Kumatok siya sa glass wall at nakita naman niya si mae na nagliligpit ng gamit
Nakita siya nito ngitian siya saka pinapasok
''Oh jass andito ka pa? gabi na ah..may project ka ba?'' sunod sunod na tanong nito habang bumabalik sa lamesa nito sa tapat ng pinto ng boss nito
''Ah wala nandito ako kasi ibibigay ko yung story ni arianne'' kiming wika niya
Kilala niya si mae dahil sa grupo nila ito madalas magconfide pag iiyak na ito sa pinapagawa ng boss nito kumbaga sila ang stress reliever nito lalo na pag break nito
Agad itong lumapit sa kanya at hinila siya sa sulok
''This is not the right time jasmine, kanina pa mainit ang ulo ni sir ei, maliban sa walang submission ng mga story sa team niya, mukhang bokya din sa lovelife si sir ngayon'' bulong nito sabay tingin sa pinto
''Kaya nga balak ko ng umalis baka kasi ako pa mapagbuntunan'' dugtong nito at pumunta ulit sa pwesto nito kanina at inayos ulit ang bag
Lumapit naman siya doon
''Teka nga bat ba para kang nagchachacha mae?? pupunta ka dun babalik ka dito''' wika niya na ikinatawa nito
''Lokaret ka talaga'' wika nito
''Ganito ikaw na lang magpasa nito baka sakaling tanggapin na niya at sumikip naman ang maluwag na turnilyo ng boss niyo'' wika niya rito sabay abot ng folder
Umiling iling naman ito habang tumatawa
''As much as I like you and your jokes and pang ookray with my boss, sorry inday gusto ko pang mabuhay kinabukasan di ko ipapasa yan'' wika nito
''E paano to? Baka naman matanggal si arianne'' wika niya at nagpout pa pa siya para makonsensiya ito
Madalas niyang gawin yung sa editor niya at sa nanay niya pag may gusto siyang kunin, na madalas effective naman
''Sorry love kung kaya mong ipasa yan gora,ipagdadasal ko na lang kaluluwa mo ha'' wika nito sabay takbo palabas ng opisina nito
Kung kanina natatawa pa siya ngayon damang dama na niya ang bigat ng pakiramdam na sinasabi nila sa tuwing haharap sa pinto ng editor na to
Napalunok pa siya nang makarinig siya ng isang bagay na itinapon at dumiretso sa pinto
Hala!!nagwawala si sir!!jusmiyo!
Napaatras siya ng isa, totoo lang handa na siyang tumakbo pero naiisip niya ang kaibigan
Naku ka!!!!! Arianne!!!may araw ka rin saking bakla ka!!
Huminga siya ulit ng malalim bago niya nilakasan ang loob at kumatok ng tatlo at binuksan ang pinto
Ganon ang protocol sa kanila tatlong katok pasok lalo na kung di ka nakalock
Pasok ka ng pasok mamaya iba mapasok mo gaga!
Tanga! ako kaya ang papasukin,hindi ako ang papasok! baliw ng utak ko lalandi na nga lang mali pa
Muntik na siyang matawa sa naisip kung di lang niya nakita ang mga nagkalat na papel
Flower vase na basag
Flower petals mula sa bouquet na hindi naibigay kasi nasira na
Nakita niya ang lalaki sa harapan nakatalikod at nakapamewang
Tumikhim siya hindi niya sinara ang pinto para kung may ibabato ito pwede siyang tumakbo
Alam niyang gwapo ito pero ngayong kitang kita niya kung gano ito kahalimaw abah! gusto na niyang umalis

YOU ARE READING
My Writer My Lover
General Fictionmaiinlove kaya sila kung nagumpisa lang ang lahat sa kasalanan??