Part 24.1.2

26 0 0
                                    


Jasmine's pov

After talking to papa feeling ko kalahati ng bigat ko sa dibdib ang naalis para bang isang bato na ang nawala

At oo kalahati lang at hanggang kalahati lang yata ang pwedeng maalis sa puso ko lalo na ang kalahati ng pinanggagalingan nito ayun malapit nang ikasal

Isang malalim na buntong hininga ulit ang pinakawalan ko pagkatapos ng mga naisip ko

''Maam andito na po tayo'' wika ni manong kaloy

Matapos ng paguusap namin ni papa pinayagan na niya akong bumalik ng opisina

Binigay muli ang sasakyan ko pero may driver pa rin

Ginusto ko na ring pumasok sa opisina para kahit papano mawala ang lahat ng gumugulo sa isip ko at maisulat yun 

Para na rin makita ang mga kaibigan ko na nagiging virtual friends ko na lang dahil hindi ako makalabas ng bahay

Yun lang ba talaga jasmine o baka may iba pa?

Hayyyy..

Sino ba niloko ko? Oo gusto ko pa rin siyang makita, masilayan kahit papano sa huling pagkakataon nagbabakasakali naghahanap ng pasubali

Tang ina! ang lalim mong writer buset ka!

Hehe peace man hehe 

Wearing my most sophisticated look I ever wore which is a red dress and a black blazer pairing it with 2 inches black stiletto and leaving my hair down

I want him to see me looking so majestic

 Gusto ko siyang saktan na makikita niyang maaayos ako kahit wala siya

Pero sino ba kasing niloloko ko??hindi ba parang ako lang??

Day !alam mo assumera ka! di naging kayo anong pinagsasabi mong maaayos ka ng wala siya abah!

Kinakawawa nanaman ako ng utak ko

Pero tama siya ano ba ang gusto kong patunayan hayyyy

I rode the elevator alone balak kong bumaba bumalik sa sasakyan at magbihis ng usual jasmine outfit

Kasi naman tama naman ang utak ko ano bang pinapatunayan ko

Hayyyy.....

When suddenly the elevator rang and lo and behold the great Grey Alfonso in his usual corporate attire

Kagaya pa din ng dati malamlam ang mata niya pero ito ang klase ng mata na tutunawin ka tingin pa lang

Malalantik pa rin ang pilit mata na binagayan ng matangos nitong ilong

At nakakapanghalina sa iba

Isang mukha na kahit yata pumikit ako ay hindi ko makakalimutan

Gulat man ang kanyang ekspresyon pinilit niyang itago yun

Pinilit niyang balewalain ang lakas ng tibok ng kanyang puso na para bang sasabog sa mga oras na iyon

Pero kahit pilitin niya alam niya sa sarili niya na ang laki ng epekto ng lalaking ito sa buhay niya

Sa puso niya

Sa utak niya

Huli na ng maialis niya ang tingin niya rito lalo na at nag-angat na ito ng tingin sa kanya

Halata ang gulat sa mata nito ng makita siya lalo na sa suot niya ngayon

Nakita niya ang pagkislap ng mga mata nito

My Writer My LoverWhere stories live. Discover now