Grey's pov
Pagkatapos bumisita ni tita at ng mga kasamahan niya ay agad siyang nakatulog
Hindi ko mai-alis ang mata ko sa kanya
Alam kung napakalas niyang babae inside and out
pero nahihirapan pa rin ako na nanririnig ang unti-unti niyang paghikbi at ang pannginginig ng laman niya
Dalawang beses akong nagpatawag ng nurse para masiguradong walang mangyayari sa kanya
Wala mang trauma sa utak niya maaring ang katawan niya ang nagkaroon kaya siya nagkakaseizures
At maaring hindi niya alam iyon
Napabuntong hininga ulit siya at lumabas bago niya tinawagan ang e.a niya na sumagot agad
''sir'' wika nito sa matigas at malalim nitong tono
''john alamin mo kung sino ang lalaking nasa unit palagi ni Arianne ,then do everything to strip every asset he has,kung kaya mong gawing impyerno ang buhay niya gawin mo, pagkatapos siguruhin mo na mas gugustuhin na lang niyang mabulok sa kulungan kaysa magpakalat kalat sa daan'' may galit sa lahat ng salita na binitiwan niya
Hindi siya makakapayag na pagkatapos ng nangyari hindi maghihirap ang lalaki
''copy sir anything else sir'' wika nito pabalik pagkatapos ng lahat ng utos niya
Bumuntong hininga siya
''bring me some stargazers a dozen please'' wika niya ulit rito
At natigilan ito sa kabilang linya na ikinagulat niya
''john nandyan ka pa?'' wika niya rito
Narinig niya itong tumikhim
''ok sir copy''saad nito na ikinagulat niya dahil lumambot ang boses nito
''ok take a rest pagkatapos ng lahat non'' wika niya at narinig niyang naubo ubo ito bago niya pinatay ang tawag
May sakit ata ang e.a niya
Hindi niya madalas makita si john pero mukhang kailangan na niyang dalawin ito pag ok na si jasmine
Agad siyang pumasok matapos patayin ang tawag
Nakita niyang gising na si jasmine at nakaupo ng maayos sa kama nito
''hey'' wika niya rito at umupo siya sa paanan ng kama nito
Ngumiti naman ito medyo maayos na ang namumutlang mukha nito
May bakat na ng asul at lila ang leeg nito
katibayan na napakahigpit ng kapit ng lalaking iyon sa leeg ng magandang babaeng to
Hindi niya mapigilang maikuyom ang kanyang mga kamay
nag-iinit nanaman ang ulo niya
''ayos ka lang?'' saad ulit niya pero napatapik siya sa noo niya
''malamang hindi ka ok'' sagot niya sa tanong niya
saka siya napailing at napabuntong hininga
Nagtaka naman siya at narinig niyang humahahagikgik ito
'kinunutan niya ng noo ang babae
''cute ka pala magmukhang timang noh'' wika nito sa kanya at lalong lumalim ang gitla sa noo niya
''oh bakit?'' dagdag pa nito
''I was never called cute lady'' wika niya rito at tumawa naman ito ng tumawa
Napapangiti naman siya dahil kahit papano ay ramdam niyang sincere ang mga tawa nito at hindi nagpipilit na tawa lang

YOU ARE READING
My Writer My Lover
General Fictionmaiinlove kaya sila kung nagumpisa lang ang lahat sa kasalanan??