Nakatungo siya sa harapan ng veranda nila at kung ilang beses siyang bumuntong hininga ay hindi niya alam
Napakaganda ng tanawin sa harap niya pero sa loob niya walang kasiguraduhan ang kapayapaan
1 pa ulit na buntong hininga ang pinakawalan niya
''kung nakakayaman ang buntong hininga mas mayaman ka pa sa mga sy anak''
Nilingon niya ang nagsalita
Umupo naman ito sa tabi niya sa sofa
Nginitian niya ito saka yumakap
''ma basta andyan ka mas mayaman pa ako sa lahat ng mayaman sa mundo''wika niya saka siya yumakap sa bewang nito
Kung may isang positibong bagay siyang nakikita sa pagtira niya ulit sa bahay nila iyon ay kasama niya ang ina niya
Yumakap din ito pabalik sa kanya
''jasmine namiss ka ni mama, mahirap pag puro testosterone ang buong bahay'' wika nito na may ngiti sa labi
''ma sawa ka na kay papa?tara layasan natin'' wika niya sa pabirong tono
Nangiwi siya ng maramdaman niya ang kurot nito sa hita niya
''ikaw na bata ka! san ka ba nagmana ?bat ang hilig hilig mong takasan ang papa mo?'' wika nito na ikinatawa niya
''malamang sa inyo ma, di ba nga sabi mo nong nililigawan ka pa lang ni papa tapos ayaw mo pa sa kanya kung saan saan ka nagtatago at tumatakas'' pagdadahilan niya rito
Ito kasi ang madalas ikwento nito sa kanya noon,hindi daw kasi love at first sight ang nangyari sa kanila
Sinuyo daw itong maigi ng kanyang ama
''puro ka kalokahan hasmina'' wika nito at napangiwi siya
''ma jasmine nga hindi hasmina'' maktol niya na lalong ikinatawa ng ginang
''ma kabagan ka'' wika niya ng makita ang saya sa mukha nito
''sa lahat ng anak ko sayo talaga ako nagtataka,san mo nakuha ang kakulitan mo at parang ikaw ang lalaki kesa sa mga kuya mo'' wika nito habang hinahaplos nito ang buhok niya
''ma hinding-hindi ako nagmana kay papa,kaya panigurado lahat to! ulo hanggang paa sayo galing'' wika niya at natawa siya ng malakas ng ngumiwi ito
''loka loka'' wika nito tsaka kinurot siya ulit
''oi ma RA 9262 yan ma violence against women and children'' wika niya at nakatikim siya ng isang batok sa ina
''hindi ka women jasmine'' wika pa nito na ikinangiwi niya
''ma children ako children'' wika niya habang hinihimas ang binatukan nito
''mag isa mo lang'' wika pa nito
Hindi ka talaga mananalo sa principal
Wika ng utak niya saka siya napairap
''oi misis jacinto bat ka nandito susumbong kita sa dep-ed di ka pumasok anong klaseng principal ka?'' pabiro niyang wika sa ina na nakayakap na sa tiyan nito kakatawa
''hayaan mo ang dep-ed isusumbong ko sila sa tatay mo'' wika pa nito sa mas nakakahalakhak na tono
''ayan tayo ei abuso din talaga tayo eii'' wika niya sa ina na hindi na magkamayaw sa kakatawa
Natutuwa siyang makita ang kasiyahan sa mukha nito
Mukha pa rin bata ang kanyang ina pero sa lahat ng dinanas nito sa pagiging matigas ng ulo niya nakita niya ang lungkot sa mukha nito na hindi niya kahit kelan ginusto

YOU ARE READING
My Writer My Lover
General Fictionmaiinlove kaya sila kung nagumpisa lang ang lahat sa kasalanan??