaki sa harap niya
Agad naman itong tumayo at nakipagkamay sa kuya niya na ikinakunot ng noo niya
Bago ito lumabas ay kumindat pa ang boss niya sa kanya
Iiling iling naman ang kuya niya sa tabi saka nito sinara ang pinto
Agad siyang napaayos ng upo at ng damit
Inilagay nito sa sofa ang bag nito
At tinitigan siya nang magkakrus ang mga braso
''kuya'' wika niya rito
Saka siya nagpout
Kagaya ng dati ito ang paraan niya para pabigyan siya nito at ng nanay niya
''hindi mo ko madadaan sa pout mo jass'' wika nito sa pagalit na tono
Tumitig siya dito at ganon din ito sa kanya
Tumagal ang titigan nilang magkapatid hanggang sa binaba na nito ang kamay nito
''bruha ka pinag-alala mo kami'' wika nito sa totoong tono nito na ikinatawa niya
Niyakap siya nito ng mahigpit
Jazper Clement Jacinto ang kuya niyang malambot pa sa malambot
Pang apat ito at ito ang sinundan niya ng pinanganak siya
Ito na rin ang nagsilbing ate niya
Oo bakla ang kuya niyang ito pero hindi mahahalata dahil lalaking lalaki itong mag ayos at dahil na rin sa trabaho nito kaya maton ito titigan pero matagal na itong out sa pamilya nila
Buti nga at ito ang nakahuli sa kanila ni grey dahil kung hindi
abugbog aberna talaga ng wala sa oras ang boss niyang yun
Bumitaw ito ng yakap sa kanya at hinalos ang leeg niya
''princess yung leeg mo'' wika nito at mangiyak ngiyak na tinititigan ang pasa niya sa leeg
Umupo na ito sa tabi niya
''kuya 15 seconds na wala pa sila mama?'' wika niya rito at kinurot siya sa tagiliran
''gaga!malamang nasa baba pa yun, tsaka sinabi ko yun para umalis na yung jowa mo mamaya magisa pa yun nila mama sayang yummy pa naman'' wika nito na may pakagat labi pa
Napatawa siya dito
''pero parang kakilala mo naman ah?'' wika niya habang inaalala ang pagshake hands ng mga ito
''boyfriend ko ang e.a niya,'' wika nito sa kinikilig na tono na ikinangiwi niya
Kilala niya kasi ang itsura nito kapag nakikipaglandian ito
Napailing na lang siya
''ano ka ba tsaka yung mukhang yun ng boss mo, hoi laging laman ng bachelor magazine yun sinong di makakakilala dun,at kliyante siya ni kuya just noh'' wika nito na halos ikalaki ng mata niya
YOU ARE READING
My Writer My Lover
General Fictionmaiinlove kaya sila kung nagumpisa lang ang lahat sa kasalanan??