10

79 1 13
                                    


Jasmine's pov

Puting paligid ang nakita ko pagmulat ng mata ko

Asan ako? Mental ba to?

Tuluyan na ba akong nasiraan ng ulo?

gaga wala ka pa sa mental try mo kayang hospital lang

napangiwi siya dahil dun, oo nga naman kasi

Agad siyang napatingin sa tabi niya dahil may nararamdaman siyang mabigat na kamay na nakadampi sa kamay niya

Hindi niya mapigilang ngumiti nang  makita niyang hawak ng boss niya ang kamay niya

Agad niyang naalala ang nangyari sa kanya

Biglang lumuha ang kanyang mata

Pinalaki siyang matapang at maton ng mga kapatid niya

Nagiisa siyang babae at lahat ng kuya niya ay sinundan ang yapak ng ama nila

Siya lang lumihis ng landas pero kahit ganon bitbit niya ang lahat ng depensa na itinuro sa kanya ng kanyang mga kuya at ama

Pero sa isang iglap kahit anong tapang niya may muntik pa rin na makuha sa kanya

Napatingin siya sa kisame

Hinayaan niyang tangayin ng luha niya ang sakit na nararamdaman niya sa katawan at puso niya ngayon

Agad niyang napansin na gumalaw ang taong nasa tabi niya kaya tinitigan niya ito

Nagulat naman ito sa itsura niya ngayon

Agad siyang niyakap nito at hinalik halikan nito ang ulo niya na parang sinasabi nito sa bawat haplos ng kamay nito at dampi ng labi nito sa ulo niya na magiging maayos din ang lahat

''its ok my light everything will be fine I promise'' wika nito na lalong nagpakabog sa puso niya

Masama ba na nasa ganon siyang lagay pero kinikilig siya sa mga ginagawa nito ngayon

Niyakap pa siya nito ng mahigpit

''ill make him pay don't worry'' wika ulit nito sa kanya at nagpapagaan ng loob niya

Ilang minuto silang ganon nang humiwalay siya rito

''do you need anything?'' wika nito sa kanya habang nakatitig ito sa mata niya

''just hold me close'' mahina niyang sambit dito saka niya ulit niyakap ang lalaki na mukhang ikinagulat nito

Nakitaan naman niya ng ngiti ito sa sinabi niya

''believe me I wont let anyone touch you again'' wika nito sa matigas na tono

Napatango na lang siya rito

''as much as we love what were seeing now,baka pwede naman kaming sumingit kahit konting oras lang'' narinig niyang boses mula sa pintuan

Agad siyang napangiti ng makita ang mga iyon

Nandun ang power rangers team kasama ang editor nila si maam luz or mama luz sa kanila

''ma'' wika niya at sinugod na siya ng lahat

''bruha ka pinagalala mo kami!!!'' mangiyak ngiyak na  wika ni kassie sa kanya at nakapantulog pa ito

''kassie ikaw ba yan o sumapi si emelia sayo?'' tanong niya rito na agad naman siyang pabirong binatukan

napasimangot naman si emelia sa tabi

''gaga ganyan kita kamahal kahit maging emelia the second ako wala akong pakialam'' wika ng ube niyang kaibigan sabay iyak sa harap niya

My Writer My LoverWhere stories live. Discover now